Chapter 1 : Pizza

455 75 4
                                    

Chapter 1 : Pizza

Meet Shaira Nicole Francisco isang beauty and brainy sa Crawford University. Pero isa rin siyang man hater. Galit na galit sa lahat ng lalaki kaya ang lahat ay takot manligaw. Until one day...

---

"Girl, narinig mo na ba?" sabi nung isang babae. 

"Ang alin? Yung transferee dito? Yung cute, mayaman? Oo naman" sabi nung isa.

"Oo, kaso trouble maker, sayang!" sabi ulit nung isa.

Tsss. Mga chismosa talaga.

Recess Time

Yes. Nandiyan na yung favorite kong Hawaiian Pizza. Naghihintay lang ako sa pila nang biglang may sumingit.

"Hoy! Bakit ka sumingit? Ang daming nakapila oh!" galit na sabi ko.

Ngumisi lang siya at umalis.

Ako na bibili. Sana meron pa, last slice pa naman 'yun.

"Ate meron pang hawaiian pizza?" tanong ko.

"Ay wala na. Last slice na yung isa kanina" sabi nung tindera.

Ewan ko pero biglang dumilim ang paligid ko at hinanap ko siya. Yung lalaking kumuha ng pizza ko. 

Nakita ko na siya habang kinakain yung pizza. Nagulat siya ng bigla ko siyang kwinelyuhan.

"Ang sama mo. Sino ka para sumingit at bilhin ang pizza ko?" galit na sabi ko.

Ngumisi siya at tumawa.

"Hahahahaha! Miss para sabihin ko sa'yo, binayaran ko ito at hindi sa'yo ito para umasta ka na parang batang inagawan ng lollipop" sabi niya.

Sa sinabi niya mas lalo akong nagalit at dahil doon sinuntok ko siya sa pisngi ng sobrang lakas at napatingin sa akin lahat ng tao sa canteen.

"Ang kapal mo! Sino ka para suntukin ako? Hah? Ano akala mo, kung sino ka!?" galit na galit na sabi niya.

Sasagutin ko na sana siya kaso bigla akong pinigilan nina Kyla at Drianna.

"Tama na 'yan ang dami ng tao" sabi ni Kyla. 

"Nakakahiya na Nicole" dagdag pa ni Drianna.

Kung hindi dahil sa kanila kanina ko pa 'to napatay kaya binitawan ko siya at iniwan. 

"Hindi pa tayo tapos! Gagantihan kita, tandaan mo 'yan!" sigaw nung lalaki. Pero hindi ko siya pinansin.

----

"Girl, ano ka ba? Bakit mo ginawa 'yun?" tanong ni Drianna.

"Bakit sino ba siya? Wala akong pake kung sino siya" sabi ko.

"Siya lang naman si John, apo lang naman siya ng may-ari nitong Crawford University. Gusto mo bang ma-disappoint mommy mo? Kapag nagsumbong 'yan lagot ka" sabi ni Kyla.

"Sige, magsosorry na ako sa kanya" sabi ko sabay hingang malalim.

(At the Classroom)

Tumunog yung speaker sa school.

"Calling Ms. Francisco at Dean's Office, I repeat Ms. Francisco at Dean's Office" 

"Ms. Francisco, you can go now, you're excused" sabi ni Prof.

"Thank you ma'am" sabi ko at tumango ito.

(Shaira's school uniform --- see at multimedia)

----------------------------------------------------

-sprkaye

Second Chances (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon