(Jenessy's journal)
July 30, 2015
Thursday
07:37 PM
BahayGrabe! Sobrang tagal na pala nung huli akong magsulat dito. The last entry was dated October 29, 2009 pa. Yung "short-lived happiness" ko kasama si Tatay.
Sobrang tagal na mula nung huli na gusto kong isulat lahat ng nangyari sa loob ng isang araw. Para lang hindi ko makalimutan. Ngayon na lang uli. Kasi si Marcus, e...
Marcus makes me happy. Yung happy na parang red bull. Kahit gabi na, ang hirap matulog kasi parang apaw yung energy ko. Yung happy na nakaka-inspire mag-aral, magbantay ng tindahan, at maging dalaga. Yung happy na bawat gabi, masaya ako kasi mag-uusap kami bago matulog. Tapos, tuwing umaga, babatiin namin ng 'good morning' ang isa't isa. Ang simple lang nun pero ang saya. Imagine, ang daming taong gumigising sa umaga pero hindi lahat yun babati ng 'good morning' sayo. Sa kanya siguro, maraming bumabati. Pero sa kin, grabe, iilan lang yun. Si Nanay, si Helga at siya lang. Tapos, ang daming tao sa friend's list sa facebook pero hindi lahat yun, tatanungin ka ng 'How's your day?' at the end of the day with the intent to listen and talk. We have that. We share that. Kahit na ang simple lang. Kahit madalas akong nerbyusin pag nag-uusap kami tapos nadudulas ako. Nagagalit na nga si Helga kasi ang obvious ko raw kapag hinuhuli ako ni Marcus. E kaso naman kasi... ang hirap magsinungaling. Lalo na pag nai-imagine ko siyang nakangiti, gaya kanina! Huhuhuhu. Pero mahirap ding magsabi ng totoo kasi... nakakatakot. Baka ma-disappoint lang siya na yung kausap niya araw-araw, ako lang pala. Tapos, kapag na-disappoint ko siya at ni-reject niya ko, ano nang gagawin ko? Paano ako titigil sa pag-iyak? Huhuhuhu. T__T
Kaya buti na lang, pumayag siyang hindi muna ako magpakilala. Makakakolekta pa ko ng masasayang araw kausap siya. Makakapaghanda pa kong ma-reject.
Kaya ayokong makalimutan bawat detalye ng araw naming dalawa. I want to always remember him. Para kung sakali... T__T
Okay.
Kahapon, I received a gift from him. Personal niyang ibinigay. Gaya ng sabi niya. Nagulat na lang ako nung sumulpot siya sa pinto ng lab 3 tapos in-excuse ako kay Professor Kidana. Nakakahiya. Pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko. Na-paralyze pa ko. Ang gwapo niya kasi kahit naka-uniform siya tapos ang liwanag nung bukas na pinto ng lab sa likod niya. Mukha siyang panaginip. Ang pula ng pakiramdam ko sa mukha ko. At nakakatakot dahil bigla kong naalala na nagpabango ako. Buti na lang, itinulak ako ni Helga palapit. Kung hindi, hindi ako makakalapit kay Marcus kahit nakatitig na siya sa akin.
Nakaka-conscious pa kasi may pimple ako. Nakakainis. Lagi na lang ganito. Kapag importante yung araw, saka may tutubong pimple. Sa ilong ko pa talaga! Ang laki-laki ng space sa mukha ko, dun pa sa madaling makita. Sana man lang, nagtago. Tapos, ang gulo pa ata ng bangs ko kahapon. Kasi, muntik na niyang hawiin e. Hindi lang natuloy yung hawak niya kasi sinitsitan siya ni Helga. Paano kaya kung hindi siya sinitsitan no? Hahawakan niya kaya yung buhok ko? Buti na lang, hindi. Baka mahimatay ako sa saya. Tapos, bakit siya ganun? Kahit nakagitna na si Helga, titig pa rin siya nang titig? Ang ganda pa naman ng mata niya! <3
Ganun pala yun, no? Kapag ang lapit-lapit lang sayo ng taong importante sayo, nabubura yung lahat ng nasa paligid? Kasi, nung ngumiti na siya sa kin tapos inabot niya yung panyo, wala na. Naririnig ko na lang yung tibok ng puso ko. Nakakatakot nga kasi sa sobrang lakas, baka marinig niya e. Buti na lang talaga, nasa gitna si Helga. Ang lambing ng boses niya nung nag-thank you siya. Tapos, ibinigay niya yung regalo niya na ang ganda ng wrapping! Nanghinayang akong buksan.
He gave me a book. Love and Miss communication ang title. May kasama pang bookmark. May handwriting niya pa sa loob.
Thank you for that day, Jenessy.
- MarcusNasa study table ko lang yung book para nakikita ko lagi. Nakakasaya kasi. Nakaka-inspired.
Kanina, may natanggap uli akong regalo sa kanya. Bilang si En naman. Inilagay niya dun sa spot na sinabi ko. Kinuha ni Helga. Habang ako, naghihintay lang kay matandang puno.
Grabe yung kaba ko nung lumitaw sila sa pathway galing sa Biology building tapos umupo sila sa malapit. Nasa five tables lang ang pagitan namin. Nakaupo siya na medyo patagilid sa kin. Nakita ko siyang nag-type sa cellphone niya kaya kunwari, nagbabasa ako ng makapal na book para hindi niya makita na hawak ko yung phone ko. Sinusubukan ko lang mag-reply para makita kung pano siya sumagot ng message. Kasi nagsusulat siya sa binder niya e. Dapat, hindi na siya nagrereply. Pero, nagrereply siya sa kin! ^__^
Tuwing dumarating yung message ko, binibitawan niya yung ballpen niya para mag-reply. Gusto kong sumayaw sa tuwa kanina. Hihi. :D
Kinabahan lang uli ako nung bigla siyang lumingon sa kin dahil hinahanap niya si En. Buti na lang talaga, may hawak akong makapal na book. Mas less yung taranta ko sa paglingon-lingon niya. Tapos, nung nagtagpo yung mata namin... ngumiti siya sa akin! Waaa...Ang ganda niya ngumiti talaga... Sobra. Sumisingkit yung mata niya tapos kita yung maputi niyang ngipin! Nakakawala ng hangin sa lungs!!! <3 <3 <3
Kung alam kaya niya na ako yung hinahanap niya, ngingiti pa rin kaya siya nang ganun?
Sana, no? >__<
Tapos, nung uwian na, saka ko lang kinuha sa bag ni Helga yung gift niya. Hindi ko pa binubuksan. Ang ganda kasi uli ng balot. Maya-maya siguro kasi pi-picture-an ko muna. Para may remembrance. :)
Alam mo, journal, I am thinking... ano kayang naiisip niya kapag iniisip niya si En, no? Sumasaya rin kaya siya? Gaya ng saya ko kapag iniisip ko siya? Lagi kaya kaming mag-uusap bawat gabi hanggang sa makapagpakilala na ko sa kanya? Mararamdaman niya kayang ako si En? Tapos, magugustuhan niya kaya kapag nalaman niyang ako si En?
Ngayon ko lang iniisip to pero... sa tingin mo... ano... may pag-asa kaya na magustuhan niya rin ako? Kahit kaunti lang?
Sana, no? Gaano kaya kasaya yun, no? Kapag sinabi niyang gusto niya ko?
Yiii... Ang hirap isipin! Ngayon pa lang kasi, ang saya ko na! :D
Sana, hindi to short-lived happiness. Sana, magtagal pa kahit kaunti pa. Masyado pa kong masaya na nakakausap ko siya. Pray tayo.
Bubuksan ko muna yung second gift! :)
BINABASA MO ANG
Invisible Girl (Chat MD Series #1) (Published under Flutter Fic)
Teen Fiction(CHAT MD SERIES) An invisible girl. A popular boy. And the exchange of messages between them. # Epistolary | Young Adult | Romance