Chapter 12

40 11 0
                                    

"Ikaw ang papatay sa lahat."

"Ikaw ang papatay sa lahat." 

Ako? Paanong naging ako? 'Tsaka, bakit naman ako papatay?

"Ikaw ang papatay sa lahat."

Hindi kaya nagbibiro lang siya?

Isinipa ko ang paa ko sa hangin at ibinagsak ito pabalik sa kama. Mukhang napalakas ang sipa ko kaya narinig ito ni Annie. Naramdaman ko kasing umakyat siya papunta sa kama ko.

"Magpatulog ka naman, please," sabi niya habang pinupunasan pa ang mga mata niya. Mukha siyang bata. Natawa naman ako sa pinag-iisip ko na dahilan para kumunot ang noo niya.

"Wala," sabi ko naman habang inaayos ang sarili ko. Naramdaman kong bumaba na siya kaya agad kong ibinalot ang kumot ko sa katawan ko.

Hindi naman siguro totoo 'yon, hindi ba? Kahit naman mainitin ang ulo ko, mabait pa rin ako.  Hindi naman kasi ako katulad ng iba na halos kainin na ng lupa dahil hindi marunong magsalita.

Iniba ko naman ang posisyon ng pagkahiga ko at hinanap kung ano ang makakapagpatulog sakin. Hanggang sa bigla na lang may nahulog sa mukha ko.

"Waaaa! Annie! Paano nagkaroon ng butiki rito?" Sigaw ko habang pinapagpag ang mukha ko. Nainis ako nang marinig ko ang tawa niya.

"Anong nakakatawa? Alisin mo, dali!"

Naginhawaan naman ako nang naalis 'yong butiki sa mukha ko.

"Fake lang 'yan," aniya at humalakhak pa.

"Not funny, Annie," aniko habang pilit na nililiitan ang mga mata ko.

"Ganti ko na 'yon! Ayaw mo kasing magpatulog e," sabi naman niya habang tumatawa pa. Anong klaseng kaibigan 'to?

Bigla naman nanlaki ang mga mata niya at ipinikit ng limang beses. Nagpapacute ba siya?

"Kaibigan? Kaibigan mo 'ko? Yey!" saad niya habang tumatalon-talon pa at itinaas ang mga kamay. Parang akala mo nasa party.

"Wala akong sinabi," tanggi ko. Bakit ba naman kasi nagbukas ulit ang isipan ko?

"Meron kaya!"

"Ewan ko sayo," aniko at iniralan siya. Humiga na ulit ako at hinanap ang tulog ko.

"OKAY. Ngayon na talaga magsisimula ang  trainings. Itre'train kayo depende sa Elemental Ability niyo. Nakalagay sa bulletin board ang mga pangalan ninyo at ang mga class ninyo. Para naman sayo Ms. Andres, naka schedule ang sayo. Iba sa umaga at iba sa hapon. " Agad naman kaming napatango lahat sa sinabi ni Mrs. Song.

"Ano pa bang hinihintay ninyo? Punta na kayo sa baba at hanapin ang schedule niyo. Para makapagsimula na agad-agad," pagmamadali ni Mrs. Song.

Agad naman kaming kumilos at dumiretso na sa baba. Ang iba ay nagtatakbuhan pa, parang akala mo naman hindi nila makikita 'yon kung mahuhuli sila.

"Ouch!" Napasimangot ako nang nadapa ako.

Natapak-tapakan naman ng mga taong dumadaan ang ibang parte ng katawan ko.

Hanggang sa may tatlong kamay ang umabot sakin. Agad ko silang tinignan at ang tatlong kamay na yon ay pagmamay-ari nila Lucas, Drake at Nikki.

Ano 'to? Love square? Medyo lumakas ang pagtibok ng puso ko dahil parang mamimili ako sa kanilang tatlo ng pakakasalan ko.

KitowaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon