Chapter 15 : Movie Marathon
(Shaira's POV)
Binasa ko na yung message ni Troy
Inbox:
11:30 pm
From : Troy
"Hi Shaira, sorry kung bumisita kami d'yan kanina ah. Kasi naman si Giann pinipilit ako, gusto niya makita si Syrie. Crush na crush niya 'yun pero mas crush kita hehe. Sana sagutin mo na yung panliligaw ko sa'yo. Ilang months na kitang nililigawan e. Sorry sa mga nagawa ko Shaira. Promise 'pag naging tayo hinding hindi na kita sasaktan pang muli. Aalagan kita at ituturing as a girlfriend. Alam kong mahal mo pa si John kaya hindi kita pinepressure na sagutin ako. Maghihintay ako hanggang sa ma-feel mong mahal mo 'ko at higit pa sa pagmamahal mo kayh John. Love you! Mwah"
Tinignan ko yung oras at 8:43 am na pala.
Tumayo na agad ako sa kama at niligpit ito.
Dumiretso ako kaagad sa cr at naligo.
Pagkatapos kong maligo. Nakita kong marami nang nakahandang pagkain sa kusina.
Nakita kong nagluluto si Troy.
"Troy, bakit naman ikaw ang nagluto?"
"Para sa future natin"
Hindi pa naman kami pero kung umasta parang mag-asawa na kami ah.
Pero ang cute niya.
"Ang dami mong niluto ah"
Tapos bumaba na rin sila Drianna, Syrie at Kyla
"Ah Troy, nasaan nga pala si Mommy?"
"Ah pumasok na!"
Ang aga pumasok ni mommy ngayon ah.
"Wow! Dami n'yan Troy ah" -Kyla.
"Oo nga, daming bacon!" -Drianna.
"Yummyyyyy" -Syrie.
Nagdasal na kami at kumain.
Tapos nag-volunteer pa si Troy na s'ya na rin ang maghuhugas ng mga pinagkainan. Ako naman ang nag-volunteer na linisin ang lamesa.
Tapos dumiretso na yung tatlo doon sa sala at nanood sila ng movies.
"Ah Troy, tara nood tayo ng movie. Since tapos ka na maghugas" sabi ko. "Tawagan mo na rin yung mga friends mo para movie marathon tayo"
Tinawagan n'ya si Giann, Max, at Jm.
Tapos nung nagsidatingan na sila. Saka kami nanood.
Katabi ko si Troy at 'di ko namalayan naka-akbay siya.
Pero okay lang sanay naman akong inaakbayan e. Tapos humiga ako sa balikat niya. Mukhang inaantok ako e.
-------------------------------------------------
-nylxkaye
BINABASA MO ANG
Second Chances (ON-GOING)
Ficção AdolescentePaano kung ang fake relationship niyo ng isang oh-so-hot-and-famous guy ay mauwi sa real and sweet relationship? Si Shaira ay isang beauty and brainy sa Crawford University, isa sa mga sikat na paaralan sa buong mundo. Nakilala niya si John da...