Untitled Part 4

232 6 0
                                    

Sean's Point of View



Ang ingay ng mga kaibigan ko ng lumabas ako ng CR. Napansin kong may pinalilibutan silang babae. Tss. Mga lalaki talaga.


"Ren." Pag-agaw ko ng atensyon ni Ren. Kabebreak niya lang sa girlfriend niya, nangchichicks kaagad siya.


"Sean." Sagot nito ngunit napatingin ako sa babae. Teka, ito yung babaeng nakasama ko noong isang hapon sa gym. Anong ginagawa niya dito?


Tumingin din sa akin ang babae at halata sa reaksyon ang pagkagulat nito. Badtrip. May gusto siya kay Ren? Bago pa ako makapagsalita ay mabilis na itong tumakbo papalayo.


Nakakainis talaga. Isinawalang bahala lamang niya ang paghalik ko sa kanya.


"Easy bro. Bakit ka galit?" Tanong ni Ren. "Kilala mo ba siya?"


"Hindi." Tipid kong sagot.


Sa mga sumunod na araw ay talagang wala ako sa mood. Hindi ko din maintindihan kung bakit. Yung paghalik ko sa babaeng iyon, paulit-ulit itong bumabalik sa isip ko. Yung mga labi niyang malambot, hindi ko malimutan. Ang tanga ko. Kaya ko 'yon ginawa ay upang patahimikin siya, pero ngayon ako ang hindi matahimik.


"Pare, may problema ba?" Tanong sa akin ni Ren. Siya ang pinaka-close ko sa buong tropa.


"Wala."


"Panay ang text sakin ni Audrey. Ilang araw mo na daw siyang hindi pinapansin." Oo nga pala, may girlfriend ako. Pati 'yon, nagawa kong kalimutan.


"Wala 'to pre." Agad-agad ay itinext ko si Audrey. Mabilis itong nagreply upang sabihing magkita kami mamaya.


"Marami tayong nagiging chicks pre pero hindi natin sila pinagsasabay-sabay." Paalala ni Ren.


"Pinagsusunud-sunod lang." Sabi ko at napatawa lang ito. Marahil ay may ideya na siya na may ibang babaeng nagpapagulo ng isip ko.


Tama. Panggulo lang ang babaeng iyon sa isip ko. Pero sayang, hindi ko man lang siya nakilala. Hindi ko matandaan ang pangalan niya nung binanggit ito ng teacher namin sa P.E.


Sa mga sumunod na araw ay hindi pa rin ako mapakali. Lagi ko pa ding naiisip ang babaeng iyon. Napapangiti ako sa tuwing maalala ang paghalik ko sa kanya. Talagang natameme siya noon. Pero sa tuwing maalala ko naman na may gusto siya kay Ren ay naiinis ako. Kung kaya hindi ko magawang usisain kung ano ang laman ng sulat na iniabot nito sa kaibigan ko.


Minsan ay humihiwalay ako sa tropa upang hanapin ang babaeng iyon. Nahahalata na nga yata nila eh. Badtrip. Para niya akong ginayuma. Sinubukan ko na ring makipaghiwalay kay Audrey pero pambihira, ayaw niyang pumayag. Ayaw niya akong pakawalan. Argg. Sumasakit na ang ulo ko.


Hanggang sa napagdesisyunan kong gawin ang isang bagay. P.E. class namin. Si Sir Bayot ang teacher namin sa oras na ito. Kating-kati na akong malaman ang pangalan ng babaeng iyon. Nang matapos ang klase ay nilapitan ko agad si Sir.


"Sir." Tumingin lamang ito sa akin.


"May itatanong lang po sana ako."


"Ano 'yon Ibarra?"


"Pwede ko po bang malaman ang pangalan nung babaeng nakasama ko sa pagwawalis sa gym nung isang araw?"










A High School Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon