Chapter 4

855 20 3
                                    

"GOOGLED! Googled! Googled! Class, what is wrong with you? Masyado ba ninyong minamaliit ang subject ko at hindi man lang ninyo magawang gumawa ng sarili ninyong poem at essay? Aba! Daig pa kayo ng mga elementary students na sumali sa competition kung saan ako ang judge last week. I expect more from you."

Napangiwi na lang si Quinn habang sinesermunan ng guro nila sa English na si Miss Lagman ang

Hinawakan ni Sosimo ang kamay niya at pinisil. "Salamat, friend. Buti na lang talaga na-enlighten mo ako na di Google ang solusyon sa lahat. Buti talaga nabawi ko kung hindi, pati ako kasama sa cooking show na ito. Ayokong magisa ni Miss Lagman."

"Ma'am, di naman po kasi lahat magaling gumawa ng tula at essay. Ang iba po magaling sa computer," tatawa-tawang katwiran ni Turvey na sinegundahan naman ng mga alipores nito.

"Plagiarism, you mean, Mr. Sitangco? Alam mo bang pwede kang makasuhan kapag ginawa mo iyan. Malaking kahihiyan iyan sa pamilya mo. And you, Miss Beauty Queen," anang istriktang guro at bumaling kay Cindy.

"Ma'am, hindi po ako nag-Google," depensa agad ng pinsan niya.

"Pero kinopya mo naman sa school paper natin last year. Akala mo ba hindi ko malalaman? Mag-submit kayo ng original na sulat ninyo sa akin mamayang hapon kung ayaw ninyong ipatawag ko ang mga magulang ninyo. Is that clear?"

"Yes, Ma'am!" sabay-sabay na sagot ng lahat. Kahit si Turvey o ang school board ay di sasantuhin ni Miss Lagman. She was known to uphold the rules. Ang lumabag sa patarakan ay magigiba. Kaya naman marami ang nangingilag dito.

"Miss Barrameda, follow me to the faculty. I want to discuss something important with you."

"Hala! Nag-Google ka rin ba, bestie?" tanong ni Sosimo kay Quinn. Nai-pull out nito ang project nito at napalitan ng sarili nitong gawa kaya kuntodo nosebleed daw ito.

"Siyempre hindi. Piniga ko ang utak ko para sa tulang iyon."

Matiyaga siyang nai-guide ni Chance. Pinagawa muna siya nito ng essay kung saan siya mas komportable at saka nila isinalin sa tula. Tinulungan siya nito sa pag-iisip ng tamang salita na magtutugma. Kaya nga dapat lang na siya naman ang mag-treat dito. Pero paano kaya niya ito iti-treat kung may palpak sa project niya?

Nakita niya ang pag-aalala sa mukha ni Chance nang dumaan siya sa row nito bago lumabas ng silid. Nanlalamig ang kamay niya. Di niya naitanong kung posible na may makapareho pa rin ang gawa niya kahit na sandamakmak na deliberasyon ang ginawa nila para lang mabuo ang tula na iyon.

Kinakabahan siyang pumasoksa faculty at tumayo sa harap ng mesa ni Miss Lagman. 

My Fat Chance By: Sofia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon