Untitled Part 14

360 9 1
                                    

Sean's Point of View



"Men tara, lunch na tayo. Tama na yan." Agaw ng atensyon sa'kin ni Claud habang nagtitipa pa din ako sa aking computer. Tiningnan ko aking relo at pasado alas-dose na pala. Kumakalam na din ang aking sikmura kaya lang ay kailangan kong tapusin ang ginagawa ko.

"Saglit lang pre." Sagot ko sa kanya.

Hindi na siya umangal at tahimik na lamang na naghintay.

Pagkatapos na pagkatapos ko sa ginawa ko ay agad akong tumayo.

"Sa Migz Cafe tayo Men. Yung bago. Masarap daw duon eh."

"Sige." 

Pagdating namin ay agad kaming nakahanap ng mauupuan. Medyo madaming tao sa Restaurant.

"Uy daming chicks." Bulong ni Claud.

Hay. Bakit ko ba naging kaibigan 'tong lalaking 'to. Pambihira naman. Wala na kasi akong masamahang iba kaya no choice ako.

Ewan ko din bakit bigla akong nagbago. Dati napakaloko ko, ngayon masyado na akong seryoso. Ewan ko ba. I still live with my mom and my sister. Mahigit isang taon na rin ako sa aking pinagtatrabahuhan.

"Siya nga pala men, anong balak mo kay Ma'am Jean?" Tanong nito.

Si Ms. Jean ay manager namin na laging nagpapacute sa akin. She's beautiful and sexy pero ayoko na muna magkaroon ng girlfriend sa ngayon. Focus muna ako sa trabaho.

"Ui men."

"Wala. Ano naman ang dapat kong gawin don? Wala naman."

"Grabe ka men, chicks na lumalapit sa'yo, ayaw mo pa." Sabi nito palibhasa sa kanya walang lumalapit.

Ayaw ko man aminin, kaibigan ko rin naman ang unggoy na 'to.

"Eh sa ayoko eh." Dumating ang order namin.

"Paano na si Carla? Pati si Nena." Dagdag nito.

"Sino naman si Nena?" Tanong ko.

"Yung taga-canteen natin. Haha! Ang daming nagkakagusto sa'yo sa office men tapos wala kang mapili. Ang pihikan mo naman. Sige ka, ikaw rin. Baka sa huli, maglaho silang lahat." Pananakot nito.

Sa gwapo kong ito, mauubusan ba ako? Tss.

"Wala akong panahon sa ganyan. Tsaka bakit ba gustung-gusto mong magkasyota ako? Ano bang pake mo pre?"

"Kasi men, h'wag kang masasaktan ha? Kasi bulung-bulungan dun sa office na kaya ka raw hindi nagigirlfriend dahil.." Tumigil ito sandali at lumapit ng kaunti upang bumulong. "Bakla ka raw."

Naibuga ko ang iniinom kong juice. Pasalamat siya hindi sa mukha niya kundi sa sahig. Nakakhiya dahil nagtinginan ang ilang taong malapit sa aming mesa.

"At saan naman nila nakuha ang ideyang yan?"

Iiling iling si Claud habang tumatawa.

"Ewan ko ba sa mga 'yon men. Pero ano bang talagang gusto mo sa babae?"

Naghihinala na ako. Pakiramdam ko si Claud ang talagang bading eh.

"Yung maganda?" Tanong nito.

"Oo."

"Yung sexy?"

Tumango ako.

"Yung hot?"

"Oo." Sagot ko.

"Edi yun ang hinahanap mo?" Sabi nito sabay turo sa babaeng pumasok ng restaurant.

Shit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A High School Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon