Chapter 15

822 26 1
                                    

NAKANGITING pinapanood ni Quinn ang mga kasama sa session na nakikipagkwentuhan sa nanay ni Chance at kay Harry. Tapos ang session nila at kumakain ng miryenda.

"You really care for them," untag ni Chance sa kanya.

"Kailangan nila ng support system. Maraming victim ng bullying ang nagko-commit ng suicide dahil pakiramdam nila walang may gusto sa kanila at walang kwenta ang buhay. Life is difficult for them."

"I know the feeling. Kahit sinasabi kong okay lang ang lahat, alam ko sa loob ko na hindi okay ang mundo. Di nila ang tanggap."

"At nakita ko rin mismo kung paanong ang biktima ng bullying ay nawalan ng respeto sa sarili nila. Na tanggap na lang sila nang tanggap sa kung ano ang gustong ibato ng ibang tao sa kanila. And that was fine with them. Ayokong mangyari iyon sa iba."

"Ginawa mo ba ito dahil sa nangyari sa akin dati?"

"Hindi lang naman ang ikaw ang biktima ng bullying na kilala ko. Chance, si Cindy ang dahilan kung bakit ka nagpapayat, di ba?" tanong niya nang hindi nakatiis.

"Bakit? Siya lang ba ang babae sa mundo na pwedeng maka-inspire sa akin?"

"Bukod sa kanya, meron pang iba?" Bakit nga ba hindi? Matagal din silang di nagkita. Di naman pwedeng si Cindy lang ang magustuhan nito.

"Maniniwala ka ba kung sinabi ko na ikaw ang naka-inspire sa akn na mag-improve?"

"Hindi. Hindi ko nga alam kung bakit ka pa nag-e-effort sa suyuin ako. Why don't you just leave me alone? I am sure marami kang ibang bagong kaibigan diyan. Isama mo pa ang fan girls mo. Hindi naman ako magiging kawalan. Sayang lang ang oras mo sa akin."

Ginagap nito ang palad niya. "Gusto mo bang layuan na lang kita?"

"Mas makakabuti iyon para sa atin."

"Okay," anito at binitawan siya. Ibig sabihin ay aalis na ito. Di na siya guguluhin. Nahigit niya ang hininga nang hatakin nito ang kamay niya at yakapin siya. "I am sorry, Quinn. Matagal ko nang gustong sabihin ito pero wala akong pagkakataon. I was a fool to hurt you and neglect you. Matagal ko nang gustong bumawi pero di mo sinasagot ang mga sulat ko sa iyo kahit noong nasa Italy ako. Pero ngayong nandito ka na ulit, gusto kong ibalik natin ang dati."

He felt delicious around her. Ang dating Chance ay lovable na huggable. Habang ang bagong Chance ay matipuno ang katawan. Parang bumangga siya sa matatag na pader. Nanlalambot ang tuhod niya. Nakakapanghina.

Naramdaman niya ang sinseridad sa yakap nito. Gusto nitong ibalik ang dati nilang samahan. She missed him. Pero natatakot na siyang ibalik ang dati. Di na siya maari pang maging kaibigan nito.

"Bakit ka ba mapilit?" galit-galitan niya.

"Of course. You are my first real friend."

Binawi niya ang kamay dito. "Yes. Ako nga ang unang kaibigan mo. And as an old friend, I am happy for you. Pero di ko na kayang ibalik ang lahat sa dati. Iba ka na. Natural lang siguro na manibago ako. Chance, hindi na ikaw ang dating Chance."

"At hindi mo gusto ang bagong ako?"

Tumayo siya. "I don't know. I just miss the old Chance."

Gusto niya ang Chance na nasa tabi niya lagi. Kahit na ano pa ang masamang trato dito ng iba dahil iba ang itsura nito, naroon siya para takbuhan nito. Alam niya na kakailanganin pa rin siya nito. She felt needed.

Ang Chance na nasa harap niya ay marami nang nagmamahal. He was full of confidence. Makukuha na nito anumang gustuhin nito. He didn't need her at all.

"Sana maibalik ko ang panahon. Sana maging importante ulit ako sa iyo, Quinn. Sana nga mataba ulit ako para di ka mawala sa akin. Sana pangit pa rin ako para mas madali sa iyo na mapatawad ako. Pero di ko na kayang ibalik iyon."

"You are right. I am sorry. Imposible nga ang hinihingi ko. Kung maibabalik mo siguro ang dating Chance, baka tanggapin pa kita. Excuse me. May itatanong lang ako kay Miss Kelly."

Naramdaman niya ang paghabol ng tingin nito sa kanya. Ayaw niyang tanggihan ang pagkakaibigang gusto nitong ialok sa kanya. Ngunit ayaw niyang maramdaman ulit ang sakit na di siya nito mahalin ulit. Sa dami ng mga babae sa paligid nito, lalong lumalayo ang pagitan nila. Mas maraming Cindy. Hindi lang siya ang handang magmahal dito. Marami pang iba.

Kaya bago pa siya masaktan, lalayo na lang siya. 

My Fat Chance By: Sofia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon