Untitled Part 5

205 7 0
                                    

Charlie's Point of View



Sean Ibarra.


Sean Ibarra. 


Sean Ibarra.


Sa wakas. Nagkaroon na din ako ng clue kung sino siya. Ang cool ng pangalan niya, kasing-cute niya. Nadagdag na siya sa listahan ng mga crushes ko.


Hingal na hingal ako paglapit ko kay Lyka.


"Naibigay mo?" Tanong nito.


"Oo. Hehe." Masaya kong sagot sa kanya.


Nang makapahinga kami saglit ay sinabi ko sa kanya ang nangyari. Kung paano ako napahiya at kung paano ko nakita ang lalaking nagnakaw ng first kiss ko.


"Sean ang pangalan niya." Kilig na kilig na sabi ko.


"Ano? Sean ba kamo?" Tila gulat pa ito.


"Oo, bakit? Kilala mo siya?"


"Eh mas malala ka pala sa 'kin eh."


"Bakit naman?" May pagtataka kong tanong sa kanya.


"Hindi mo ba alam? Mas chickboy yun kaysa kay Ren." Bulong nito sa tainga ko.


"Talaga? Hindi nga?" Tsk. Nakakadismaya. Ayoko pa naman sa ganoong lalaki.


"Oo. Wait tingnan mo 'to." Kinuha ni Lyka ang kanyang cellphone at nag-open siya ng facebook. Tinype niya ang pangalan ni Sean sa search at agad lumabas ang profile nito. Nang makita namin ang timeline ay puro post ni Audrey Alba and naroon.


I love you hubby! <3


Happy 1st weeksary hubby. Muah! Muah!


Hubby. I miss you so badly.


"Sila?"


"Oo. Ang alam ko, last month pa." Tinapik ni Lyka ang aking likuran.


"Pasensya ka na bestfriend. Kalimutan mo na lang siya." OA na sabi nito. Okay lang naman yun eh. Kaso kasi hinalikan niya pa ako eh.


"Walang hiya pala ang lalaking 'yan eh. Bakit siya basta-basta nanghahalik kung may girlfriend pala siya?" Yung pagkagusto ko sa kanya, napalitan ng inis.


"Oo nga. Bad boy." Komento pa ni Lyka.


Hindi lamang inis ang aking naramdaman. Ang totoo ay nalungkot din ako. Sobra. Hindi ko lang masabi kay Lyka dahil nahihiya ako. Hindi ko maamin na ang feelings ko para kay Sean ay iba sa lahat ng mga crushes ko. Hindi ko alam kung ano ng tawag dito pero ganoon ang nararamdaman ko.


Tuwing hapon sa pag-uwi ko, palagi kong binubuksan ang facebook ko. Ang tanga ko. Nalulungkot na nga ako, ini-stalk ko pa rin ang fb account ni Sean. Huling kita ko sa kanya ang naka-tag na stolen shot nila ni Audrey na holding hands while walking sa garden ng school. Shocks. Naiinis ako. Pero hindi ko pa din iyon tinigilan. Iyon ay upang ipaalala sa sarili ko na mayroon na siyang girlfriend at marapat lamang na siya ay akin ng kalimutan.


Ilang araw pa ang lumipas. Pero hay. Badtrip ang lalaking iyon. Hindi niya ako dapat hinalikan, edi sana hindi ko siya naiisip di ba?


"Huy bestfriend, break na daw sina Sean at Audrey?" Panggugulo sa akin ni Lyka.


"Talaga? Bakit naman?" Nacurious ako kung bakit. Mukha naman silang okay dalawa, I mean base dun sa mga posts ni Audrey, mukha maayos naman ang relasyon nila.


"Well, bakit pa nga ba? Alam mo Charlie, sa mga chickboy na gaya ni Sean, walang nagtatagal na babae dun ano." Sabi pa ni Lyka. "Tingnan mo sa FB, 'feeling heartbroken' pa si Audrey."


Agad ko namang binuksan ang facebook ko at iyon nga ang tumambad sa newsfeed ko. Marami ang tila nakiramay sa pagdadalamhati ni Audrey. Medyo may pagkapopular din kasi ang babaeng 'to eh.


Pero ayoko ng maki-chika pa. Maglo-log out na sana ako nang biglang nagkaroon ako ng friend request. Wow. Talagang sakto.


Ngunit nagulat ako nang buksan ko ito.


Sean Ibarra                        Accept?             Delete Request?









A High School Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon