Chapter 18

2.8K 55 12
                                    

"Libro po niya lahat ang mga ito?" namamanghang tanong ni Quinn sa publisher ni Chance na si Mattheu Segundo ng Hearts Publishing. Inilibot silang dalawa ng binata sa imprentahan at nakita niya kung paano nag-o-operate ang printing press. Naaliw ang dalaga sa dami ng mga libro ni Chance na ipini-print.

"Yes. Kay King lahat ng iyan," anang nakatatandang lalaki. Sa hinuha niya ay nasa mid-thirties ito. Guwapo si Sir Mattheu, mestisuhin at magandang ang pangangatawan. He was a heartthrob in her own right. Palibhasa ay miyembro ito ng sikat na Stallion Island Riding and Leisure Club kung saan puro guwapo at mayayamang kalalakihan lang ang maaring makasali. "Hindi nga namin ine-expect na magiging malakas siya. Hindi naman kasi ganoon ka-popular ang poetry sa bansa. Mukhang nabuhay ang interes ng mga kabataan sa poetry. Thanks to King. Mayaman na ang kaibigan mo."

"Hindi naman po, Sir," anang si Chance at napakamot ng ulo. "Mayaman na po ako kung miyembro na rin ako ng Stallion Island. Mukhang malabo po iyon."

Tinapik ni Mattheu ang balikat ng binata. "Basta mag-aral kang mabuti at mahalin mo ang trabaho mo. Hindi ka naman siguro mahihirapan dahil may inspirasyon ka. You and your gilfriend really loo good together."

"Talaga po, Sir?" tanong ni Chance at inakbayan siya.

"Hoy! Hindi naman kita boyfriend," kaila agad niya. Kahit na gusto niyang kiligin sa gesture nito, nahihiya naman siya kapag may kaharap na ibang tao. Para sa kanya lang ang kiligan nila ni Chance. Hindi pa niya alam kung ano ang dapat niyang maging reaksyon sa mga sitwasyon kagaya nito.

"Huwag mo nang kontrahin si King. Baka mamaya mawala ang inspirasyon niyan," anang si Mattheu at saglit na tumigil sa pakikipag-usap sa kanila nang lapitan ng assistant. "I have to go. Nandyan na ang ka-meeting ko ng three o'clock. Doon muna kayo sa writer's lounge. Bahala na ang assistant ko kung may kailangan kayo."

"Thank you, Sir," pasasalamat nila ni Chance.

Sinundan ng tingin ni Quinn ang publisher habang papalayo. Nagulat na lang siya ang sikuhin ni Chance. "Hoy! Order mo!"

Saka niya napansin na nasa harap na pala sila ng cashier ng cafe at order na nila ang hinihingi. "Sorry." Um-order siya ng green tea frapuccino. "Ang guwapo naman ng boss mo. Mabait pa. Nawala ako sa sarili ko nang slight."

"Guwapo din naman ako. Mabait pa," anang binata at hinila siya papasok ng cafe. "Saka ililibre naman kita ng kape."

"Kape lang? Balita ko malaki ang royalty mo," kantiyaw niya.

"Isang cake lang. Mag-diet ka. Mag-iipon ako pampatayo ng publication ko balang-araw para ako naman susundan mo ng tingin. Magiging member din ako ng Stallion Island na iyan," sabi nito at saka sinabi sa staff na tig-isa sila ng red velvet cake.

"May problema ba tayo sa boss mo?" tanong niya.

"Ganoon bang lalaki ang type mo?" ganting tanong naman nito sa medyo mataas na boses.

"Kahit naman sinong babae ganoong lalaki ang type," nakangisi ninyang sabi. Nagseselos si Chance. Natitiyak niya iyon. Gusto siguro nito na dito lang ang atensyon niya. "Crush lang. Di ko naman sinabi na gusto ko siyang maging boyfriend. Pero natutuwa talaga ako sa achievements mo. Mantakin mo eighteen ka pa lang pero may bestselling book ka na. Ire-release na rin sa susunod na buwan ang isa mo pang libro at balita ko gusto daw gawing TV series ang tulaserye mo. Nakaka-amaze."

"Maswerte lang talaga ako dahil na-aappreciate ng tao ang gawa ko. Pero marami pa diyan na hindi natutuklasang talento. Sana nga magbukas ng pinto ang success ko para mapansin din sila."

Di lang sarili nito ang inaaalal nito kundi pati ang kapwa nito manunulat. He was thinking of the industry as a whole.

"You are an inspiration," sabi niya at ginagap ang kamay nito. "Sigurado ako na marami pang writers na susunod sa yapak mo."

"Nagsusulat ka pa ba ng poems?"

Umiling ang dalaga. "No. I don't have much time. Saka alam mo naman na hindi ko talaga forte iyon."

"Nakakapagsulat ka naman dati."

"Dati iyon kasi kailangan." Nawalan na siya ng gana sa tula mula nang mag-transfer ng school si Chance.

"Baka naman dahil sa pagkabigo mo sa pag-ibig kaya ayaw mo ring magbasa ng love poems ko?"

Tumirik ang mga mata ni Quinn. "I have nothing against your poems. It is just... Alam mo 'yung mga bagay na tinatamaan ka kasi napagdaanan mo na? Parang nasasapul ako sa mukha. Minahal ko siya kahit ano pa ang kapintasan niya. Mas minahal ko pa siya kaysa sa sarili ko. Kahit iba ang mahal niya, tinanggap ko kahit masakit. Mas masakit lang sa akin na binalewala na nga niya ang pagmamahal ko, di pa niya pinahalagahan ang pag-aalala ko sa kanya. Nagpakasira siya sa ibang babae. Iyong rejection sa akin, tanggap ko. Pero di ko gustong makita siyang tinatapakan ng ibang tao pero hinahayaan lang niya." At nakuyom niya ang palad. Kapag naiisip niya iyon, naiinis siya sa sitwasyon. Mas naiinis siya sa sarili kaysa kay Chance. Oo, nagpakatanga nga ito kay Cindy pero mas tanga siya dahil minahal niya ang tangang katulad nito.

Ginagap ng binata ang nakakuyom niyang palad. "Quinn, people make stupid decisions. Huwag nating ipagkait ang sarili natin ang pagkakataon na maging masaya."

"By being stupid again? By believing the love as described in your poems?" Ibinaba niya ang tingin. "Nah! I am not sure. Hindi ba mas okay na lang na maging safe at huwag na lang magmahal?"

Masaya sila ngayon. Mahal nga niya ito. Pero natatakot siya na kapag nalaman nitong gusto niya ito ay mabigo na naman siya. Hindi talaga siya ganoon katapang.

"Pero magmamahal ka pa rin." Hinawakan nito ang baba niya at inangat para magtagpo ang mga mata nila. "Isang araw, ipapakita mo kung gaano kaganda na magmahal. Mas maganda pa kaysa sa nababasa mo sa mga tula ko. At titiyakin ko na di ka na iiyak. Hindi ka na masasaktan."

"Sana nga," usal niya nang kintalan nito ng halik ang noo niya.

Sana nga ay tuluyan nang mapawi ang takot niya. Sana ay si Chance na lang ang magpapadama sa kanya ng pagmamahal na iyon. Sana ay lagi silang masaya ni Chance at manatili siya sa bisig nito habambuhay. Sana rin sa takdang panahon ay malaman nito na siya ang babaeng nagmamahal dito nang totoo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Fat Chance By: Sofia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon