Chapter 37 : BREAK UP
(Shaira's POV)
3 weeks nang hindi nagpaparamdam sa akin si John.
Hindi niya sinasagot ang text and calls ko.
Hindi ko naman matawagan si Tita P kasi nasa Hongkong sila ni Jade.
*kring-kring*
Sinagot ko kaagad yung tawag.
Si Kyla pala iyon.
Nasa Tagaytay pa rin siya.
"Bakit ka napatawag Ky?"
"Ah wala lang. Kamusta ka na!?"
"Ito, malungkot. Hindi na kasi nagpaparamdam si John e"
"Shai, I'm so sorry"
"Bakit naman?" nakakapagtaka ah!
"KYLA! TAWAG KA NA NG DAD MO!" rinig kong sigaw nang lalaki sa kabilang linya.
Parang boses ni John yun ah. Hinding hindi ako magkakamali. Alam ko yung boses niya.
Pero sana hindi siya.
Sana mali ang rinig ko.
"Sige bye na, Shanghai ah. Tawag na ako ni Daddy. Sorry talaga"
Hindi ko talaga alam kung bakit siya nagsosorry...
Wala naman siyang nagawang mali.
After ibaba ni Kyla yung call, biglang may tumawag ulit sa akin.
SI JOHN!
OO SI JOHN! AND YES! FINALLY, TUMAWAG SIYA!
"John! Nasaan ka ba? Ilang weeks ka 'di nagparamdam. Punta ka dito sa bahay. Miss you"
"Sorry Shaira, may sasabihin lang sana ako sa'yo"
"A-ano iyon!!?" ayun! Tumulo na yung luha ko.
Kinakabahan ako sa sasabihin niya e.
"Let's break up! Like what I've said, mahal kita pero may mahal na akong iba. Sana maintindihan mo"
"Bakit John!? Nagsasawa ka na ba sa akin?"
"Oo ganun na nga. I'm so sorry. My feelings for you it's just nothing. Hindi ko sineryoso ang relasyon natin kailan man"
"John! Diba nagjo-joke ka lang!? DIBA!? Please tell me"
"Sorry."
Ayun! Nag-end na yung call.
Hindi ko maintindihan. Ano bang nangyayari kay John!?
(Narrator's POV)
Hindi mapigilang umiyak ni Shaira.
Sa kabila nang mga pinagdaanan nila ni John ay GAMES lang pala sa kanya ang relasyon nila.
Sineryoso ni Shaira ang lahat.
Isa pa't naguguluhan rin siya kung bakit nagsosorry si Kyla sa kanya.
Hindi niya mapatigil ang kanyang luha.
~~
Nagre-ready na si Shaira sa graduation niya mamaya.
Valedictorian pa rin siya.
Si John naman ay nawala sa pagiging salutatorian.
Umabsent siya nang dalawang buwan. Walang sinabi kung saan siya pupunta.
Si Kyla naman nag-transfer na sa Baguio. Doon na siya magaaral.
(Shaira's POV)
Buti nga't valedictorian pa rin ako.
Depressed na depressed na ako. Hindi ko na nga kaya e.
Hindi ako makatulog nang maayos. Minsan inaatake na ako nang asthma sa kakaiyak tuwing gabi.
Mamamatay na lang ako nang di-oras dito.
Sana sinabi na ni John yun dati pa.
Hindi yung mawawala siya nang ilang weeks tapos magpaparamdam, ang sasabihin lang pala break na kami. WOW!
Pero okay na yun.
Wala na akong gagastusin tuwing Valentines Day, Monthsary, Anniversary and Birthdays!
A/N kuripot be like XD
Wag ka ngang mangi-alam author. Nagmo-moment ako!
A/N sorry na! masyadong galit.
**
Graduation Day!
(3rd Person's POV)
Halatang namumugto ang mga mata ni Shaira kakaiyak.
"Bakit ka umiiyak Shaira?" tanong nung principal.
"Tears of joy po" peke ang mga ngiti ni Shaira.
Bakas sa mga mukha niya ang lungkot at pagaalala.
Lungkot dahil nawala si John ng ilang linggo at magpaparamdam at ang sasabihin pa nito ay break na sila.
Pagaalala na baka kung ano nang mangyari sa sarili niya. Hindi lang sa sarili niya kundi kay John na patuloy pa rin ang paninigarilyo at paginom nang alak, ayon sa mga magulang ni John.
---------------
Lagi nalang akong late UD.
-nylxkaye
BINABASA MO ANG
Second Chances (ON-GOING)
Teen FictionPaano kung ang fake relationship niyo ng isang oh-so-hot-and-famous guy ay mauwi sa real and sweet relationship? Si Shaira ay isang beauty and brainy sa Crawford University, isa sa mga sikat na paaralan sa buong mundo. Nakilala niya si John da...