Chapter 24

16 6 0
                                    

17/05/08
So ayon, after this ay yong mga reasons kung bakit ang tagal kong mag-publish noon. (maski ngayon ㅋㅋㅋ)

***********
"WAKE UP, EVERYONE! WAKE UP!"

Idinilat ko ang mga mata ko, kanina pa kasi kami ginigising nina Sir Hunhan. Ngayon na nga pala ang first day ng pag-eensayo. Nakita kong nakabusangot na bumangon ang iba pang nasa rank A. Pinagsama-sama na kami sa isang malawak na kwarto at may tag-iisa kaming maliit na kama. Wala na kaming panahon pa kagabi na paghiwalayin ang mga babae at lalaki. Sa mga panahong ito, hindi na namin maiisip pa ang mga bagay na 'yon.

Lumingon ako sa gawi ni Annie ngunit wala siya roon. Maaga talagang nagigising 'yong babaeng iyon. Bumangon na ako at hinanap siya. Nadatnan ko siya terrace na nagkakape. Pumunta ako sa kusina at nagtimpla ng kape. Nang makabalik ako ay ngumiti lamang ito sakin. Matapos non, ay wala na siyang sinabi at nanatiling nakatulala. "Handa ka na bang sabihin sa'kin 'yang iniisip mo, Ana Maria?" Tinignan niya ko nang masama dahil sa pag banggit ko ng pangalan niyang 'yon ngunit natawa na lamang ako.

"Ayos lang kung hi—" naputol 'yong sasabihin ko nang lumapit siya sa'kin. Yumuko siya nang kaunti nang magsimula siyang magsalita. "Nahulog na 'ko kay Matt. At first, ayoko pang aminin sa sarili ko. Kaso mukhang tinamaan na nga talaga ako. Sino ba naman ang hindi mahuhulog? He's sweet, kind, and gentle pag dating sa'kin. Minsan niya na ring ipinahamak ang sarili niya para sa'kin. I'm not yet ready to fall for him AGAIN. I'm not yet ready na masaktang MULI dahil sakanya."

"Again? Muli? What do you mean, Annie?"

"Tim, may past kami kaso niloko niya lang ako."

"No, sa tingin ko hindi siya nagloko. Kahit nong hindi pa tayo masyadong nagsasama. Napapansin ko na ang mga titig niya sa'yo. Ang mga ginawa niya ng patago para sa'yo." I stated.

"Pero—"

"Ask him. Talk to him. That's the best thing to do for now, Annie." I smiled and drank my coffee. Hindi siya nagsalita matapos kong sabihin ang mga bagay na 'yon. Kaya napagdesisyunan ko na lamang na umalis na muna at hayaan siyang mag-isip.

"Annie, alis na muna ako ha?" wika ko.

"Sige. Go ahead," anito. Tumayo na ako at dumiretso sa sala pero walang tao roon. Baka nag-eensayo na sila. Dali-dali akong pumunta sa training field nito. Hindi na ako naligaw dahil itinuro na sa amin nila Elder ang mga pasikot sikot dito.

"Timty, halika dito dali!" tawag ni Matt at itnuro ang upuan sa tabi ni Cas. Dali naman akong umupo don.

"What took you so long?" kunot noong tanong sakin ni Cas.

"Morning rituals and such," I lied. Katabi pa man din ni Matt si Cas baka marinig niya kung sasabihin ko 'yong tungkol kay Annie.

"Okay," he paused and touched my hair. "—wait, hind ka naligo 'no?" Napakamot ako sa ulo.

"Naligo ako kagabi and maliligo sana ako kanina, kaso wala na kayo," sabi ko at binatukan siya. "—hindi ka pa rin naliligo 'no?" tanong ko.

"Hindi pa. Naligo na rin ako kagabi. Kakagising lang kasi namin e pinababa na kami. Don't get me wrong, nag toothbrush naman kami kahit papano."

"HAHAHAHAHAHA. Ang lakas ng loob mong magtanong sakin ta's di ka pa rin pala naliligo." Napahawak ako sa tiyan ko kakatawa.

"Ms. Andres, are you listening?" Isang lalaking hindi familiar ang mukha ang nasa harapan naming lahat.

"No," I paused. "—I'm so sorry, sir?"

"I'm Ivan Sir Villanueva. Call me Sir Sir." anito. Sir Sir? HAHAHAHA.

KitowaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon