Chapter 32

12 5 1
                                    

             "Sey," dinig kong sabi ng isang lalaki. Kahit pa man nakapikit ay kilalang-kilala ko na ang boses na iyon. Nanatili akong nakapikit dahil gusto ko pang magpahinga. Nabigla ako nang hawakan niya ang pisngi ko at mabilisan itong pinisil.

I opened my eyes and glared at him. Napatawa siya at ginulo ang buhok ko.

"Not my hair, Cas! Not my hair," I said.

"Maganda ka pa rin naman, binibini," pagtawa nito. Napahawak pa sa tiyan ang loko.

"H'wag ako!" I snorted. Natatawa naman siya habang ginising pa ang ibang nakahilata pa.

Nang magising ang lahat ay agad niya kaming pinagtipon-tipon.

"Kagaya ng dati ay maglalakad-lakad pa tayo sa mga hindi pa natin napupuntahan. Tayo ay nandito sa Hilagang Kanluran kaya maglakad tayo ng maglakad hanggang sa mapadpad tayo sa kabilang dulo, sa Hilagang Silangan," ani Cas.

Tinignan ko ang relo ko at doon ko lamang napagtanto na alas tres pa lang ng madaling araw. Kaya naman pala nais ko pang matulog kanina!

"Iligpit at bitbitin na ninyo ang mga kailangan at baka mahaba-haba rin ang ating paglalakbay," dagdag ko. Tumulong na rin ako sa pagliligpit at pagbibitbit ng mga gamit.

Habang kami ay naglalakad, sa pangunguna ni Cas at ni Matt, ay hindi ko pa rin talaga maiwasang mapaisip. Papaano kung makita ko na ang aking Ama? Makikilala ba niya ako? Makikita ko pa nga ba siya?

Naramdaman ko ang pagpatong sa aking balikat ng isang kamay. Tinignan ko si Annie na kasalukuyang nakangiti. "He'll recognize you, Tim. Don't worry," she said and gave me a reassuring smile.

"Thank you, Annie," I whispered. Inalis niya ang kamay niya sa balikat ko pero nanatili siyang nasa tabi ko habang naglalakad.

"Hoy! Bakit hindi ako kasali!" Lumingon ako sa likod at nakita ko ang nakabusangot na si Cess. Mabait itong babaeng ito, sadyang ayaw niya lang magmukhang mahina at may kaunti rin siyang pagkaarte. Tumakbo siya at tumabi sa kabilang side ko.

Inakbayan ko sila pareho at ginulo ang mga buhok nila.

"What the hell?!"

"Tim-Tim!"

Natawa ako sa mga reaksyon ng dalawa. Maya-maya pa ay natawa na rin sila.

Umubo si Cess at huminto sa paglalakad. "U-uhmm, Tim?" anito.

"Yes?" takang tanong ko.

"Sorry d-dati."

"Hmm?"

"Iyong dati!"

Napangiti ako sa sagot niya. "Okay lang 'yon," aniko. Nagngitian kami at nagpatuloy sa paglalakad.

——

NAUPO muna kami nang makaramdam kami ng pagod. "Usong magpahinga mga bes!" natatawang sabi ni Annie.

"Halika dito, aking sinta," nakangiting sabi ni Matt at inakbayan pa ang dalaga.

"Nagpapahinga na tayo," sambit ni Dave. Buti naman at naisipan na nitong magsalita. Nanlaki naman ang mga mata ko nang tinignan ako nito. Nang makabawi ako ay pinagmasdan ko ang mga mata niya at pinilit na basahin ang mga ito, ngunit ako'y nabigo. Walang bahid ng kahit anong emosyon ang meron sakanya.

Nanlaki muli ang mga mata ko nang hilain niya ako palayo sa iba.

"Anong bang problema mo?!" asik ko.

"Not ano, but sino?" He grinned.

"Me? Why is that?" I asked him.

"You're checking me out," his grin widened. Ngumiti naman ako ng pagkatamis at tinignan siya ng diretso sa mga mata.

KitowaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon