Day 21.1

39.3K 1.4K 281
                                    

06:05 AM

En : Aalis ka na?

Marcus : Yeah. Have to drive. Kukuha
lang muna ako ng damit sa bahay at
ilang gamit siguro.

Marcus : Ikaw? Are you okay? Anong
oras ka papasok?

En : Maya-maya pa. 8am ang first class ko pag Thursday e.

Marcus : Hm. Anong subject?

En : E... Huhuhu. Wag mo munang itanong, please.

En : O hulaan. ╥﹏╥

Marcus : Haha. Okay.

Marcus : I really need to go.

En : Sure kang okay ka pa to drive a.

Marcus : Yes.

En : Sige. Ingat ka!

Marcus : Thank you for keeping me company.

En : Wala yun. :)

En : Ingat!

Marcus : Thanks! :)

10:15 AM

Marcus : En? Sayo galing tong neck
pillow at eye mask?

10:23am

En : E... Oo. Para makatulog ka ng
maayos kung diyan ka sa kotse
matutulog.

10:26am

Marcus : Thank you. May nadala
akong throw pillow galing sa bahay
pero walang eye mask.

Marcus : Well... I need to catch some
sleep. Elective ko mamaya.

En : Oo. Para may energy ka.

En : Babalik ka pa ng ospital
mamaya?

Marcus : I have to. Si Tita Madel lang
ang nandun.

En : A... Sige na, tulog na. (∩_∩)

Seen 10:30am

Marcus : Pabango mo ba tong nasa
pillow?

En : E...

En : Amoy kabinet kasi yung punda! (╥╯θ╰╥)

En : Kaya nilagyan ko ng pabango.

En : E... pangit naman kung fabcon
kasi hindi naman mababanlawan.
Baka mangati ka. (╥╯θ╰╥)

Marcus : Haha. Thank you for
thinking about me.

En : Huhu. Nakakahiya!

En : Hindi ko sinadya yan, pramis!

En : Kung aamuyin mo yan, baka nga
maamoy mo pa yung kabinet.

Marcus : Haha. It's okay.

En : Pero wag mo nang amuyin yung
kabinet! Please... ╥﹏╥

Marcus : Haha.

Marcus : Naisip ko lang...

10:34am

En : Ano yun? ╥﹏╥

Marcus : This means you smell like
jasmine and vanilla. :)

En : E?

En : Anong ibig sabihin nun?

En : Dapat ba kong magpalit ng
pabango?

Invisible Girl (Chat MD Series #1) (Published under Flutter Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon