Untitled Part 8

190 8 0
                                    

Sean's Point of View


Nagdeactivate siya ng account. Badtrip talaga. Naiinis na ako sa babaeng iyon. Galit pa rin ba siya sa akin dahil sa ginawa kong paghalik sa kanya? Minessage ko siya pero hindi siya nagrereply. Grr. Nauubos na ang pasensya ko sa kanya.


"Pre, ano bang problema mo? Lagi ng nakakunot yang noo mo." Sabi ni Alex.


"Kailangan mo ng chicks pre." Komento naman ni Chino.


Tiningnan ko si Ren at seryoso itong nakatitig sa akin. Marahil naghihintay ng sasabihin ko. Huminga ako ng malalim. Matalik kong kaibigan si Ren at ayokong masira ang matagal na naming pagkakaibigan ng dahil lang sa babae.


"May nagugustuhan akong babae." Pag-uumpisa ko.


"Atleast babae, hindi lalaki." Pagbibiro ni Dan. Nagtawanan sila pero agad ding nanahimik nang mapansing hindi kumikibo si Ren.


"Hindi ko masabi kaagad kasi baka magalit ka." Muling sabi ko.


"Bakit pinatagal mo pang sabihin pre? Hinihintay lang naman namin na magsabi ka. Ang lihim mo kasi." Sabi ni Ren sabay ipit sa leeg ko. Muli ay nagkatawanan kami. "Hindi naman ako magagalit sa'yo. Maliit na bagay." Dagdag pa nito.


"So, sino ba itong maswerteng babaeng ito?" Tanong ni Ram.


"Hindi pa kami." Sagot ko.


"Oh bakit hindi pa?" Chino.


"Hindi niya nga ako pinapansin eh." Tila may lumbay na sabi ko.


"Si Sean Ibarra, dinedeadma ng isang babae?" Panunukso ni Alex. At talagang pinagtawanan nila akong lahat.


"Mukhang kakaiba itong babaeng ito Sean ah." Sabi ni Ren.


"Talagang kakaiba." Kinuwento ko sa kanila ang unang pagkikita namin ni Charlie at kung paano nito hindi pinapansin lahat ng ginagawa ko. Dahil doon ay lalo nila akong pinagtawanan.


"Ano pang ginagawa natin dito? Abah eh kumilos na tayo." Alex.


Nagpunta kami sa kung saan saan para hanapin ang unggoy. Yung lalaking kasama ni Charlie sa mall nung isang araw. Kainis yun, hinawakan niya sa braso ang Charlie ko.


"Ibigay mo na sa 'min pre." Sabi ni Ren habang nakapalibot kami sa unggoy.


"Ano bang kailangan ninyo sa kanya?" Takot na takot na pero nagawa pang magtanong.


"Wala ka na doon. Bakit ba nagtatanong ka pa? Ibigay mo na ang hinihingi namin sa'yo." Si Ren ulit. Ayokong makisali sa kanila kahit kating-kati na akong malaman ang number ni Charlie.


"Isusumbong ko kayo sa principal." Pananakot pa nito sa amin.


"Oh sige, gusto mo samahan ka pa namin eh." Sinuntok na ni Ren ang pader kung saan niya isinandal ang lalaki. At marahil dahil sa takot ay ibinigay din niya ang number ni Charlie.


Tuwang-tuwa naman ako pagkatapos. Sa wakas.


Lumayo ako sandali sa tropa upang tawagan si Charlie. Lunch break ngayon so ibig sabihin ay wala pang klase. Pero naka-ilang ring na ay hindi pa din ito sumasagot. Ilang subok pa pero wala pa rin. Naiinis na naman ako.


Wala akong magawa kundi bumalik na lamang sa pwesto nina Ren. Pero laking gulat ko nang makita ang mga itong nagtatawanan kasama ang dalawang babae at isa sa mga 'yon si Charlie. Malalaking hakbang ang ginawa ko papalapit sa kanila.


Pagkatapos ay hinigit ko siya sa braso.


"Anong ginagawa mo? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" Inis na inis na sabi ko dito.


Pero pumagitna si Ren. "Bakit pare? Anong kailangan mo sa girlfriend ko?"


A High School Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon