Chapter 33

23 4 1
                                    

Sunod-sunod silang nawala. Binalot ako ng matinding kaba nang naiwan akong mag-isa. Tumingin ako sa aking kanan, kaliwa, at likod. Asan na sila?

Namutla ang buo kong katawan nang maramdaman ko ang isang kamay na humawak sa bibig ko.

"Sino ka?!" isinigaw ko, pero nabigo ako. Tanging pag-ungol lang ang lumalabas dahil sa kamay na nakatakip sa'kinh bibig.

Lumapit siya sa tainga ko at may ibinulong. Hindi ko iyon naintindihan dahil mukha itong chant na hindi ko mawari kung ano. Ang kamay ko na nakahawak sa kamay na iyon ay hinawak ko sa aking ulo. Nahihilo ako.

Ganito siguro ang nangyari sa mga kasama ko. Hindi ko man lang napansin.

Unti-unting nandilim ang aking paningin, kasabay non ay ang paghila sakin. Hinila niya ako papunta sa kabilang liwanag. Hindi pa man nakakarating doon ay natitiyak kong doon niya ako dadalhin.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko.

Everything'll be okay.

David/Dave's Point of View

Ngumiwi ako nang mahirapan ako sa pagbuhat dito sa babaeng ito. Hindi naman siya magalaw tulad ng iba, pero ang bigat! Ano ba ang kinakain nitong isang 'to?

Hila-hila ko siyang itinawid papunta sa kabilang parte. Naroon ang isa pang liwanag.

"Dave?" Tumingin ako sa sumalubong sakin.

"Nikki," nakangiting sambit ko.

Timty's Point of View

"Napakatagal namang gumising nitong mga 'to." Hindi maaari. Pamilyar ang boses na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali.

Nag-alangan akong buksan ang aking mga mata pero nagawa ko rin naman. Alam ko nang traydor si Dave pero bakit kasama niya si Nikki? Kaya pala hindi ko siya nakikita kasi may iba na siyang pinagkakaabalahan. Bakit nga ba hindi siya napansin ng iba?

"Gising ka na pala," ani Dave.

"Oo nga, gising na pala ang prinsesa," natatawang sambit ni Nikki.

"Traitors!" I spat.

"No, we never betrayed you. Nagtago lang kami ng sikreto."

"Ganon na rin iyon! Mga traydor!" Itataas ko sana ang aking mga kamay pero mukhang nakatali ang mga iyon.

"Itinali namin kasi alam naming magiging magulo ka," Dave boringly said.

"Bakit ba ang tagal ng epekto ng mga pampatulog sa mga iyan?" Natatawang tanong ni Nikki.

"Ewan ko," ani Dave at iginalaw pa ang balikat.

"Nikki, bakit hindi namin napansin ang pagkawala mo?" takang tanong ko. Itinaas niya ang dalawa niyang kamay na para bang sinasabi niyang wala siyang alam.

"Bakit nga ka—"

"Dahil sakin, Anak."

Tumayo ang mga balahibo ko at hindi ko mawari kung ano nga ba ang nararamdaman ko. Tumingala ako sa lalaking papalapit. Ang kanyang tindig, kilos, at boses, ay hindi pa rin nagbabago.

"Ama..."

Ngumiti ang lalaki at masamang tinignan sila Dave. "Bakit ninyo itinali ang anak ko? Ang sabi ko lang ay dalhin ninyo siya rito."

"Malikot kasi ang anak niyo, mahal na Hari. Tsaka kaya niya naman pong sunugin 'yon," saad ni Dave.

Tama siya. Kaya ko naman pero hindi ko naisipang gawin.

KitowaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon