Chapter 14 : Crush
(Kyla's POV)
*knock-knock*
May kumakatok sa pinto.
Tiningnan namin kaagad kung sino ang kumakatok.
Nakita kong binuksan ni Syrie ang pinto at pinapasok niya si Giann at Troy.
Aba naman Syrie, binalaan ka na namin!
(Shaira's POV)
Nakita kong pinapasok ni Syrie si Giann at Troy.
Agad ko namang tinawag si Syrie.
"Ay, Giann at Troy, kayo pala 'yan. Sorry pero kailangan nang magpahinga ni Syrie kasi kakauwi lang n'yan galing abroad. Troy, bukas nalang ha"
"Teka, Shaira" sabi ni Troy bago ko pa man isarado ang pinto.
"Ano 'yun?" tanong ko.
"Saan ka maga-aral ng College?"
"Ha? Hindi ko pa alam e. Pero kung saan yung mga bestfriends ko doon din ako"
"Sige text mo 'ko kung saan ha" tapos sumakay na sila ng kotse ni Giann.
Hayyyy! Buti nalang nakaligtas ako sa kanila. Grabe talaga itong si Syrie. Mukhang nahuhulog na kay Giann.
"Syrie, tapatin mo nga 'ko. Do you have crush on Giann?"
"Of course wala! Bakit naman magkaka-gusto ako doon, e, kakakilala ko nga lang kanina" halata naman sa mukha niya na nagsisinungaling siya.
"Ah, sige!"
"Sige, pahinga na 'ko sa taas ah" .
"Shaira!" tawag sa'kin nila Drianna at Kyla.
Agad naman akong lumapit sa kanila.
"Ano 'yun?"
"Alam mo, hindi talaga marunong mag-promise 'yang si Syrie e. Diba kakasabi mo lang pero tingnan mo pagkakita pa lang kay Giann, abot langit na ang ngiti!"
"Oo nga, tapos pinapasok pa! Akala n'ya bahay niya 'to. Pero Shaira, sasagutin mo na ba si Troy?" agad na tanong ni Drianna.
"Hindi! Wala akong time sa mga 'yan. MANLOLOKO!" Tapos pumanik na 'ko sa taas.
Chineck ko muna yung phone ko at may nakita akong 1 message unread.
Nakita kong may message si Troy. Hindi ko muna binuksan yung message na 'yun.
After kong magfacebook ay nagwattpad na ako. Yung mga stories ni nylxkaye yung mga binabasa ko. Ang gaganda kasi e, kaso kailangan niya ng mabilisang update para hindi naman nakakabitin.
Alam kong sa ganitong oras tulog na yung tatlo.
Time Check:
2:18 am.
Gusto ko nang matulog pero ayaw pumikit ng mga mata ko.
Kinabukasan
Narinig kong nag-alarm ang alarm clock ko at agad akong bumangon.
At naalala ko na babasahin ko pala yung message ni Troy.
------------------------------------------------------------
-nylxkaye
BINABASA MO ANG
Second Chances (ON-GOING)
Ficção AdolescentePaano kung ang fake relationship niyo ng isang oh-so-hot-and-famous guy ay mauwi sa real and sweet relationship? Si Shaira ay isang beauty and brainy sa Crawford University, isa sa mga sikat na paaralan sa buong mundo. Nakilala niya si John da...