Chapter 8 : THE PLAN (part 1)
(Troy's POV)
Bwisit! Ang tanga ko kasi e hinayaan kong mawala si Shaira sa tabi ko.
Hindi ko man lang naisip na pwede siyang maagaw sa'kin.
Masyado akong naging confident na mahal ako ni Shaira. Almost 2 years ko siyang 'di nakita noon kasi nasa Ireland ako.
Pero bumalik ako dahil sa kanya para maging kami ulit pero ang bubuntang sa mukha ko ay sila na ni John.
Alam kong mabait si John pero mas gwapo naman ako doon sa mokong na 'yun.
Nako! Kapag sinaktan niya 'yang mahal ko hindi ako magdadalawang isip na patayin siya.
Pero kahit hindi niya na lokohin papatayin ko pa rin siya.
Calling Giann.
"Oy pare, napatawag ka?"
"Giann, kailangan ko ng tulong mo"
"Pare sana h'wag naman kalokohan 'yan"
"Oo pare hindi ito kalokohan. Totoo ito, nagtitimpi na kasi ako sa lalaking 'yun. Pare, kilala mo ba si John? Yung apo nung may-ari ng school natin? Siya! Siya ang umagaw sa babaeng mahal ko, si Shaira. Nawala lang ako saglit at nung bumalik na 'ko dito nalaman kong sila na!"
"O pare, ano naman problema doon? Diba hindi na kayo? Kaya nga pumunta ka ng Ireland para marealize ni Shaira na hindi na kayo at ayaw mo sa kanya? Bakit naman bigla kang nagselos doon sa John na 'yun, e mas bet nga ni Shaira 'yun kaysa sayo. Alam mo kasi pare, ang ayaw ng mga babae yung mga masasama ugali. Kaya kung may balak kang gawing kalokohan diyan kay John h'wag mo ng ituloy malay mo mapatay mo si John edi hindi ka na babalikan ni Shaira kapag nalaman niyang ikaw nagpapatay doon sa John na 'yun edi malilintikan ka pa!"
"Basta tulungan mo nalang ako sa plano ko. Magkita tayo mamayang 3pm sa Banana Bear Cafe. Don't worry pare, ako magpapagamot diyan sa nanay mo at babayaran kita ng malaki"
"Pare, sure kang walang patayan 'yan ah"
"Don't worry papahirapan ko lang siya"
Call End.
At Banana Bear Cafe.
"Oy Troy"
"Kanina ka pa diyan?"
"Hindi naman, kararating ko lang din".
"Good!" agad akong umupo sa tapat niya."Pare, ano pala yung gagawin natin sa John na 'yun?"
"Giann, ganito lang 'yun. I have 3 plans. Plan A, Plan B and Plan C"
"So ano nga yang plan plan na 'yan? Leche Flan ba?" Kahit kailan talaga hindi na tumino ito.
"So yung plan A natin, makikipagkaibigan ka lang naman kay John and Shaira then kuhanin mo yung number nila. Ganoon kadali 'yun"
"Ang dali pare, wala bang medyo mahirap hirap?"
"Yung plan B naman, makipagkita ka kay Shaira tapos bigla mo siyang halikan, ako namana ng kukuha ng picture para naman makita ni John"
"Ang galing mo gumawa ng plan pare"
"Yung plan C, paghiwalayin mo sila kapag ayaw niyang makipaghiwalay patayin mo"
"Ganoon lang sa'yo 'yun pare? Pare, mahirap patayin si John lalo na't apo siya ng may-ari ng school. Gusto mo bang mapatanggal tayo diyan sa wonderful na school natin. Pare hindi ka ba nag-iisip?"
"Ano ba gusto mo? Mapagamot 'yang nanay mo o hayaang maglumpasay 'yan sa sakit niya?"
"Pero pare--"
"Wala ng pero pero, yes or no lang sasabihin mo"
"Pare, delikado 'yang gagawin natin. Isipin mo, ako ang mapapahamak sa gagawin mo e"
"Kung ayaw mo edi h'wag hahanap ako ng mas magaling pumatay ng tao. Hahayaan kong mamatay na 'yang nanay mo"
"Teka pare!"
-----------------------------------------------------------------------------
-nylxkaye
BINABASA MO ANG
Second Chances (ON-GOING)
Ficção AdolescentePaano kung ang fake relationship niyo ng isang oh-so-hot-and-famous guy ay mauwi sa real and sweet relationship? Si Shaira ay isang beauty and brainy sa Crawford University, isa sa mga sikat na paaralan sa buong mundo. Nakilala niya si John da...