Chapter 5

73 15 0
                                    

             Nag-iinit ang katawan ko maski ang buong paligid. Maya-maya, nakita ko na lamang ang sarili ko na galit na galit habang hinahagisan si Matt ng fire blades. Pinipigilan ko ang sarili ko pero wala akong nagawa dahil kusang gumagalaw ang katawan ko na para bang may sarili itong isip.

"I'm going to kill you, Matt," iyon ang mga matatalim na salitang lumabas sa bibig ko kahit ayaw ko.

Bumuo ako ng isang bagay na hindi ko maintindihan, gamit ang apoy. Bago ko pa magawa, naramdaman ko na lang ang dalawang kamay na yumakap saakin mula sa likod.

"Lucas," I mumbled. Dahil sa paghawak niya ay naramdaman ko ang paglamig ng ulo ko at maski ang pagbalik ng kulay ng mga mata ko.

Oo, hindi ko nakikita pero nararamdaman ko. May scientific explanation ba ang mga nangyayari? Kung meron man, sana sabihin na nila agad dahil litong-lito na talaga ako.

"Sa wakas ay lumabas na rin ang ability mo. Natitiyak ko na isa kang Fire Manipulator."

"You're stating the obvious," sabi ko gamit ang utak ko.

Nakita ko na lang ang pagngiti niya bilang sagot.

"So, pwede na ba akong umalis para makapagtraining na kayo?" singit ni Matt.

"Uh uh," saad ko habang winawagayway ang hintuturo ko. "Hindi pa tayo tapos Matt," pagtuloy ko.

"Tim, ano ba? Planado lang lahat kaya h'wag kang magalit saakin, okay? Wala naman akong problema sa mga batang hindi nakasama ang magulang. Nakakaproud kaya sila. Kaya bati tayo, baby girl, ha?" sabi niya sabay kindat. Ano sa tingin mo? Kikiligin ako? Duh.

"Rooster, mandiri ka nga," aniko. Tumawa nalang siya sabay flying kiss at agad na umakyat patungong labas ng underground nila.

         DALAWANG oras na akong tinuturuan ni Lucas, at sa buong oras na iyon ay puro sermon ang naririnig ko.

"Huminga ka muna nang malalim at iconcentrate mo ang sarili mo," aniya na naman. Kanina pa niya tinuturo 'yong mga dapat kong gawin pero 'di ko pa rin magawa nang maayos.

"Fuck! Muntikan na ako don ano ba!?" si Lucas.

"What the hell!? Sabi ko magconcentrate ka!"

"Mali 'yan!"

"SEY!!!"

"Dammit! Ang hirap mong turuan!"

Nagsawa akong pakinggan ang boses niya kaya tinakpan ko ang magkabilang tainga ko.

"Tim! Are you even listening? Ikaw rin ang mapapasama kung hindi ka nagc'concentrate."

I rolled my eyes heavenward dahil sa maikling pasensya niya. "Ginagawa ko ang best ko, crybaby. Kaya matuto kang maging magpasensya, please lang.

"Ikaw pa ang nagrereklamo? Do you even know how hard it is to train you?" Okay, aaminin ko may kaunting takot akong nararamdaman, kaunti lang naman.

Tinaas ko ang mga kamay ko, more-like a suko-na-po-ako-sir pose.

Nagconcentrate ulit ako, nakakagawa naman ako ng fire blades pero hindi ko alam kung paano patigilin ang sunod-sunod na paglabas nito.

"Isipin mo lang na sasarado ang mga kamay mo, Tim."

Ginawa ko nga ang sinabi niya. Napangiti ako dahil nagawa ko naman ito, pero agad na nawala sa isip ko 'yon kaya sunod-sunod na lumabas ulit ang mga fire blades.

"Tim, h'wag mo munang bubuksan hanggang hindi lumalamig ang mga kamay mo." Sinunod ko din nanaman kaya nagawa ko na.

"Ngayon, kailangan mo namang gumawa ng iba't-ibang weapons. Isipin mo lang ang weapon na gusto mo habang binubuo mo ang mga apoy para magawa mo." Napangiti ako nang napakalaki habang ginagawa ko ang mga 'yon.

KitowaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon