Untitled Part 12

177 6 0
                                    

Sean's Point of View



Palagi ay sinusuyo ko si Charlie. Hindi pa din kasi ito pumapayag na ligawan ko siya. Ang katwiran niya, kaka-break lang daw namin ni Audrey. Sinubukan kong ipaliwanag sa kanya ang talagang nangyari sa amin ni Audrey pero ayaw niyang maniwala. Ang hirap nito, hindi pa nga kami nagkakakilala ng lubusan, wala na agad siyang tiwala sa akin. Mabuti na lamang at tinutulungan ako ng mga kaibigan ko para mapalapit sa kanya.


Halos araw-araw ay nakakasama ko si Charlie. At sa bawat araw na iyon ay lalo ko siyang nakikilala. Lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya. Kakaiba talaga siyang babae. Wala siyang arte sa katawan. Ni hindi nga naglalagay ng polbo sa mukha pero gayon pa man, siya pa rin ang pinakamaganda para sa 'kin.


Si Charlie ang tipo ng babaeng hindi dapat niloloko. Yun ang narealize ko. Dumating ako sa point na kinuwestiyon ko ang sarili ko kung talaga bang wala ng atrasan 'to. Pero kapag naiisip ko si Charlie sa piling ng ibang lalaki, parang mamatay ako.


Madalas din kaming nagkakatext ni Charlie. Pero sa tuwing binabanggit ko ang tungkol sa panliligaw ko sa kanya ay iniiba nito ang usapan. Ang ginagawa ko, hinahayaan ko na lang.


Isang hapon, pinilit ko siyang pumayag na ihatid ko siya sa kanila pero ayaw niya. Hindi ba dapat ginagawa ng lalaki 'yon? Gusto ko lang naman makasiguro na ligtas siyang makakauwi sa kanila pero ang tindi ng pagtanggi niya. Dahil doon ay medyo nainis ako sa kanya. At nakaramdam ako ng pagod.


"Sabihin mo nga sa 'kin Charlie. Kung ayaw mo ng mga ginagawa ko, titigilan ko na 'to." Seryosong tanong ko sa kanya. Talagang seryoso ako. Kasi hanggang ngayon, hindi pa din siya naniniwalang totoo ang nararamdaman ko para sa kanya. Nakakapagod din naman.


Ilang sandali ang lumipas at hindi ito umimik.


"Sige, last na 'to." Sabi ko sabay yuko. Ang sakit lang. Nabalewala lahat ng effort ko para sa kanya. Ni isa yata, hindi niya naappreciate. Sa mga oras na 'to, ipinapangako ko sa sarili ko na hinding hindi ko na siya lalapitan.


"Alis na 'ko. Ingat ka na lang." Huling sabi ko sa kanya bago tumalikod. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako ay may pumigil na sa braso ko.


"Sandali Sean." Si Charlie. "I'm sorry." Sabi nito.


Hinarap ko siya.


"Ang totoo.. gusto din naman kita." Tila nagningning naman ang paligid sa aking narinig. Ngunit hindi pa din ito tumitingin sa akin. "Pero kung pwede sana, bigyan mo pa ako ng kaunting panahon?" Napansin kong tila hirap na hirap siya sa bawat salitang pinakawalan niya sa kanyang bibig.


Dahil sa tuwa ay nayakap ko siya. Yung yakap na sobrang higpit.


Hindi na kita pakakawalan Charlie. Tandaan mo 'yan. Yun ang laman ng isip ko.

A High School Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon