Chapter 23

34 7 0
                                    

     Idinilat ko ang mga mata ko at ang napakaliwanag na ilaw ang sumalubong sa mga mata ko—teka, ilaw?

"Gising ka na pala." saad ng isang lalaking naka gown ng panlaboratory.

"Hindi ba obvious?" aniko at itinaas ang kanang kilay ko.

"Wala ka pa ring pinagbago," anito. Kumunot naman ang noo ko. Kahit na may mask sa mukha niya ay halata ko pa ring nakangiti ito.

"Do you know me?" I asked ngunit hindi pa rin ito kumibo. Kinuha niya na ang dala niyang tray at akmang lalabas na.

"Can't you hear me? Sabi ko, do you know me?" Napahinto ito sa paglalakad.

"I do. I really do."

"Then tell me, sino ako?" He faced me then winked at me.

"You? You're our—" Bigla na lamang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang mga Blacks kasama ang mga Whites.

Bigla na lamang naglaho ang kausap ko na pinagtataka ko.

"Timty!" ika ni Cess. Kumunot naman ang noo ko sa pagtawag sakin nito. Agad itong lumapit sakin at hinagkan ako.

"Namiss kita. " Anong nangyari? Ba't bumait ata ang loko?

"Siguro nagtataka ka. I won't blame you. Ang sama kasi ng trato ko sa'yo noon at dahil 'yon sa—" naputol ang sasabihin niya nang sumingit si Cas.

"Sey" "Cas" sabay naming tugon

"Mauna ka na," wika niya.

"Hindi, ikaw na muna," I stated.

"No, you first," he insisted. I heaved a heavy sigh at tumingin sa mga paa kong nilalaro ko.

"About kanina," panimula ko. "So—"

"No, sorry. Nagulat lang naman kasi ako kanina."

"Don't be sorry. Maski ako hindi ko nakilala kung sino nga ba ako kanina."

Bigla akong napatingin kay Annie na umubo. "Alis na muna kami ha?" anito. "Hi—" Naputol 'yong sasabihin ko nang bigla na lamang silang umalis lahat.

"May masakit ba sa'yo?" he asked. I shook my head and gave him a reassuring smile.

"Wala, pero parang may kulang. Gusto kong maalala 'yong nakaraan ko. Gusto kong makilala ang mga magulang ko," I stated. Kinain na naman ako ng kalungkutan. I closed my eyes. Naramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko kaya idinilat ko muli ang mga mata ko.

"I will help you," he said. Kumunot ang noo ko sa tinugon niya. "How? Kilala mo ba ako noon?" He smiled and said, "Yes, makakatulong ako," wika niya.

I heaved a sigh and smiled weakly. He cupped my cheeks and hugged me. He patted my back and it felt so good, I don't know but that hug felt so familiar. Yes, naramdaman ko na rin ito noong niyakap niya ako noon. 

Kumawala siya sa yakap at tinignan ako. "Ako ito, si Super Cas mo. Laging tagapagtanggol mo at laging nagpapatahan sayo kapag umiiyak ka. Maaaring hindi mo na ako maalala pero alam kong magaan pa rin ang loob mo sakin. Honestly, naroon ako noong hinabol at pinainom ka ng potion ng isang sorceress pero hindi ko na masiyadong maalala ang pangyayaring iyon maski ang mukha ng sorceress na iyon dahil sa sobrang paghihinagpis na naramdaman ko. It was the first time na hindi kita naipagtanggol. Naduwag ako noong mga panahong iyon kaya dahil doon pinili na ng utak ko na kalimutan lahat pero ngayon gagawin ko ang lahat para maalala ang nangyari. Para maipaghiganti at mapaiwas kita sa nilalang na gumawa sa'yo non. Itataya ko ang buhay ko para sayo, Sey," he said and those words left me dumbfounded. He stood up and went outside.

Thank you so much, Cas.

Nanatiling nakatingin ako sa kisame. "Bakit lagi na lang akong nawawalan ng malay? Am I not strong enough?" I whispered. "Siguro nga."

Pero teka— agad akong bumangon at inalis ang nakakabit sakin. Lumabas ako at naroon nga sila.

"Bakit magkakasama na kayo at bakit napunta tayo rito?" tanong ko. Agad silang ngumiti ng mapait.

"Nang nagkita-kita kami biglang nabasag ang shield at ang barrier. Nakapasok na silang lahat. Nagapi namin sila at nakalabas din kami. Nailabas ka namin at naipunta dito. Marami nang nawala. Libo-libo ang mga bangkay na naabutan namin. Kaya narito tayo ngayon sa Mansion. Naririto ang mga Ranked A Kitowans, mentors, at ang mga elders." Tugon ni Cess.

"Ang mga natirang normal na Kitowans naman ay nasa safe room na. Magsasanay tayo ritong mga Ranked A."

"Asan sina Rain, Aljay, at iba pang mga kasama natin?"

"Hindi sila mga Rank A. Normal lang sila ngunit sila ang mga top sa kanilang mga klase." tugon ni Matt.

"Naririto rin pala sila, ngunit hindi tayo pwedeng magsama habang nag-eensayo. Magsasama lang tayo matapos ang dalawang araw ng pag-eensayo dahil bubuo tayo ng plano na magkakasama sa ika-tatlong araw. Sa ika-apat naman ang D-Day. Lalabas na tayo ng Mansion at susugudin silang lahat." ani Cess.

"Gusto nila ng madugong labanan pwes ibibigay natin 'to sakanila." Napatingin ako sa nagsalita at naroon si Elder Jessica kasama sina Elder Kim at Sir Hunhan.

"Sa ika-apat na araw susugod tayo sa South Division. Wala na akong pake kung mapaparusahan ako ng Kataasan," Elder Kim paused. "Didn't I tell you?" he added.

"Revenge..."

"is not just my friend, it's my best-est friend."

to be continued~

-----------
Sorry sa short update at sa matagal na pag-u'update. Medyo naging busy si author these past few months kaya hindi ko na naharap. ㅠㅠ -EALelis

사랑하자!~

KitowaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon