After many months, nakapag-update din :) yung request niyo! Ayan na! May POV na si John. Sa bandang huli :) sana magustuhan niyo kahit medyo konti lang to.
-----------------------Chapter 44 : Engagement Party
(Shaira's POV)
Ilang weeks na kaming nandito sa Philippines. And now aattend kami sa engagement party ni Kyla.Medyo excited na ako kasi makikilala ko na yung fiancé niya. Kung ano ba itsura nito at kung mabait ba.
On the way na kami papuntang Cavite. Akala ko nga sa Tagaytay yung party nila kaso na-move daw kasi may gagamit nung reception kaya lumipat nalang sila sa Cavite.
Kasama ko ngayon si Mommy, Drianna, Syrie at si Dad. Kaming tatlo nila Syrie ay nasa likuran nung kotse.
Kwentuhan lang kami ng kwentuhan hanggang sa dinalaw na ako ng antok.
By the way si Troy pala ay nasa kotse niya. Nakasunod lang din sa amin.
Pinikit ko muna yung mga mata ko para may energy ako mamaya sa party.
Gigisingin naman nila ako kung nandoon na kami.
(Drianna's POV)
Naramdaman kong may humiga sa balikat ko. Si Shaira pala, natutulog."Syrie, ano kaya magiging reaksyon ni Shaira kapag nalaman niyang si John yung fiancé ni Kyla?" Binulong ko lang kay Syrie iyon para hindi marinig ni Tita at Tito.
"Siyempre ano pa ba? Masha-shock 'yan. At malalaman niyang ayan ang dahilan ng break-up nila diba?"
"Pero naaawa pa rin ako kay Shaira. Kasi malalaman niya na si Kyla pala ang dahilan ng paghihiwalayan nila. Tapos hindi pa natin sinabi kay Shaira na si John pala yung fiancé niya. Baka magalit rin siya sa atin" hindi na lang umimik si Syrie sa mga sinabi ko. Natulog na lang kami.
Nagising ako ng maramdaman kong may kumakalabit sa akin. Ay! Nandito na pala kami. Medyo kinabahan ako kasi baka magalit si Shaira sa amin. Pumasok na kami sa loob. And wow!! Pinaghandaan talaga itong party na ito. Ang ganda ng colors. Pink and Blue. Bigla naman pinulupot ni Shaira ang kamay niya sa braso ko. Goshh! Kinakabahan ako!! Paniguradong magagalit talaga si Shaira sa amin.
Umupo na kami sa isang table malapit sa stage kung saan doon lalabas sila John at Kyla pag tinawag na sila ni Tita Gerald. Kinakabaha lang ako kasi baka mamaya magalit sa amin si Shaira dahil hindi namin sinabi sa kanya.
"UY! Tara punta tayo sa backstage, gusto kong makita si Mr. Crawfo---" unti-unti siya natahimik sa nakita nyang tarpaulin na nakadikit sa pader ng stage. "I-ibig sabihin si J-john ang fiancé ni Kyla?" Namuo ang mga luha ni Shaira at unti-unting bumagsak ito sa mukha nya.
"Oo ganon na nga" nakayukong sabi ko. "Pasensya na Shaira kung hindi namin nasabi sayo"
"So, ibig sabihin i-ito ang dahilan ng b-break up n-namin?" Nakayuko lang kami habang pinakikinggan ang pautal-utal na pagsermon sa amin ni Shaira. "BAKIT DI NYO MAN LANG SINABI? ANO NATATAKOT KAYO NA BAKA MAGALIT AKO? F*CK! MAS LALO AKONG MAGAGALIT SA PAGSISIKRETO NIYO" nagulat kami dahil ngayon lang namin narinig ang matinding pagmumura ni Shaira. Huminahon siya nang mapansin nyang nakatingin na ang ibang bisita sa kanya.
"Sorry na shai" hindi siya nagsalita hanggang sa magsimula ang party.
"Welcome to the engagement party of my Daughter, Kyla Brittney Rodriguez and her soon to be husband, John Peter Crawford. Let's welcome them with around of applause" nagtayuan kami at nagsisigawan ang ibang mga bisita. Ang mga iba dito ay mga kaklase namin nung high school pa kami at yung iba naman nung college.
BINABASA MO ANG
Second Chances (ON-GOING)
Fiksi RemajaPaano kung ang fake relationship niyo ng isang oh-so-hot-and-famous guy ay mauwi sa real and sweet relationship? Si Shaira ay isang beauty and brainy sa Crawford University, isa sa mga sikat na paaralan sa buong mundo. Nakilala niya si John da...