Day 41.3

29.6K 1K 170
                                    

(Text messages. Helga and Jenessy)

Helga :
Pssssssttttt!!! Hindi ka pa tapos diyan sa Dean's office? Ang tagal mo. -__-

Jenessy :
Hindi pa e.

Jenessy :
Hala! Bakit hindi ka pa umuuwi? Sabi ko, hindi ako sasabay.

Helga :
Pinaghihintay ko si Manong sa parking. Sabi ko, pupunta tayo sa 40 days ng Mommy ni Marcus.

Jenessy :
Hala!!! Bakit tyao pupunta???

Helga :
Hala! Bakit ayaw mo? (¯―¯٥)

Jenessy :
E kasi... Baka mabosesan na ko ni Marcus pag nag-uspa uli kami.

Jenessy :
Kaya nga naki-meeting ako ngayon sa Arts Club para wala ako sa bahay pagkuha niya nung orders niya e. Nag-text na nga na galing na raw siya sa min.

Helga :
Hala! Bakit? Nag-voice message ka uli?

Helga :
(╯°□°)╯︵ ┻━┻

Helga :
Mabobosesan ka na talaga nun kung puro ka voice message!!!

Helga :
Saka, kayo na ba para magsend ka nang magsend? E ayaw mo pa nga sabi mong magpakilala? -___-

Jenessy :
Huhuhu. Wag mo na kong pagalitan!!!
(T ^ T)

Jenessy:
E hindi ko kasi siya mahindian... Nung nakaraan, malungkot siya. Tapos ngayong araw naman, 40 days ng Mommy niya. Siyempre, emotional tong araw na to sa kanya... (╥╯θ╰╥)

Helga :
Sa barangay ka magpaliwanag! (ಠ ಠ)

Jenessy :
Huhuhu. Sungit!!! (><)

Helga :
Hahahahaha! E kasi!!! Kailangan nating pumunta run, mabuking ka man! Nandun si Jorge! Lalandiin nun si Ash!

Jenessy :
E? Anong ginagawa ni Jorgina run?

Helga :
E di manglalandi nga!!!
(╯°□°)╯︵ ┻━┻

Helga :
Nandun din si Laurice, Pamela at Candice!!! Kumpleto ang mga bruha, hindi naman Araw ng Patay!!! (¯―¯٥)

Jenessy :
Hala!!!

Helga :
Kaya pupunta tayo! Sige ka! Baka samantalahin nun ni Landi yung emotional weakness ngayon ni Marcus!

Helga :
Tapos, magkakabalikan sila.

Helga :
Tapos, hindi ka na niya papansinin.

Helga :
Tapos, mauudlot ang lovelife ko.

Helga :
Lovelife mo pala. (¯―¯٥)

Jenessy :
Pano pag nakilala niya ko?

Helga :
E di happy! Umamin ka na! Tapos, may forever ka na! Bwahahahahaha!!!

Helga :
At babantayan ko si Ash! Baka makuha ng bruhang si Jorge. Parehas pa naman sila malandi! (¯―¯٥)

Jenessy :
Haha! Selos ka na agad e no?

Helga :
Oo na! Ikaw na secured kaya hindi ka nagseselos. ( ̄^ ̄゜)

Jenessy :
Hindi naman e...

Jenessy :
Susuportahan kita magbakod. Wait lang.

Jenessy :
Daldal pa kasi ni Dean.

Helga :
Ano ba pinag-uusapan diyan?

Jenessy :
Yung acquiantance party next week.

Helga :
Ah! Importante nga yan. Haha!

Helga :
Basta, hihintayin kita a!

Jenessy :
Oo! Bumili tayong flowers a. Na-release na yung allowance ko sa scholarship. May sobra pa ko run. :3

Helga :
Bibili rin naman ako. Wag mo nang gastusin yung budget mo. Hmp.

Jenessy :
E kasi... ayoko namang makihingi na naman sayo.

Helga :
Sus! Tulungan mo lang akong ibaon ng buhay si Jorge, bayad ka na sa lahat ng pabor mula sa lifetime na to and beyond. Bwahahahaha!

Jenessy :
Hahahahaha! #BaliwNaSiHelga

Helga :
Wag ka nang ano diyan. Basta tipirin mo allowance mo. Ako na muna bahala. :3

Jenessy :
Gagawin ko na lang yung term paper mo.

Helga :
Ayoko nga! :P

Jenessy :
Tuturuan na lang kitang magluto nung Shepherd's pie na paborito ni Ash.

Helga :
Yan! Bet yan!!! Yiii...

Helga :
Bili tayong ingredients bukas!!! Yiii....

Jenessy :
Hahahaha! Sige. :)

Jenessy :
Wait na lang. Patapos na siguro to si Dean. ^__^

Helga :
Bilisan mo! Mabangis ang kalandian nung mga bruha!

Helga :
Wag ka na muna maki-brainstorm ng mga bongga mong idea. (¯―¯٥)

Jenessy :
Oo na. Hindi. Haha.

Helga :
BILISAN MO!!!!

Invisible Girl (Chat MD Series #1) (Published under Flutter Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon