Chapter 4 : Mutual Understanding

272 72 2
                                    

Chapter 4 : Mutual Understanding

(John's POV)

"Ikaw naman kasi e, tinutulungan ka na nga ganyan ka pa tapos kapag 'di ka tinulungan magagalit ka" sabi ni John .

"E kasi 'di ko naman alam na nagpapaka-gentle man ka"

"Hay, Shaira talaga"

"Ano? Papatawarin mo ba ako or hindi?"

"Ahh, mapapatawad lang kita sa isang kondisyon"

"Anong kondisyon?"

Nilapit niya yung mukha niya sa'kin kaya napasandal ako sa locker ko.

"Let's celebrate our 2nd monthsary"

Ang bango ng hininga niya. Ano ba itong iniisip mo Shaira. Erase.. Erase.. Erase..

"Yun lang? Eh diba fake lang naman itong relationship bakit kailangan pang icelebrate?"

Tumingin siya ng matagal sa akin.

"I know" malungkot na sabi niya. "Pero we really need to celebrate it kasi... kasi baka makahalata si Troy sa atin diba?"

Hmmm. Baka nga makahalata nga siya. Pero ito lang baa ng way?

"Sige let's celebrate" sabi ko.

"Okay sa Monday sabihin ko nalang sa'yo"

Shaira nagpapanggap lang kayo diba? Kaya 'di ka pwedeng mahulog sa kanya. Tsaka lahat ng lalaki manloloko diba?

(Monday)

Tanungin ko nga si John about sa monthsary naming na fake.

Message:

Hoy John Peter! Anong oras at saan yung celebration? Sunduin mo nalang ako sasama ako.

{Message sent}

Huh? Wala pa ring tao? Pero 9am na dapat may mga estudyante na. Nakakapanibago ah.

"Hi, girl you just caught my eye. Thought I should give it a try to get your name and your number go get some some lunch and eat some cucumbers" kanta ni John sa mic. ANO 'TO?

"Why did I say that I don't know why?"

T-teka favorite song ko 'yan. Ito ba 'yun? Yung monthsary?

"John ano 'to? Bakit meron nito?"

"It's our second monthsary right?"

"Yeah it suits you, girl we connect like we have a Bluetooth" tuloy pa niya tapos habang kumakanta siya may mga estudyanteng nagbibigay sa akin ng roses at red pa.

"You and I could me like sonny and cher"

Tapos medyo humina na yung sounds nung tapos na magbigay ng mga roses.

"61 roses for our 61 days together"

Nakakaasar... 

Sana totoo nalang lahat nang 'to. 

Yung mga tili ng mga estudyante sayang kasi fake lang lahat nang 'to.

"Bakit ka umiiyak? Hindi mo ba gusto?"

"Masaya lang ako"

"Tahan na. Ang pangit mong umiyak eh" pangaasar niya. "Pero may sasabihin ako"

"Ano 'yun?"

Parang kinakabahan ako ah.

"Pwede bang maging totoo nalang lahat nang 'to? Pati yung relationship?"

Second Chances (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon