Chapter 17

994 25 0
                                    

Tumango si Quinn at pinisil ni Vera ang balikat niya bago lumabas ng silid. Hindi naman siya nagugutom kaya nanatili lang siya sa kinauupuan. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatitig dito pero ito lang ang pagkakataon niya para mapagmasdan ito nang di naiilang.

He looked so different yet familiar. Parang nalulusaw ang puso at ang buto niya niya habang nakatitig dito. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatitig dito pero wala siyang pakialam. Hindi siya nagsasawa na pagmasdan ito.

"Paano kita nagawang tiisin sa loob ng dalawang taon? Paano ko natiis na may malaking puwang sa puso ko? Bakit di ko naisip na mas magiging masaya ako nang nasa buhay kita?" mahinang usal niya at hinaplos ang buhok nito.

Umungol si Chance bigla at nataranta si Quinn. Bakit kasi nagdadrama pa siya? Baka narinig nito ang sinabi niya at magising ito.

Inangat nito ang kamay at akmang may kakamutin sa likod. Siguro ay nangangati ito. Pinigilan niya ang kamay nito at hinaplos ang likod nito. "Ito ba ang makati? Dito ba?" tanong niya. Kung hahayaan kasi niyang kamutin nito ang likod ay magkakakalmot iyon o kaya ay magsusugat. Baka lalo pang ma-allergy.

"Oo," anito at kumalma na saka isinubsob ang ulo sa unan. "Quinn..."

"Yes?" tanong niya. "May gusto ka ba?"

"I wish you are really here with me."

"I am here with you," aniyang nangingiti.

"Quinn?" Bumalikwas ng bangon si Chanceat nanlaki ang mga mata nang makita siya. Bigla nitong hinapit ang kumot sa hubad na katawan. "Quinn, anong ginagawa mo dito sa kuwarto ko?"

"Binabantayan ka. Umalis lang siya sandali dahil may bibilhin siya. Hindi ka daw makakarating sabi sa usapan natin ni Tita Vera dahil may rashes ka. Kaya pumunta ako dito."

Dumapa si Chance ngunit nakapaling palayo sa kanya ang ulo nito saka nagtalukbong. "Sinabi ko naman kay Mama na huwag sabihin sa iyo kung ano ang nangyari sa akin."

"Hindi pwedeng hindi ko malaman." Hinatak niya ang kumot mula dito. "Papawisan ka. Huwag kang magkumot."

"Nakakahiya ang itsura ko."

"Ngayon ka pa nahiya? Wala ka nang itatago sa akin." Napangiwi siya nang makita ang pulang pantal sa matipuno nitong likuran. "Masakit ba? Makati?"

"Pareho," matabang nitong sagot na parang nahihiyang umamin sa kanya. "Gusto ko ngang kamutin..."

"Huwag!" saway niya dito at pinigilan ang kamay nito. "Gusto mo bang lagyan natin ng ointment?"

"Huwag. Nakakahiya naman. Ako na lang..."

"Alam ko rin na bawal iyang kamutin o galawin pero may magagawa ba ako para maging komportable ka? Ointment?" alok niya.

Bumuntong-hininga ito at tumango saka dumapa. Mas kalmado na ito ngayon kaya naman inabot niya ang ointment. Nanginginig ang kamay niya nang lagyan ng ointment ang likod nito. Pasulyap-sulyap siya dito dahil baka hindi ito komportable o kaya ay nagsisisi ito dahil ginawa pa nito ang kondisyon niya.

"Chance, I am sorry. Hindi ko alam na bawal sa iyo ang matuyuan ng pawis. Naglakad-lakad pa tayo nang suot mo ang fat suit. Tapos ganito mangyayari sa iyo. Sana talaga pinahubad ko na lang iyon agad sa iyo. Nalait ka na ng fans mo, nagka-allergy ka pa. Siguro di na talaga bagay sa iyo ang maging mataba."

"I don't really mind. Nag-enjoy ka naman kasama ang Chance na naging kaibigan mo dati, hindi ba? Siya ang gusto mong makasama. Sandali mo nga lang siyang nakasama." Magkahalong lungkot at saya ang nasa boses nito.

My Fat Chance By: Sofia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon