Chapter 13 : Promise

152 67 0
                                    

Chapter 13 : Promise

(Giann's POV)

"Pero, kapag matagal na tayong friends. Pwede na ba?" 

Oo, alam kong awkward pero 'yun naman ang nararamdaman ko e. ITO NA BA YUNG SINASABI NILANG LOVE AT FIRST SIGHT?

Hindi man nag-break sila John at Shaira. Nakakuha pa rin ako ng 30k at pagpapagamot sa nanay ko.

Pero alam kong mali ang ginawa ko.

Bestfriend pa naman ni Syrie si Shaira, tapos 'pag nalaman niyang ako ang nanghalik kay Shaira. 

Nako! Baka hindi na 'ko sagutin ni Syrie nito. Sana hindi niya malaman. Patay ako kapag nalaman niya 'yon.

(Syrie's POV)

Kakauwi ko lang galing sa "Friend Date" hehe. 

Ang cute pala ni Giann. 

He told me na friends sila ni Shaira. Sana mas makilala ko pa siya lalo para ma-answer ko na agad yung question niya.

"Sy, nandiyan ka na pala. Saan ka galing?" tanong ni Drianna

"Ah, sa friend date hahaha" 

"Naks, kakauwi pa lang may date na agad bessy ah" 

Natawa naman agad kami sa sinabi niya. Napansin kong hindi tumawa si Kyla.

"At sino naman 'yan Syrie?" seryosong sabi ni Shaira. 

"Ah, your friend, Giann Santos. He told me na friends kayo" 

(Shaira's POV)

"Ah, your friend, Giann Santos. He told me na friends kayo" 

"Ha!? Hindi pwede Syrie. Bawal kayong maging mag-kaibigan" 

Ewan ko ba kung bakit ko sinabi 'yun. Masamang impluwensiya si Giann. 

Baka kung ano mangyari kay Syrie kapag naging mag-close sila.

"Bakit naman!? He's cute. He's courting me" 

WHAT!? HINDI PWEDE. 

Syrie, kung alam mo lang yung dahilan ko bakit ayaw kong kasama mo s'ya. 

Ayokong manira ng tao. Pero para rin naman kasi ito sa kapakanan ni Syrie.

"E kasi S-syrie ano e" 

"Ano!?" sabay nilang sabing tatlo.

"Basta! Syrie, tigilan mo na ang pakikipag-kita d'yan kay Giann. Kung ayaw mong tumigil, ikaw rin ang mapapahamak"

(Kyla's POV)

"Basta! Syrie, tigilan mo na ang pakikipag-kita d'yan kay Giann. Kung ayaw mong tumigil, ikaw rin ang mapapahamak" 

Nagkatinginan kami ni Drianna nang sabihin ni Shaira 'yun.

Ewan ko kung bakit niya sinabi 'yun. Hindi naman sila magkarelasyon. 

Saka siguro kaya ayaw niya, siya ang bunsod ng paghihiwalayan nila ni John. 

"Oo Syrie, hindi mo pa kilala ng lubos 'yang si Giann. Malay mo iba ang atensyon niya. Saka alam mo mahirap masaktan, lalo na 'pag niloko ka n'ya" -Drianna.

Ewan ko kung saan niya nakuha 'yang hugot na 'yan haha.

"Syrie, please! 'Wag ka ng lumapit sa kanya. Promise!?" -Shaira.

"Promise" tapos nag-pinky swear sila.

"Cause I'm not good at making promises oh yeah" kanta ko.

Siyempre, pinariringgan ko si Syrie. 

Alam kong hindi madaling mag-promise sa kanya kahit na pinky swear pa!



----------------flashback-----------------

Elementary pa kami nang mabigo niya yung promise na 'yun.

"Syrie, promise mo sa'kin na hindi makakalabas ang lahat ng issue about sa'kin dito sa campus" 

"Oo promise! Best friend diba?" tapos nag pinky swear kami.

After 1 week.

Nalaman ni mommy na may issue ako sa campus. Ini-issue nila ako, kasi ako yung nanalo as president ng student council at natalo ko si Macky. Laking tuwa ko ng iboto rin ako ng mga teachers.

Pero nalaman ni Mommy 'yun kaya sumugod si mommy sa school. Kaya ayun issue nanaman ulit. 

Tinanong ko si mommy kung sino ang nagsabi sa kanya, ang sabi niya si Syrie daw. 

Kaya simula noon hanggang ngayon. Hindi na 'ko nagpapromise sa kanya.

--------------End of Flashback----------------

"Sorry na Kyla, 'di ko naman alam na ganoon pala mangyayari nung sinabi ko sa mommy mo e" 

Aba! Ngayon lang nag-sorry. 

Bumalik nanaman ang galit ko kay Syrie.

"Ah hindi okay lang" plastikang sabi ko.

Umupo na kami sa sala at nanood ng TV. 

*knock-knock*

-------------------------------------------------

-nylxkaye















Second Chances (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon