Day 25.1

33K 1.1K 124
                                    

09:14pm

Marcus : How's your day?

En : Okay lang. Medyo naging busy kanina.

En : Ikaw?

En : Kumusta pagbalik uli sa school?

Marcus : Maraming school works. Ang dami ko ring antok. Haha.

Marcus : Yung break ko sana kanina, naubos sa lab. Nautusan akong mag-assist ni Prof. Santiago.

Marcus : Hindi ko naman mahindian. Mabait sa kin yun e.

Marcus : Nakatulog pa ko sa isang subject ko sa hapon.

Marcus : Buti na lang siniko ako ni Ash.

En : A... Pagod ka naman kasi. Tapos ngayon, nasa ospital ka pa.

09:16pm

Marcus : Yeah. Kailangan kong dumaan dito lagi after school. Hindi magkasundo sina Tita Patty at Tita Madel e.

Marcus : Kahit maliit na bagay, pag-aawayan.

Marcus : Pero ngayon, schedule kong mag-overnnight dito. Kami lang ni Tita Madel.

En : E...

En : Nandiyan pa ba sina Lolo at Lola mo?

Marcus : Umuwi na sa Pampanga.

Marcus : Matatanda na rin sila e. Hindi naman makakapagbantay. Maaasahan naman daw ang apo nila. Haha.

En : Totoo naman. :)

09:17pm

Marcus : En? Uh, may problema ba?

En : E? Bakit?

Marcus : You sounded... sad?

Marcus : Did something bad happened?

09:19pm

En : Ay, hindi. Pagod lang ako.

En : Naubos lahat ng potential energy. (*^^)v

09:19pm

Marcus : Sure? You can tell me. :)

En : Wala talaga. Napagod lang. :)

Marcus : May ginagawa ka pa ngayon?

En : E... meron. May isa pa kong assignment na tatapusin.

Marcus : Oh. Istorbo na naman pala ko.

En : Hindi naman. :)

Marcus : You're just saying that.

09:20pm

Marcus : Bibitawan muna kita for today.

Marcus : Tatapusin ko rin tong nire-research ko. :)

En : Okay. Balik na muna ako sa ginagawa ko. :)

Marcus : Good luck. ;)

En : Ikaw rin. :)

10:45 PM

En : Goodnight, Marcus!

11:56 PM

Marcus : Goodnight, En! :)

05:57am

Invisible Girl (Chat MD Series #1) (Published under Flutter Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon