Charlie's Point of View
"Santos, h'wag kang tumakbo!" Sigaw sa akin ng P.E. Teacher.
"Sorry Sir!" Pasigaw ko ring balik sa kanya. Nagmamadali kasi ako ngayon. Magsisimula na ang aming afternoon class. Badtrip. Kung bakit kasi nakatulog ako sa library. Nag-skip na nga ako ng lunch, mukhang malelate pa 'ko. Patay ako ngayon sa English Teacher namin.
Pagdating ko sa harap ng aming classroom ay sarado na ang pinto. Lagot ako nito kay Ms. Reyes. Ang sungit pa naman noon. Dahan-dahan akong kumatok. Naghintay ako pero shocks, walang sumagot. Lalo tuloy akong kinabahan. Ni minsan ay hindi ko naranasang mag-cut ng class. Nako Lord, please help me.
Muli ay kumatok ako. Bumukas ng kaunti ang pinto. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Inayos ko ang aking gusot na palda at tumindig ng maayos. Kailangang ihanda ko ang sarili ko sa sermon ni Ma'am. Ngunit pagsilip ko sa nakaawang na pinto, walang tao sa loob. Siyempre, nagtaka naman ako. Pumasok na lamang ako ng tuluyan sa loob ngunit ginulat ako ng bestfriend kong si Lyka. Sumigaw ito ng pagkalakas-lakas kung kaya naman lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.
"Ano ba namang ginagawa mo diyan sa likod ng pinto?" Tanong ko dito habang hawak-hawak pa din ang dibdib ko. "Pambihira ka!"
"Sorry. Hahaha." Sagot lamang nito. "Wala tayong klase ngayon. Nagkaroon daw kasi ng emergency si Ma'am Reyes. Then yung mga classmate natin, nandoon pa din sa canteen." Tawa pa din ito ng tawa. Tsk. Nakakainis.
"Tara din doon. Hindi pa ako kumakain." Tinanong pa ako nito kung saan ako nanggaling. Naghiwalay kasi kami kaninang lunch dahil hindi ko natapos yung project ko sa Filipino at yun ang ginawa ko sa library. Deadline na kasi mamaya.
"Charlie." Panglalambing ni Lyka sa 'kin habang naglalakad kami.
"Bakit?" Pasuplada kong sagot sa kanya. Hindi ko pa nalilimutan ang ginawa niya sa akin kanina eh.
"Nakita ko yung crush ko kanina. In-love na yata ako sa kanya." Maarte nitong kwento.
"Sabi mo crush pa lang, bakit naging in-love ka agad? H'wag ka ngang OA. Highschool pa lang tayo." OA ba man. Madami din akong crush pero love? Hindi pa. Ang aga pa para sa love.
"Ito naman. Sorry na nga kanina bestfriend." Nagpuppy eyes pa ito. Mabait na kaibigan si Lyka. Medyo may kaartehan lang talaga siya na minsan ay namimis-interpret ng iba. Palibhasa anak-mayaman. Ako? So-so lang. ^.^
"Sino ba sa mga crush mo ang nakita mo?" Tulad ko ay madami din siyang gusto. Ganoon naman yata talaga kapag highschool di ba?
"Si Ren." Mahinang bulong nito.
"Yung sigang iyon? Bakit crush mo pa din 'yon?"
"Ano ka ba, siga man siya, hindi naman nababawasan ang kagwapuhan niya."
"Tss." Tanging naisagot ko na lamang sa kanya.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami ng classroom. Nagklase pa kami ng tatlong oras at sa wakas nakapagpasa din ako ng project sa Filipino. Tuwing uwian ay palaging nagmamadali si Lyka dahil nandiyan na ang sundo niya. Medyo strict ang parents. Kung kaya kapag hapon, no more bonding time na para sa aming dalawa.
Ipinatawag ako ng P.E. Teacher namin. Lagot ako. Malamang papagalitan na niya ako ngayon dahil sa pagtakbo ko kanina. It's bawal kasi.
"Oh Santos, mabuti at dumating ka na." Bungad sa akin ni Sir Bayot pagpasok ko ng opisina niya.
"Siya ang makakasama mo Ibarra sa paglilinis ng gym." Baling nito sa kaharap na isa pang estudyante.
"May tatlumpong minuto kayo para magwalis ng buong gym. Siguraduhin ninyo lang na gagawin ninyo iyon kung hindi madadagdagan pa ang parusa ninyong dalawa."
BINABASA MO ANG
A High School Love Story
ContoYou met. it just happened. You fell in love. It just happened. You parted ways. Again, it just happened. Everything happens. Sometimes, with a purpose. Sometimes, with a reason. Sometimes, they just happened.