Untitled Part 10

191 6 0
                                    

Sean's Point of View



Girlfriend?


Tila gumuho ang mundo ko nang marinig ang mga salitang iyon. Ang babaeng gusto ko, girlfriend siya ng bestfriend ko. Paano nangyari 'yon? Kailan pa? Bakit wala akong alam?


Nawalan ako ng ganang pumasok nang hapong iyon. Pero dahil bawal kaming lumabas sa gate kapag lunch time, nag-over the bakod ako. Tumama pa nga ang pwet ko sa lupa sa pagtalon ko. Tss. Kainis.


Kinabukasan ay hindi pa rin ako pumasok. At maging sa mga sumunod na araw. Tinetext na nga ako ng tropa. Nagtataka marahil sila kung bakit absent ako ng absent. Ang sakit sa pakiramdam. Literal kong nadadama ang bigat ng dibdib ko. Ngayon lang nangyari sa akin 'to. Maging si Mommy nga, tinanong ako kung ano daw bang nangyayari sa akin, kung may sakit daw ba ako.


"Kuya, may naghahanap sa 'yo sa labas." Sabi ni Sheen, nakababatang kapatid ko.


"Sabihin mo wala ako." Wala sa mood na sabi ko.


"Eh nasabi ko ng nandito ka eh. Bumaba ka na ha? Pinapasok na pati sila ni Mommy." Tss. Kainis.


Pagbaba ko ay nakita ko ang buo naming tropa na sinakop na ang aming sala habang si Mommy naman ay mukhang naghahain ng miryenda. Naka-uniporme pa ang mga ito.


"Naku mga iho, kausapin ninyo nga ang isang 'yan. Ilang araw ng nagmumukmok sa kwarto. Na-basted yata." Sabi ni Mommy. Sinamaan ko siya ng tingin. Ngumiti lamang ito.


"Halika nga pre. Ano bang problema mo?" Si Dan.


Hindi ako nagsalita. Kaya ko bang sabihin na ang babaeng kinukwento ko sa kanila noong isang araw ay girlfriend na pala ng matalik kong kaibigan? Ayoko.


"Siya nga pala Ren, di ba sabi mo malapit lang ang bahay dito ni Charlie?" Alex.


Charlie. Marinig ko pa lang ang pangalan niya, tila nagsisikip na ang dibdib ko. Ganito yata talaga ang pakiramdam ng brokenhearted. Now I know.


"Ah oo. Pero hindi ko sasabihin sa inyo kung saan. Ha ha." Sagot ni Ren. Hindi pa rin ako makakibo.


"Ang damot mo." Sabay-sabay nilang sabi.


"Alam mo Sean, hindi kami sanay ng ganyan ka. Ano ba kasing problema?" Tanong ni Chino.


"Tungkol ba 'yan dun sa babaeng kinukwento mo sa amin noong isang araw?" Dagdag pa nito.


Napatingin ako kay Ren. Ganoon din siya sa akin. Bakit parang naiinis ako sa kanya at gusto ko siyang suntukin sa mukha? Pero magalit man ako, magselos man ako, walang mangyayari dahil wala naman akong karapatan.


"Ren kasi sabihin mo na nga kay Sean." Tila inip na singit ni Ram.


Hindi mawala ang pagtitig ko kay Ren. Hinihintay kong magsalita siya.


"Sean. Ang totoo kasi niyan." Mataman din ako nitong tiningnan. Naging seryoso ang lahat. "Pfft. Ahahaha!" Humagalpak ito ng tawa. Ang weird.


"Hindi ako sanay ng ganito mga pre. Ahaha! Nakakatawa ang hitsura ni Sean." Lahat sila ay nagtatawanan na. Hindi naman ako makasabay dahil hindi ko alam kung bakit.


"Ganito kasi yan pre." Muling nagsalita si Ren pero tumatawa pa rin.


"Kababata ko lang si Charlie. Buset. Mamatay ka na sa selos pre." At muli ay nagtawanan silang lahat. Badtrip.

A High School Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon