Patuloy pa rin si pag-usisa si Gina kay Luke tungkol sa crush nito nang hindi namin namalayan na may lumapit na babae sa aming mesa.
“Excuse me. Mr Luke Santillan? Pwede ba kitang makausap?” singit ng babae sa usapan naming magkakaibigan. Ang babaeng iyon pala ay si Regine, ang present SC president. Sikat siyang estudyante dito sa college namin. Maganda siya, dati-rati na siyang sumasali sa mga pageant ng university; matalino, consistent na dean’s lister at candidate pa for summa sum laude; at higit sa lahat, mabait. Hindi magkamayaw ang mga kalalakihan sa tuwing nagtatalumpati siya sa mga school programs. Pati kaming mga babae ay humahanga sa kanya.
“Yes?” sagot naman ni Luke, saka napatingin sa babaeng tumawag sa kanya. Nakita ko ang pagkamangha niya kay Regine. Napansin kong may kakaiba sa ginawa niyang pagtingin sa SC president.
“I’m Regine Buendia, President of the Student Council. Narito ako ngayon para humingi ng favor sa iyo, Mr Santillan,” sabi ni Regine kay Luke. Natahimik kaming dalawa naman ni Gina at nakinig na lang sa usapan nina Luke at Regine.
“Anong favor naman iyon, Ms Buendia?” tanong naman ni Luke. Halatang pinipilit niyang makipag-usap sa kanya nang pormal.
“Please, call me Regine. Sa susunod na buwan ay magsasagawa ang Central Student Council natin ng isang Concert-for-a-Cause. Ang malilikom ng concert ay magiging pondo ng council para sa pagtulong sa in-adopt nilang indigent community sa malayong parte ng ating probinsiya. In lieu with this activity, nirequest ng council ang bawat college na magkaroon ng banda na magpeperform sa concert. Kaya lang, grumaduate na kasi karamihan ng members ng resident band ng college natin, at kasama na dun ang vocalist. Nakarating sa amin na dati ka raw bokalista ng isang banda when you were still studying in Manila, kaya minabuti naming irequest sa iyo na ikaw na lang ang maging bagong lead vocalist ng resident band. Pero iyon ay kung ok lang sa iyo," paliwanag ni Regine.
"Ganun ba? Hmmmm. Let me think about it," sagot ni Luke. Tumingin siya sa amin ni Gina.
"Pumayag ka na Luke. It's for a good cause naman diba?" sabi ko sa kanya.
"Tama si Pam, Luke. Besides, good publicity yan sa iyo. First and last year mo na dito sa university, kaya maganda kung mayroon kang maiaambag na tulong." pagsang-ayon naman ni Gina.
"Kung sabagay, namiss ko na rin ang pagpeperform," sabi ni Luke.
"So, I'm taking that as a yes to my request. See you this 5 pm sa Social Hall para mameet mo na rin ang ibang band members." sabi ni Regine.
"Ok. Count on me," sabi naman ni Luke. Pagkatapos noon ay umalis na si Regine. Pero di mawaglit sa isip ko ang kakaibang tingin ni Luke kay Regine. Para bang may gusto siya sa president. Di ko na lang iyon pinansin.
Kinahapunan pagkatapos ng last period namin ay dumiretso na si Luke sa Social Hall. Sinamahan din namin siya ni Gina upang manood sana ng praktis ng banda. Kaya lang noong makarating kami ay tanging si Regine at ang drummer pa lang ang naroroon, nag-aayos ng mga instruments. Napansin ko ang biglang pagkatuwa ni Luke nang makita niya si Regine. Patay malisya na lang ako sa aking nakita. Naghintay pa kami ni Gina ng ilang minuto, pero nang lumaon ay nagpasya na lang kaming umuwi. Iniwan na lang namin ang tatlo sa Social Hall na noo'y nag-uusap.
Kinabukasan ay tuwang tuwa si Luke. Masaya rin naman kami ni Gina para sa kanya, dahil nga nabigyan siya ng malaking opportunity. Subalit habang lumipas ang mga araw ay nagsimula na ring mapalayo si Luke sa amin. Sa tuwing vacant period namin ay palagi na lang siyang pumupunta sa SC office, nagdadahilan na may gagawin siya doon. Kung lunch break naman at kaming tatlo ang magkakasama, palagi na lang ang banda ang kanyang bukambibig, o kaya naman ay nagtatanong ng tungkol kay Regine.