Day 40: Code

218 6 0
                                    

Code
-----

End of morning lectures, eksaktong dumating ang message ni Marcus na nasa library na raw 'yung books na ibibigay niya sa 'kin. Kinalabit ko si bestie para magmadali sa pag-aayos ng gamit niya.

"Pupunta kayo sa library?" untag ni Carmi na lumitaw sa tagiliran ng inuupuan namin. Sa akin siya nakatingin.

"Hindi," sagot agad ni Helga. "Gutom na 'ko e. Magla-lunch na muna kami."

Napatingin ako kay bestie. No'ng nakaraan lang, sabi niya sa 'kin, hindi na niya isasama si Carmi sa library. Friend naman namin si Carmi. Kaso, masyado na kasing naku-curious.

"Totoo, Jen?" tanong ni Carmi sa 'kin.

"Oo e..." sabi ko at nag-iwas na ng tingin. Ayokong nagsisinungaling sa iilang kaibigan ko pero kailangan kong ingatan ang sekreto ni En.

Ngumiti lang ito at tumango. "Okay. Sa'n kayo magla-lunch?"

"Sa labas. Miss ko na kasi kumain ng sinabawan kay Manang Lupe," sabi ni Helga kahit na hindi naman kami ro'n kakain.

Alam kong iniiwas lang ni bestie na sumabay sa 'min si Carmi dahil nga pupunta kami sa library. Ayaw kasi ni Carmi sa mga luto sa kainan sa labas ng school. At mainit ang dugo nito kay Manang Lupe.

"A, okay. See you later!" anito at lumabas ng room kasama si Ria.

Tumingin ako kay bestie.

"Mas kaunti ang nakakaalam, mas safe. 'Di ba?" sabi niya sa 'kin at kumabit sa braso ko. "Tara na."

***
Sumilip muna kami ni Helga sa loob ng library bago tuluyang pumasok.

"Confirmed. Wala si Artie," bulong ni Helga.

Ipinresenta namin sa librarian's assistant 'yung library ID namin at nag-fill-up ng request form para sa Filipiniana section. Ibinalik ko 'yung isang libro ng compilation ng mga Filipino stories no'ng 1920's. Tapos, tumuloy na kami sa pinaka-maalikabok at pinakadulong section ng library.

Creepy ang Filipiniana section. Madalas, walang tao. Luma na ang mga libro na bibihira rin ang nanghihiram para basahin. Lima lang ang bookshelves ng Filipiniana. 'Yung panlima at pinakadulo, katabi na ng stacks ng mga luma at phased out na reference books. Do'n ko pinaiwan kay Marcus 'yung unang gift niya sa 'kin - 'yung necklace.

"Hala. 'Yan ba kukunin natin?" bulong ni Helga sa 'kin. "Nakaka-eskandalo." Tumawa pa siya.

Napanganga rin ako.

Sa patong ng mga phased out na libro, may nakaupong baymax. Medyo malaki. Mga 3 ft siguro. Sa kandungan ni baymax, may pulumpon ng white roses. At sa tabi nito, may mga librong natatalian ng pulang ribbon. Used books ni Marcus.

"Ano ba naman 'yang boyfriend-to-be mo. Buti na lang, lunch ngayon at inaamag talaga 'tong Filipiniana kundi..." Ibinuka ni Helga ang mas malaking tote bag na bitbit niya. "Silipin mo nga sa pinto kung nakatingin dito 'yung librarian. Baka mapagkamalan tayong nagnanakaw ng libro."

"Oo nga," sang-ayon ko at sumilip. Nakikipagkwentuhan si ateng librarian's assistant sa isang estudyante. "Clear."

Buti na lang, malapit din sa depository ng gamit ang exit ng Filipiniana. Madaling ikatwiran na magdedeposito pa lang kami ng bags kaya may bitbit kami. Bawal kasi ang malalaking bags sa library. Kailangang i-deposito sa bantay o sa librarian.

Isinilid ni Helga sa bag si baymax. Maingat ko namang kinuha 'yung flowers at ipinatong uli sa kandungan ni baymax. Tapos, binitbit ko na lang 'yung libro na naka-ribbon.

"Kasya pa yan sa bag mo?" tukoy ni bestie sa libro.

Tumango ako. "Ilalabas ko na lang 'yung ibang books ko para bitbitin. Ito ang ilalagay ko sa loob."

"Okay. Tara."

Patalilis kaming nagpunta sa depository ng gamit at kinuha ang mga bags namin sa open shelves. Mabuti na lang, hindi rin naman nagtanong ang assistant na bantay ro'n.

***
Pag-uwi ko sa bahay, dumiretso ako sa kuwarto para makita 'yung code na binanggit ni Marcus na kailangan kong i-solve. Kapag na-solve ko raw, ibibigay niya pa sa 'kin 'yung iba niyang books.

Umupo ako sa kama ko, itinabi sa 'kin si baymax at tinanggal ang ribbon ng books niya. Sa unang textbook nakaipit ang isang puting stationary paper na may sulat-kamay.

Pamilyar ang code.

V-O-Mn Be-P Mn-P-Sc Al-H-Na-B Al-B Mg-F-Na-B Mn-P-Sc K-P Al-Sc-Li-O?

Ang hint daw, letters equal numbers. Numbers equal letters.

Kumuha ako ng notebook at ballpen. Siguro, number equivalent sa alphabet 'yung tinutukoy.

Halimbawa, V is the 22nd letter sa alphabet. O is the 15th. M is the 13th.

Pero walang sense kung puro number.

Tinitigan ko uli 'yung letters. It looks like the elements symbols in Periodic Table.

Periodic table nga yata!

Sinubukan kong i-decode 'yung unang tatlong symbols na magkakasama.

V-O-Mn is Vanadium, Oxygen and Manganese. Sa atomic number equivalent, magiging 23, 8 at 25. Na kung iko-convert into alphabet letters ay may number equivalent na W,H,Y.

WHY?

Tumibok nang mas mabilis ang puso ko. Mukhang tama ako ng decoding. Mas lalo akong na-curious sa code kaya mas mabilis akong nag-convert.

Nang tapos na ko sa decoding, napatitig ako sa mga salita sa papel.

Why. Do. You. Make. Me. Like. You. So. Much.

I blinked. The words make sense but...

Why do you make me like you so much?

Kurap uli. Mali ba 'ko ng decoding?

Napabaling ako kay baymax at sa pumpon ng white roses. Why did he give me a baymax and white flowers.

Tumingin uli ako sa code sa papel.

Tumigil yata ako sa paghinga habang iniintindi ang mga salita.

Why did he make me solve a code this easy?

Did he just tell me he likes me..? Thru codes?

He... likes me? Ako?!

Kinagat ko nang matindi 'yung lower lip ko at dinamba si baymax bago impit na tumili. #

Invisible Girl (Chat MD Series #1) (Published under Flutter Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon