Day 22.1

42.5K 1.6K 637
                                    

09:30 PM

En : Hello! Sorry! Ang tagal ko!

En : May tinapos kasi akong term paper.

Marcus : It's okay. :)

Marcus : Tapos mo na ba? Baka may mga gagawin ka pa.

Marcus : Dont let me bother you.

Marcus : Sinamahan mo na ko kagabi. :)

En : Tapos na. Maaga ko yun sinimulan e. Sa Monday pa nga pasahan nun. Hihi.

En : Kumusta ka diyan?

09:34pm

Marcus : Nothing new. Tulog pa rin si Dad. Round the clock ang checking ng nurses.

Marcus : Umuwi muna si Tita Madel at dumating naman si Tita Patty.

En : A. Kumain ka na?

Marcus : Yes. Sa canteen. Kanina.

En : Wala kang school works?

Marcus : Meron. Sisimulan ni Jeric. Nag-volunteer e. Dadalhin daw nila rito bukas para magawa ko yung part ko. :)

En : A...

En : E...

En : Wala na kong maisip sabihin.
Huhu. ╥﹏╥

En : #TopicPlease

Marcus : Haha.

Marcus : Sige. Can I ask you something?

En : Ano?

En : Basta hindi year level ko! #Taboo

Marcus : No. About your name.

En : Hala! Wag muna ang pangalan ko, Marcus! 。゚(゚'Д`゚)゚。

En : Baka mag-offline ako! (╥╯θ╰╥)

En : Ayokong mag-offline! (╥╯θ╰╥)

09:37pm

Marcus : Hahahahaha!

Marcus : Bakit En Visible ang name mo?

En : A... Yung En Visible na name.

Marcus : Yes. That name.

Marcus : That means what? Invisible?

En : E... Oo. (>_<)

Marcus : Why?

En : E kasi... invisible ako?

Marcus : What do you mean?

09:39pm

En : Alam mo yun? Invisible?

En : Ay. Hindi mo siguro alam kasi marami namang pumapansin sayo.

En : Invisible kasi ako! Ako yung ano... yung kahit na kasama ako sa group ng mga tao, ako yung hindi pinapansin. Hindi rin tinatanong ng opinyon. Ganun.

En : Hindi ko alam kung bakit.

En : Sabi ng bestfriend ko, siguro raw kasi, mahina yung boses ko. Baka raw hindi ako naririnig. O baka raw kasi dahil masyado akong mahiyain.

En : Pero naisip ko, baka yun dahil... hindi ako interesting. O remarkable. ╥﹏╥

09:43pm

Invisible Girl (Chat MD Series #1) (Published under Flutter Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon