Chapter 7

846 26 0
                                    

NAKATITIG si Quinn kay Chance habang tinuturuan nitong maggitara si Harry. Nakaupo siya sa bench sa tapat nito sa botanical garden habang nagpapalipas ng oras. May emergency meeting ang P.E. Teacher nila. Wala pa ang mga sundo nila kaya di pa sila makauwi. Doon muna sila nagpalipas ng oras.

"Mantakin mo! May talent naman pala itong si Chance. Akala ko naman pagkain lang ang talent niya," sabi ni Sosimo na pasimpleng dinudukot ang cupcake sa kahon na nakalapag sa kandungan niya. Nag-bake ang nanay ni Chance para lang sa kanya. Ni hindi nga niya sinasaway si Sosimo dahil nakatuon lang ang atensiyon niya kay Chance.

"Ang sarap-sarap niyang titigan. Ang linis-linis kasi. Saka mabango siya. Masarap laging yakapin." Nakasuot ng white shirt at red jogging pants si Chance. Nakahawi ang buhok nito palayo sa mukha. Kahit na nakadistansiya sila sa isa't isa, parang naaamoy pa rin niya ang fresh na sabong ginamit nito nang umagang iyon. Lagi niya itong tinutukso na amoy baby ito.

"Sino? Si Harry?" Nagpapalit-palit ang tingin nito sa kanya at kay Harry. "Anong malinis? Mukha ngang gusgusin. Mukha pang troll ang buhok. Kulang na lang nga diyan chain para pwedeng gawing keychain. Sabagay mabait na siyang troll."

Mula nang I-anunsiyo ni Harry na mahirap na ang pamilya nito ay sa kanila na ito sumasama. Itinakwil na ito ng grupo ni Turvey. Di na daw kasi makakasabay sa lifestyle ng grupo si Harry. At wala daw plano ang mga ito na kunin si Harry bilang charity case. Panira lang daw iyon sa imahe ng grupo.

Pero parang di naman nalulungkot si Harry dahil nakatagpo ito ng kaibigan kay Chance. Naging mabait na rin naman ito kaya tinanggap na rin niya. Mabuti nga at nakalayo na ito sa iresponsableng grupo nila Turvey. Ngayon ay mas focused na ito sa pag-aaral at paglalaro ng basketball. Di nito sinasayang ang pagkakataong ibinigay dito.

"Hindi si Harry! Si Chance!" Inginuso ni Quinn si Chance. "Tingnan mo. Mukhang presko. Kahit na malaki ang katawan niya, neat pa ring manamit." Malaki na ang ipinagbago nito mula nang i-coach niya sa tamang pananamit at kung paano maging matikas sa pagkilos.

"Oo nga, no? Kung pumayat-payat pa iyan, gagawin ko siyang boyfriend ko!"

Marahan siyang umiling. "Hindi na niya kailangang pumayat. Kahit naman ngayon guwapo na siya, hindi ba?" Saka siya huminga nang malalim. "Tapos mabait pa. Masarap pang kasama."

Siniko siya ng kaibigan. "Iba na yata iyang nakikita ko sa iyo. 'Yang mga mata mo parang kumukutitap na Christmas lights. Di lang iyon! Parang siya ang center of the universe para sa iyo. Ni hindi napapansin na naubos na ang cupcake mo katititig mo sa kanya."

My Fat Chance By: Sofia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon