Day 35.2

29.5K 1.4K 108
                                    

THU 05:48 PM

En : Hi Marcus! Nakuha ko na yung books na bigay mo. At hindi pwedeng hindi ako mag-message at mag-thank you... kaya nag-emergency load ako para mai-send to.

Thank you!

This will help me study kasi wala talaga akong pambili lagi ng bago. Hindi naman cover ng scholarship yung mga books na kailangan ko until I graduate. Ganun din yung transportation to and fro sa school at yung para sa mga projects.

Nakakahiya nga kasi ikaw pa talaga yung nagbigay sa kin. Ang bait mo sa kin. Kahit na hindi mo pa talaga kilala kung sino ako. Kasi... pwede namang nagsisinungaling lang ako, di ba? Pwede namang isang araw, hindi na lang books ang hihingiin ko. Pwedeng mangungutang na pala ako ng pera tapos tatakbuhan kita.

Hindi naman ako ganun pero... madali lang isipin yun. So, I'm happy that you trust me and that you care for me.

Sobrang saya ko na naiiyak na naman ako. Lalo na run sa note na iniwan mo. At sa bookmarks!!! Ang gaganda! Paintings yung mga nasa mga yun, di ba? Yung Starry, Starry Night lang ni Van Gogh ang namumukhaan ko at yun Scream ni Edvard Munch! Saka, sobra yung bookmarks na ibinigay mo. Anim lang yung books, sampu yung bookmarks. Gagamitin ko sa ibang books.

One day, I will repay you. And one day, I will reveal myself to you. Honestly, I worry for that day. A lot. Kasi baka may ini-expect ka na hindi ako at hindi magiging ako kahit na kailan. And I honestly don't know if I could live like normal after disappointing you.

But I will brave for it anyway. Para sa 9PMs natin.

65 days more. On day 100th, I will tell you a lot of things in person.

Thank you uli.

Goodnight for later. Be safe driving home. :)

Seen 06:02pm

Marcus : You worry too much, Invisible Girl.

Marcus : On the 100th day, I have more to tell you, too.

Marcus : I'm glad you liked everything.

Marcus : May second batch pa ng books.

Marcus : Do give me a letter-long message like this again. I love reading your thoughts. ;)

Invisible Girl (Chat MD Series #1) (Published under Flutter Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon