Charlie's Point of View
Isang puting rosas ang nadatnan ko sa aking mesa pagpasok ng Lunes. Kanino galing 'to? Hmmn. Hindi kaya nagkamali lang ng patong yung naglagay nito? Binuksan ko ang card at nakasulat doon ang pangalan ko. Shocks! Kanino galing 'to?
"Uy si Charlie, may secret admirer." Tukso sa akin ng mga kaklase ko. Napatingin ako sa gawi ni Paul at hindi maipinta ang mukha nito. Okay. Problema mo? Tsk.
Tumunog ang cellphone ko. One message received from an unknown number.
'Nagustuhan mo ba yung bulaklak mahal na prinsesa?'
Mahal na prinsesa? Shocks! Sino ba 'to? Kinakabahan ako. Agad akong nagreply.
'Sino ka?' Simpleng tanong ko.
'Magkita tayo mamayang 4 sa gym para makapagpakilala ako ng maayos sa'yo.' Sagot nito.
Oh my gosh! Hindi kaya si ano 'to, si ano, yung magnanakaw? Erase. Erase. Imposible.
"Huy. Bakit namumutla ka diyan?" Si Lyka.
"Bestfriend." Sabi ko dito sabay hawak sa kanyang kamay. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Sasamahan kita, h'wag kang mag-alala." Sabi sa akin ni Lyka. Gusto niya kasing sundin ko yung utos ng nagtext sa akin. Lukaret din ang babaeng 'to eh. Mas excited pa sa akin. Pero natatakot ako, baka kasi mamaya modus lang ito. Pero nasa loob naman kami ng school kaya wala naman sigurong mangyayaring hindi maganda sa amin.
"Oh sige basta h'wag kang mawawala sa tabi ko ha?"
"Oo naman."
Malapit ng matapos ang klase. Ibig sabihin, malapit ng mag-alas kwatro. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko. Parang sasabog ang ihi ko at jebs ko sa kaba.
"Relax lang bestfriend." Sabi ni Lyka habang umaaktong hinahagod ang aking likod.
"Kinakabahan talaga ako Lyka."
"Ano bang ikinakatakot mo? H'wag ka nga. Malay mo, gwapo 'yan. Oh edi sabay tayong magkaka-love life." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Bakit? May boyfriend ka na?" Tanong ko dito.
"Malapit na. Basta. Magfocus ka nga muna sa sarili mo."
Pagkatapos ng klase ay agad akong inayusan ni Lyka. Konting polbo, konting lip balm pati pabango para raw presentable ako mamaya kapag kaharap ko na ang secret admirer ko.
Pagdating namin sa gym ay nadatnan namin ang grupo nina Ren na tila nagkakatuwaan sa isang tabi. Ngunit nang makita nila kami ay nagsitayuan ang mga ito papalapit sa amin.
"Hi Lyka." Bati ni Ren sa bestfriend ko. "Tara miryenda tayo." At tinangay na nga nito ang kaibigan ko. Kaming dalawa na lamang ng magnanakaw na tipaklong ang naroon.
Seryoso itong nakatingin sa akin. Ako naman, hindi makatingin sa kanya ng diretso. Shocks. Bakit ako nahihiya? Di ba dapat siya ang mahiya dahil siya ang may atraso sa akin?
"Charlie." Panimulang bati nito.
Hindi ako sumagot.
Inextend nito ang kanyang kamay. "Ako si Sean. Sean Ibarra."
BINABASA MO ANG
A High School Love Story
KurzgeschichtenYou met. it just happened. You fell in love. It just happened. You parted ways. Again, it just happened. Everything happens. Sometimes, with a purpose. Sometimes, with a reason. Sometimes, they just happened.