Chapter 8

63 14 0
                                    

         NAGISING ako dahil sa paghampas sakin ng libro ng isang babaeng may katandaan na rin. Oh my, si Mrs. Lupa, ang History teacher namin.

"Sey Timty Andres! Natutulog ka na naman ba sa klase ko?" Natutulog? Ibig sabihin ba nun panaginip lang ang lahat ng nasa Kitowa?

"At ngayon hindi ka makasagot? Labas!" Mrs. Lupa commanded. Sumunod ako sa inutos niya at nahiga na lamang sa tabi ng isang puno sa likod ng school. Panaginip lang pala lahat-lahat.

Te-teka? Hindi kaya totoo 'yon tapos nakatulog ako ulit kanina? Oo nga! Naaalala ko kasi na bigla nalang akong bumagsak, e. Baka nakulong nga ako rito sa panag-inip ko at hindi na muling magbabalik pa! Hindi ma—

"Ouch!" Agad akong napatingin sa lalaking nagbato, pero laking gulat ko nang si Lucas ang nakita ng mga mata ko.

"Lucas!? Halla, why are you here?"

"Namiss kita," sabi niya na medyo ikinagulat ko. Niyakap niya ako nang mahigpit kaya lalong nanlaki ang mga mata ko.  Maya-maya pa ay unti-unti ring lumuwag ang yakap niya.

"Anong ginagawa mo rito, Lucas? Ano ring ginagawa ko rito? Bakit ako nakulong ulit? Nakulong nga ba ako o ito talaga ang totoo kong buhay? Lucas nababaliw na yata ako."

"Kung nababaliw ka, mas baliw ako," aniya.

"Ano? Hindi ko maintindihan," aniko.

"Baliw ako. Bakiw na baliw sayo." Nanlaki nanaman ang mga mata ko. Itong lalaking 'to laging pinapalaki ang mga mata ko.

"Corny mo."

"Seryoso ako."

"A-no?"

"Wala, joke lang," sagot nito. "Sasagutin ko na ang mga tanong mo. Oo, tama ka. Nakulong ka ulit. Hindi mo kasi masyadong nakayanan lahat." Tinignan ko siya nang may pagkalito. Sino ba naman kasi ang hindi malilito?

"Anong lahat? Anong ibig mong sabi—ay shit." Bigla kong naalala lahat. "Pero pano nangyari 'yon?"

"Hindi ko nga rin alam e. Basta ang alam ko, ang Elemental Ability mo ay Fire-Water Manipulation."

"Fire-Water Manipulation? Cool."

"Bihira lang na magkaroon ng Dual Elemental Ability ang isang Kitowan. Maliban na lamang siguro kung anak ka ni Reyna Kira—teka? Baka nga anak ka niya! Ay, imposible kasi patay na raw ang anak nila. Kasabay din noon ang pagkamatay ng asawa niya. Andres ba talaga ang apelyido mo?"

"Hindi ko alam kung ano ang totoo kong pangalan. Noong nakulong kasi ako rito sa panaginip na 'to, wala akong apelyido. Nakita ko lamang 'yan sa isang libro kaya ginaya ko. 'Tsaka bakit ka nga pala nandito? Nasa school tayo, may makakakita."

"Problema ba 'yon? Tara labas tayo," aniya at 'saka hinila ang kamay ko. Buti na lang at oras pa ng klase kaya wala masyadong tao. Umakyat siya sa pader sa likod ng school, kaya ginaya ko na lang siya.

"Sey," tawag niya habang naglalakad kami.

"Pwede bang 'wag ka na lang pumasok araw-araw?" Napahinto ako sa sinabi niya.

"Ano? Dahil lang ba sa mahina ako sa Math, hindi na ako papasok? Hindi naman pwede 'yon, Cas."

"Baka nakakalimutan mo panag-inip lang 'to. Tsaka naghahanap tayo ng paraan para makalaya tayo." Hindi ko maintindihan kung bakit ganiyan siya magsalita. Punong-puno ng awa, takot, at kaba.

"Tayo?"

"Oo, tayo. Hanggang tatlong araw lang ako rito. Kasi kung tatagal pa, maaring makulong na 'ko rito at hindi na makalabas pang muli," tugon niya. Nakaramdam ako ng kaba sa mga sinabi niya. Bakit pa ba kasi siya pumunta rito? Dapat hinayaan niya na lang na makulong ako. Hindi na dapat siya nagsasacrifice ng gan'to.

KitowaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon