Sean's Point of View
Limang oras na ang lumipas mula nang magsend ako ng friend request kay Charlie. Ang cute ng pangalan niya. Charlie. Taeng yan. Sa kadahilanang gusto kong magstalk sa kanya, napilitan akong buksan ang FB ko na ang kapatid ko namang babaeng ang gumawa. Hindi naman ako talaga naggaganito eh.
Naalala ko nang kausapin ko si Sir Bayot para alamin ang pangalan niya. Binatukan muna niya ako at sinabing hindi naman daw namin siya sinunod which is totoo. Pero sa huli, binigay din naman niya ang gusto ko.
Nakakainis naman ang babaeng yun. Hindi ba siya nagbubukas ng facebook minu-minuto tulad ng iba. Tsk. Ang tagal niyang i-accept ang request ko. Sabi pa naman sa 'kin ni Alex, isa sa tropa, ganoon na daw ang mga babae ngayon.
"Pare, si Audrey oh." Sabi ni Chino. Heto na naman si Audrey.
"Hubby." Malambing na sabi nito nang makalapit siya sa amin.
Iniwan kami ng buong tropa marahil para makapag-usap kuno kaming dalawa. Pero sa totoo lang, wala na akong gusto pang sabihin sa kanya. Tapos na kami.
"Ano pa bang kailangan mo Audrey?" Tanong ko dito.
"Ganoon na lang ba 'yon Sean? Itatapon mo na lang basta basta ang relasyon nating dalawa?" Tae. Nagsisimula na naman siyang umiyak.
"Pwede ba tumigil ka na." Siyempre inalo ko ito at niyakap. Hindi naman kasi talaga seryoso ang relasyon naming dalawa. Pareho lang kaming naglaro. Hindi ko naman alam na siya pala, tinototoo na niya ang lahat.
"Audrey, I'm really sorry. Pero napag-usapan na natin 'to. Hindi ka ba napapagod?" Pinahid ko ang luha niya. Kahit naman papaano ay naging kaibigan ko din siya. "Magkaibigan pa din naman tayo. At hindi na mababago 'yon."
Nang lumaon ay tumahan na rin ito pagkatapos ay umalis na. Sana naman ay maging okay siya.
"Bakit ba kasi kayo naghiwalay pare?" Tanong sa akin ni Ren.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko alam. Bigla na lang ay ayokong maattach sa kahit na sinong babae sa ngayon.
"May iba ka na bang gusto?"
Napatingin ako dito. Napakaseryoso naman nitong magtanong.
"Ano bang pinagsasasabi mo? Gusto ko lang ipahinga ang sarili ko." Pagsisinungaling ko. Ang totoo ay hindi ko pa sinasabi sa kanila na may ibang babae akong nagugustuhan. Pinsan kasi ni Ren si Audrey. At kapag nalaman nila, magagalit sila sa akin. Ito ang dahilan kung bakit hindi ko magawang lapitan si Charlie. Baka pati siya ay madamay sa galit nila kapag nagkataon.
Dumaan ang isang linggo at talagang hindi pinansin ng babaeng iyon ang friend request ko. Ni hindi ko siya masendan ng message dahil naka-private ang profile niya. Ni pictures niya, wala akong makita. Pambihira talaga. Ang damot niya.
Badtrip. Biyernes na ngayon. Dadaan na naman ang Sabado at Linggo. Ilang gabi na akong hindi nakakatulog ng maayos sa kaiisip sa kanya.
At dahil hindi ko na talagang kayang maghintay ay inabangan ko siya sa labas ng school. Siyempre sa may tagong lugar ako nagpunta. Mahirap na, baka may makakita pa sa 'kin.
Sa wakas, natanaw ko rin siya. Nagbeso ito at ang kasama niyang babae. Lalapitan ko na sana siya nang may biglang sumulpot na unggoy sa tabi niya, este lalaki pala.
"Charlie, bukas ha? 9 am tayo magkita sa mall." Sabi ng lalaking mukhang nagpapacute pa sa kanya.
"Oh sige Paul, walang problema." Sagot naman nito na tila hindi niya napapansin ang ginagawa ng lalaki sa kanya.
"Wala ka bang kasabay? Ihatid na kita."
Yun. Ito ang go signal ko. Dahil hindi na ako nakatiis ay nilapitan ko na sila. Bahagya pang nagulat si Charlie nang makita akong nasa harapan na niya.
"Hindi mo siya ihahatid dahil ako ang maghahatid sa kanya." May pagkasigang sabi ko dito sabay akbay kay Charlie. Mukhang natakot naman ang lalaki at mabilis itong lumayo.
"Ano bang ginagawa mo?" Galit na galit na sigaw ni Charlie habang inaalis ang braso kong nakadantay sa balikat niya.
"Bakit hindi mo ina-accept ang friend request ko?" Tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
A High School Love Story
Short StoryYou met. it just happened. You fell in love. It just happened. You parted ways. Again, it just happened. Everything happens. Sometimes, with a purpose. Sometimes, with a reason. Sometimes, they just happened.