Last part of THE PLAN. :)
--------
Chapter 10 : THE PLAN (part 3)
(Shaira's POV)
Nakita kong nagu-usap sina Giann at Troy after hingiin ni Giann yung number namin ni John.
Ang alam ko new student siya dito. As in bago lang talaga at kakapasok niya pa lang ngayon.
E bakit parang close na close sila ni Troy?
"Pare, ito na yung number nila. I'm ready for plan B" rinig kong sabi ni Giann.
"Good! Ready na ang date! Hahaha"
Te-teka!? Magkakilala sila!? Anong plan B?
Anong date? Number ba namin ni John yung sinasabi niya? Teka, may balak sila sa amin ni John?
"Giann? Troy? Bakit kayo magkasama? Magkaibigan kayo?" Sabi niya bago talaga siya dito. He's a liar. "Diba bago ka lang dito Giann?"
"Ah, o-oo. K-kakakilala ko p-pa lang dito kay T-troy" Teka, bakit siya nauutal?
"Ah oo. Nakipagkaibigan siya sa'kin. Tapos mukha daw kayong aalis na ni John kaya iniwan na niya kayo tapos lumapit siya sa'kin para makipagkaibigan. Sinabi niya sa'kin na may gusto siya doon sa babae. Tinanong niya kung kilala ko tapos kung gusto niya ba makipag-date tapos ayun!"
"E ano yung plan B?"
"Ah! Yun ba? Kasi ang plan A niya, makipagkilala doon sa girl tapos nagawa niya edi ready na sa plan B at ayun ang makipagdate doon sa babae" Mukha namang totoo yung mga sinasabi niya.
Akala ko naman nagsisinungaling si Giann. Mukha namang mabait 'tong si Giann e.
Mukhang mapagkakatiwalaan.
(Troy's POV)
Pagkaalis ni Shaira. Binatukan ko kaagad si Giann.
"Bwisit ka Giann! Muntik mo na 'kong ipahamak!"
"Sorry na! Kasi naman akala ko aalis na yung dalawang baluga na 'yun"
"Huwag na huwag mong tatawaging baluga si Shaira ah"
"Oo na! Maha na mahal si Shaira e, pero pre. Infairness ang ganda niya"
"Maganda talaga siya" sabay ngisi ko. "Ready ka na ba sa plan B?"
"Ready na 'ko pre! Ang ganda ni Shaira e. BAGAY SILA NUNG JOHN."
"Nangaasar ka ba? I said she's mine. I'm her first boyfriend kaya gusto ko ako ulit!"
(Giann's POV)
"Nangaasar ka ba? I said she's mine. I'm her first boyfriend kaya gusto ko ako ulit!"
Mahal na mahal niya talaga si Shaira.
Kung hindi lang para sa pamilya ko 'to, hindi ko sasabakin ang sarili ko sa ganitong gulo!
Mamaya mapatanggal ako sa school na 'to e napaka sikat ng school na 'to at scholar lang naman ako dito at mga mayayaman lang naman talaga ang nandito.
Kung wala si Troy siguro hindi na buhay ang pamilya ko. Siya ang tumulong sa amin.
Gusto ko ngang suklian kaso hindi sa ganitong paraan, yung papatay ng tao.
BINABASA MO ANG
Second Chances (ON-GOING)
Ficção AdolescentePaano kung ang fake relationship niyo ng isang oh-so-hot-and-famous guy ay mauwi sa real and sweet relationship? Si Shaira ay isang beauty and brainy sa Crawford University, isa sa mga sikat na paaralan sa buong mundo. Nakilala niya si John da...