Chapter 5

903 31 2
                                    

"CLASS, I have an important announcement. Magta-transfer na ang kaklase ninyong si Harry. Ito na ang huling linggo niya sa academy," anunsiyo ng adviser nilang si Miss Soriano.

"Ohhhh!" usal nilang magkakaklase at lumingon kay Harry na nakayuko. Di naman sila close nito. Kasama ito sa mayayabang na barkada ni Turvey kaya naman wala lang sa kanya kung umalis ito. Mahilig din itong mam-bully.

"Saan ka na lilipat, Harry?" tanong ni Sosimo.

"A-Ano, diyan lang sa... Ano..." Hindi nito alam kung anong isasagot at di makatingin sa kanya.

"Sa General Luna National High School," nakataas ang kilay na sagot ni Cindy at hinaplos ang sariling buhok. "Bumagsak ang negosyo ng parents niya at kalahati pa lang ng tuition ang nababayaran niya. They can't afford the school fees anymore. Kailangan nila itong gawin para kahit paano makapag-aral pa rin siya. Poor Harry."

Pero wala naman sa itsura ng pinsan niya ang naaawa. Mas mukhang naiirita pa nga ito dahil na-associate ito sa kay Harry na isa nang mahirap ngayon.

Lumingon sila kay Harry. Kahit naman di niya ito kasundo, ayaw naman niyang danasin ang kahit sino na mag-transfer ng eskwelahan dahil sa problema sa kabuhayan ng pamilya. Nakayuko lang ito at di makatingin sa kanila. Madalas kasi nitong pagtrip-an ang mga scholar na galing sa hirap at ipinamumukha na di makakapag-aral ang mga ito kundi dahil sa tuition ng mayayamang mag-aaral doon. Ngayon ay karma ang lumalabas dahil public school ang bagsak nito kasama ang mga mahihirap na estudyante.

"Kaya pala di na siya nakakasama sa gimmick namin," bulong ni Abby na nasa harapan niya. "Mahirap na pala siya."

"How sad! I have a crush on him. Tapos mahirap na pala siya." Umismid si Krizzy. "Hindi bale. Marami naman diyang iba na kahit di kasing guwapo, rich naman."

Umawang ang labi ni Quinn. Sa halip na damayan si Harry, nilait pa nito ang paghihirap ng tao. Anong klaseng mga kaibigan ba ito?

"Pwede namang hindi umalis si Harry kung pagtutulungan natin."

Napalingon silang lahat kay Chance. Habang lahat ay negatibo ang reaksiyon sa pag-alis ni Harry, ito naman ay nakangiti pa na parang may pag-asa pa.

"Wow! Nagpapakabayani ka ba?" sarkastikong tanong ni Antoni.

"Pwede naman nating pagtulung-tulungan, hindi ba? Para lang magkaroon siya ng baon sa araw-araw, isasakripisyo ko ang pagkain ko. Hati kami," prisinta ni Chance. "Kayo maraming excess na baon. Pwede naman ninyong ibigay sa kanya para sa tuition niya."

"Seryoso ka, Chance? Gagawin mo iyon para sa akin?" di makapaniwalang usal ni Harry. "Hindi ba naging masama ako sa iyo? Bakit mo ako tinutulungan?"

"Parang away-bata lang iyon. Tapos na. Kahit ano pa ang ginawa mo, kailangan mo naman ang tulong ko ngayon. Bakit ako magdChanceot kung may kakayahan naman ako?"

Mangiyak-ngiyak itong niyakap ni Harry. "Salamat, pare! Sa dinami-dami ng kaibigan ko, ikaw pa ang unang tumulong sa akin kahit na masama ako sa iyo."

Nangilid ang luha sa mata ni Quinn subalit may ngiti sa labi niya. Kaya magaan ang loob niya kay Chance dahil mabuti ito. Di nito iniisip ang masama sa iba. Mas gusto nitong ipakita kung ano ang kabutihang magagawa nito. Kahit siguro siya ay di niya maiisip iyon. Parang si Chance lang ang makakagawa noon.

"Sige na nga! Hindi na ako maglalaro muna ng arcade," sabi ni Polo na isa sa mga bulakbol nilang kaklase na adik sa arcade ng mall. "Ibibigay ko na lang kay Harry para makapasok pa rin siya."

Itinaas ni Quinn ang kamay. "Ako rin. May naipon pa ako. Pwede sigurong makatulong iyon kay Harry." At nagpapasalamat itong tumingin sa kanila ni Polo.

"Ilalakad ko rin na bigyan ng scholarship si Harry dahil parte siya ng basketball team," anang si Miss Soriano. "Siya ang nagpanalo sa team nang nakaraang basketball summer camp."

"Errr... He is not that good as a player. Madalas pa nga siyang bangko. Isinali lang naman siya doon dahil magkaibigan kami," anang si Turvey at di maipinta ang mukha.

"Bonggabels kaya si Harry. Nababangko lang siya dahil di niya sineseryoso ang practice dahil kung saan-saan mo siya kinakaladkad," depensa ni Sosimo.

"Kung makakapagpatuloy po ako ng pag-aaral dito, pagbubutihan ko na po ang paglalaro ng basketball at ang pag-aaral ko. H-Hindi kayo mapapahiya sa akin," sabi ni Harry.

Nagsunud-sunod na rin sa pagbibigay ng suhestiyon ang iba pa nilang kaklase kung paano ito matutulungan. Hanggang sa huli ay binawi na ang paglipat ni Harry ng paaralan. Ngayon lang niya nakitang nagkaisa ang mga kaklase niya para sa isang tao. At iyon ay dahil sa pagmamalasakit ni Chance.

Tinapik ni Chance ang balikat ni Harry bilang pagbibigay ng suporta. Mula noon ay di na niya maalis ang tingin kay Chance. Sa palagay kasi niya ay isa itong anghel na nagtatago lang ang pakpak.

At nang mga oras na iyon ayito ang pinakaguwapong lalaki para sa kanya. Huminga ng malalim si Quinn. Hewas handsome on the inside. At ang katangiang iyon ang gusto niya sa lalaki.

My Fat Chance By: Sofia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon