(Text messages. Helga and Jenessy)
______________
01:34 PM
Helga :
Psst! Jenessy Alfonso!!!Helga :
Punta ka rito sa bahay! Ngayon na!Jenessy :
Ha? Bakit?
May order sila Tita?Helga :
Wala. Pero, sige, paorderin ko na lang sila Mommy. Magdala kang isang bilaong pansit.Jenessy :
Sige. May minatamis pa rin na macapuno rito. Gusto mo? Wala akong baon sa Miyerkules, bilhin mo na.Helga :
Haha! Sige, dalhin mo na!Helga :
Punta ka na ngayon para mauna ka kay Marcus. Papunta siya e.Jenessy :
Sasabay siya uli magsimba? Di niya nabanggit kaninang umaga e.Helga :
Sasabay siya magsimba pero maaga raw siya tatambay rito.Helga :
Tumawag siya e. Ako nakasagot ng phone. Di kasi nagrereply si Kuya sa kanya. Nasa ligawan.Helga :
E di siyempre, inimbestigahan ko siya kung kasama niya sila Ash at Kuya Jeric. E sabi niya, siya lang daw.Helga :
Ang nangyari pala, pinuntahan siya ni bruhang Laurice sa bahay nila kanina. Gusto yata siyang ipagluto ng lunch. Malandi. -___-Helga :
May pupuntahan daw muna siya tapos punta na raw siya rito.Jenessy :
E? Grabe naman si Laurice.
Iniiwasan siya ni Marcus?Helga :
Malamang! E mag-isa lang si Marcus sa bahay nila tapos pupuntahan ni malanding Laurice. Duh!!!Jenessy :
E di ba, may boyfriend siya?Helga :
E baka break na. ( ̄^ ̄゜)Jenessy :
O, ngayon? Kapag nakipag-break siya, babalik lang siya kay Marcus? Hindi naman pwede yun! ಠ~ಠHelga :
Kaya nga punta ka rito. Dito na lang natin gawin yung research paper natin. Mas mabilis pa internet namin.Jenessy :
E... anong gagawin ko diyan bukod sa research? Baka mahalata ako!Helga :
E di magpaparamdam ka kay Marcus! Parang destiny! Hahaha. Ipagluto mong lasagna! May ingredients dito.Helga :
Maya pa uuwi si Kuya e. Makipagkwentuhan ka.Jenessy :
E?! Hindi ko kaya! Mauutal ako!!!Helga :
Haha! Baliw! Kaya mo yun! Support kita! #KapagMayPagibigIpaglabanMoJenessy :
Hindi ko nga talaga kaya! Huhuhuhu. Kinakabahan na ako ngayon pa lang! (╥╯θ╰╥)Helga :
Hala! Mas ayokong ako ang kakwentuhan niya no! Baka maamoy nun pabango ko, sige ka!Helga :
Parehas tayong pabango! Baka isipin niya, ako ikaw.Jenessy :
Hala...Helga :
Punta ka na! Para ma-inspire ka! At para magka-moment kayo! Hahahaha!Helga :
Tutulak kita sa kanya! Hahahaha.Jenessy :
E! Wag!!! 。゚(゚'Д`゚)゚。Helga :
Oo na! Hindi! Hahahaha!
Basta punta ka! Kaysa bumalik siya sa kanila tapos kay Laurice! Bahala ka! Baka pikutin yun! ( ̄^ ̄゜)Jenessy :
O, sige. Hintay lang. Papaluto ko kay Nanay yung pansit.Helga :
Ngayon na ha?! Agad-agad!Jenessy :
Oo! Ito na!
(ง ˙ω˙)ว
BINABASA MO ANG
Invisible Girl (Chat MD Series #1) (Published under Flutter Fic)
Teen Fiction(CHAT MD SERIES) An invisible girl. A popular boy. And the exchange of messages between them. # Epistolary | Young Adult | Romance