15 Group Study. Simula sa araw na iyon ay di ko na narinig ang mga kaklase namin na pinag-uusapan ang tungkol sa amin ni Luke. Parang bumalik sa dati ang lahat, liban na lang sa araw-araw na akong inihahatid ni Luke pauwi.
Kapag Sabado at Linggo naman ay ipinagpapatuloy niya ang kanyang paninilbihan sa amin. Pero di tulad ng unang beses, mas humihirap ang pinapagawa sa kanya ni Tatay. Mga gawaing bukid na talaga ang ipinapagawa sa kanya, kabilang na roon ang pag-aararo, at mismong pagtatanim ng mga punla ng palay. Kapag wala namang trabaho sa bukid ay siya na rin ang nagkukumpuni ng mga sirang gamit namin sa bahay. Sa kabila ng mga mabibigat na trabaho'y pinapawi ko naman ang kanyang pagod dahil dinadala ko siya sa aking munting paraiso. Ipinagpatuloy din niya ang pagtuturo kay Tino sa paggigitara, at napapansin kong nag-eenjoy din naman siya sa kanyang ginagawa.
Lumipas ang mga araw. Di namin namamalayan, malapit na palang matapos ang semester. Sa susunod na linggo na ang aming Final exams.
"Bez, gusto niyo maggroup study tayo para sa finals? Ngayong weekend, overnight stay na rin. Pero di pwede sa bahay ha?" tanong ni Gina sa amin ni Luke.
"Good idea. Mas gusto ko ang ganun kasi di ako masyadong nakakapagreview nang maayos kapag mag-isa lang ako." tugon naman ni Luke.
"Ah, okay din sa akin yun. Kailangan ko lang magpaalam kina tatay. Pero papayagan naman nila ako, siguro. Saan tayo maggu-group study?' tanong ko naman.
"Pwede tayo sa bahay" sabi ni Luke.
"Ayos. Haha. So, sa Friday, deretso na tayo sa inyo after class?" ani Gina. Bakas sa kanyang mukha ang excitement na pumunta sa bahay nina Luke. First time kasi namimg makapunta roon, kung magkaganon nga.
"Kayo. Okay lang sa akin. Di naman siguro magagalit si Dad kapag dalawa lang naman kayo. Besides, mas mainam na rin na makilala ng parents ko si boss" wika ni Luke sabay tingin sa akin. Nginitian niya ako, yun bang ngiting sa sobrang tamis ay napangiti na rin ako.
"Ayieeeee. Sinasabi ko na nga ba, kaya pala game na game ka na pumunta kami sa inyo. Haynako Luke, group study gagawin natin ha? Hindi pakikipagligawan."
"Si bez talaga" sabi ko sabay kurot sa kanyang baywang.
"Oh bakit bez? Ikaw din ha? Kumyari ayaw pa, gusto naman talaga."
"Ay ewan ko sa 'yo bez."
"Oo nga boss. Alam ko gusto mo na ring makilala sila."
"Pati ba naman ikaw Luke. Ay ewan ko sa inyo. Di na nga lang ako sasama para wala kayong sabihin na kung anu-ano pa." pagmamaktol ko.
"Si boss naman oh, di na mabiro. Syempre, excited lang ako na ipakilala ka, lalo na kay Lyra. Palagi kasi kitang naikukwento sa kanya." Tinabihan niya ako at inakbayan. "Uy, mgingiti na si boss" dugtong pa niya habang pinisil ng isa pa niyang kamay ang aking pisngi. Di ko mapigilang jgumiti sa tuwing ginagawa niyaiyon. "Alam na talaga ng mokong na to kung pano ako pangitiin" sigaw ng aking isip.