Kabanata XIV: Tsismis

36 1 0
                                    

Tinulungan din ako ni Luke sa pag-aasikaso ng aking halamanan sa hapong iyon. Nang gumabi na ay siya na rin ang nagluto ng aming hapunan, bagamat tumulong din kaming magkapatid. Si nanay naman kasi ang siyang pumunta sa bukid para asikasuhin ang aming mga pananim. Saktong nakauwi na sina nanay at tatay nang natapos kami nina Luke sa pagluluto. Pagkatapos maghapunan ay si Luke ulit ang nag-ayos ng mga pinagkainan. Parang naging katulong namin siya tuloy. Pero siya naman ang may gusto nun. At least nakikita ko na desidido talaga siyang pagsilbihan kami.

Sa araw naman ng Linggo ay sumama na rin si Luke sa amin na nakisimba. Sasakyan niya yung ginamit namin, pwera lang kay tatay na ginamit yung pinapasada niyang tricycle. Pagkatapos kasi ng misa ay diretso na siya sa pagpapasada. Kami naman, sa palengke ang punta.

"Nay, punta na lang po ako doon sa pinagbibilhan natin ng mga isda. Kita na lang tayo mamaya" sabi ko.

"Sige. Alam mo na kung ano bibilhin. Puntahan ka na lang namin doon." Iniabot niya sa akin ang dalawang daang piso. Iniwan ko na lang sila nina Luke at Tino na bumibili pa ng mga gulay.

Habang namimili ako ng bangus ay may bglang tumapik sa aking balikat mula sa aking likuran.

"Bes!" bulyaw sa akin ni Melizza. Lutang na lutang si Melizza mula sa ibang tao sa palengke dahil sa suot niyang mamahaling damit.

"Oh bes! Namamalengke ka rin?" tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi inaasahan na makita siya sa pampublikong pamilihan.

"Ah oo. Di mo ko inaasahang makita no?"

"Oo?" Tumawa ako nang mahina. "Eh kasi may katulong naman kayo diba? Bakit ikaw namamalengke?"

"May sakit kasi si Manang Cora, kaya kami muna yung mga gumagawa ng gawain niya. Alam ko rin naman ang mamalengke bes."

Magsasalita sana ako nang bigla akong hinawakan ni Melizza sa kamay habang nanlalaki ang kanyang mga mata.

"Bes, si Luke iyon, di ba?" tanong niya sa akin sabay turo ng kanyang nguso. Napalingon ako sa kanyang itinuro. Si Luke nga iyon, bitbit ang bayong na gamit namin sa pamimili. Malapit na siya sa amin sa mga oras na iyon.

"Boss, tapos ka na sa bibilhin mo?" tanong sa akin ni Luke. "Ako na lang ang pumunta rito. Nauna na sina tita sa sasakyan." Mukhang di niya napansin na kasama ko si Melizza. Humarap ako sa kanya at isinenyas na may kasama akong kaklase namin. Mabilis din naman niyang naintindihan kung ano ang nais kong ipahiwatig. Agad din niyang binati si Melizza.

"Oh Melizza! Ikaw pala yan!"

"Hi Luke!" Sagot naman ng isa. "Teka lang, tama ba yung narinig ko na tinawag mo si Pam ng BOSS?" Talagang diniinan pa ni Melizza ang salitang boss.

"Naku!!!! Mukhang mabubuking kami nito!" sabi ko sa isip ko. Nagkatinginan kami ni Luke. Di namin alam kung ano ang dapat sabihin kay Melizza. At sa dinamirami ng mga kaklase namin, si Melizza pa talaga ang nakarinig natawagin ako ng Luke.

 "Waaaaaiiiiiiit!!!!!!!!!!" bulyaw ni Melizza. "I get it. Kayo na?!! Oh my God bes! Di mo man lang ako nasabihan!"

Lalo akong natameme sa sinabi niya. Buti na lang at si Luke na lang ang sumagot.

"It's not what you think. Ako na ang nagsasabi sa iyo, I and Pam are not yet in a relationship. Kaya itigil mo na yang iniisip mo kasi mali ka."

"Not YET. So nanliligaw ka pa lang? Okay, okay. Don't worry." sagot ni Melizza. "Sige, mauuna na ako. Mamamalengke pa ang reyna. Bye bes, bye Luke." At iniwan na kami ng aming kaklase.

"Patay..." sabi ko sa aking sarili. "Luke!!! Humanda ka sakin mamaya. May problema na tayo ngayon dahil sayo." sigaw ng aking isip.

Mukhang nabasa naman ni Luke kung ano ang iniisip ko. "Boss, sorry. Di ko naman kasi agad napansin si Melizza. And, di ko naman naisip na ganun ang interpretation niya sa sinabi ko. Sorry Boss."

Alaala ng Unang Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon