Chapter 38

22 3 0
                                    

SEY TIMTY'S POINT OF VIEW

        HUMINGA ako nang malalim at inalala ang mga napag-usapan namin kanina ni Ama. Hindi talaga ako makapaniwala sa mga katagang sinabi niya kanina. Pumikit ako at pilit na nag-isip ng plano para matapos na ang lahat ng ito.

        LUMIPAS ang oras at taimtim akong nanalangin upang maisagawa ko nang maayos ang planong naisip ko noong hindi pa ako nagigising saking sariling katawan. Oo, tama. Nagising ako sa sarili kong katawan. Hindi ko alam kung anong nangyari pero mas naging malakas ako dahil sa mga nalaman ko.

May luhang dumaloy saking pisngi pero agad ko rin itong pinunasan. Kailangan kong magsakripisyo. Kailangan kong maging matatag, dahil ang lahat ng ito ay para sa Kitowa.

Dalawa lang naman kasi ang pwedeng kahihinatnan ng plano ko kung sakali mang magkamali ako. Mamatay kaming dalawa ni Dare o mabubuhay kaming pareho. Pero hindi ako magkakamali. Malaki ang tiwala ko kay Ama kaya natitiyak kong hindi niya ako bibiguin.

If my Dad's a sorcerer, then that makes me a sorceress. If he is the strongest white sorcerer, then I might have some of his abilities. Pumikit ako at inisip ang sinabi niya.

"Close your eyes. Free your mind. In the middle of the darkness, look for a book. It's yours. Use it well."

Gaya ng sinabi niya, inalis ko ang mga laman ng isip ko. Hinintay kong mabalot ng kadiliman ang paligid. Hindi nagtagal, ay binalot na nga ito ng kadiliman. Lumingon ako sa bawat sulok at natagpuan ko ang libro.

Ito na siguro ang sinasabi ni Ama.

"Sey, I say, you say."

Kumunot ang noo ko sa nabasaya ko. "I say, you say?" saad ko. Nanlaki ang mata ko nang lumipat ang pahina nito.

"Tell me what your heart wishes to happen, and I'll make it happen. You just have to say what I say, Sey."

Ano bang gusto ng puso ko? Simple lang, maging maayos ang lahat, pero bago 'yon, kailangan kong maisagawa ang plano ko. Pumikit ako at binulong ang gusto kong mangyari. Lumipat ang pahina at may mga salitang lumitaw rito. Nang binasa ko ang nakasulat ay biglang lumiwanag ang paligid.

I hope this will work.

————————

Dare's Point of View

Inis akong tumayo at tinignan ko silang lahat nang masasama bago umalis ng white room.

Nang papalakad ako ay biglang nandilim ang paligid. Bumuka ang lupang tinatayuan ko at napahiyaw ako nang bigla akong nahulog dito kaya wala na lang akong ginawa kundi pumikit.

"Dumilat ka."

Idinilat ko nga ang mga mata ko. Tumambad sakin ang babaeng kinaiinisan ko. Idagdag mo pa ang ngisi sa mga labi nito.

"Hey bitch," bungad niya. Kumunot muna ang noo ko bago ko siya binigyan ng nang-iinis na halakhak. "Anong nakain mo't kinakalaban mo ko?" I asked her.

"Actually, nagugutom ako. I think, I wanna taste your blood," anito at medyo nagulat ako nang inilabas niya ang pangil niya. Maya-maya ay tumawa ito at tinanggal ang puting pangil sa kaniyang ngipin. "Joke lang. I'm not a vampire, and I won't suck your blood nor eat you," she paused and looked at me from head to toe, "because I will kill you," she added.

Biglang nagbago ang kulay ng buhok nito. Mula itim ay naging ginto ito.

"Wala ka man lang habilin bago tayo mawala?" she asked. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Tayo?

"Oo, tayo," anito. Dahan-dahan siyang umangat kaya nakaramdam ako ng matinding kaba, ngunit nawala rin ang kaba ko dahil bigla na lang siyang nahulog. Nanghihina siya. Ito na ang pagkakataon ko. Pumikit ako at agad kong naramdaman ang pagbabago ng katawan ko. Humaba ang mga kuko ko at humapdi ang ibang parte ng katawan ko dahil nagbago ang kulay nito.

"I told you. You can't overpower me," I said.

Nakita ko ang panginginig ng tuhod niya nang matamaan niya akong papunta sa gawi niya. Napangisi ako at dinalian ang paglakad ko, medyo malayo rin kasi ang lugar na pinagbagsakan niya. Nang makalapit ako ay hinawakan ko siya sa leeg. Dahan-dahan ko siyang inangat at hindi na siya nakalaban pa.

"Die, bitch. Die," saad ko at diniinan ang pagkasakal sakanya. Nang hindi na siya gumagalaw pa ay ihinagis ko siya na parang lantang gulay. Umupo ako sa tabi niya at inayos ang buhok niya. Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko lalo na't wala nang makakahadlang sakin. The savior of Kitowa is now gone.

Rumampa ako paalis sa gawi niya pero napahinto ako nang makarinig ako ng pagtawa. FVCK.

SEY TIMTY'S POINT OF VIEW

Okay na sana pero nakaramdam pa ako ng panghihina na dahilan ng pagkabagsak ko. Masyado yatang napatagal ang pagdadaldalan namin. Hindi ako pwedeng magtagal sa black dimension na ito dahil ang mga masasamang damo lang ang nakakatagal dito. Isa ito sa mga hiniling ko kahapon bago magising si Dare. Dito ko balak isagawa ang plano ko para wala nang madamay pa.

"I told you. You can't overpower me," saad niya. Nanginig ako ng dahan-dahan siyang lumapit sa pwesto ko. Lalo na't nag-iba pa ang anyo niya. Napapikit ako nang tumakbo na siya at hinawakan ang leeg ko. Namilipit ako sa sakit nang inangat niya ako sa ere. Pilit kong inaalis ang kamay nito pero talagang nanghihina ako. Pumikit ako. Inalis ko ang laman ng isip ko at hinanap ang libro. Nang makita ko ito ay agad akong humiling na sana magtagal pa ako sa black dimension at maisagawa ko nang maayos ang plano ko.

Lumitaw ang mga katagang dapat kong sabihin kaya hindi na ako nagdalawang-isip na sabihin ito. Biglang lumiwanag ang paligid kaya napangiti na lamang ako.

        NATAGPUAN ko ang sarili ko na nakahiga at pinagmasdan ang papalayong imahe ni Dare. Agad akong tumayo at humalakhak. Napahinto ito at dahan-dahang humarap sakin.

"I'm back," saad ko na dahilan ng paglaki ng mga mata nito. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang bilis ko pero dali-dali akong napadpad sa harapan niya.

"No, bitch. Ikaw ang mamamatay, because I AM FVCKING IMMORTAL."

Itinaas ko ng kaunti ang mga kamay ko at nagpakawala ng sunod-sunod na pagsabog.

Narinig ko ang mga sigaw nito at paghingi ng tulong, pero humiga na lamang ako sa isang tabi at hindi siya pinansin.

"Finally, it's over," I whispered, and waited until emptiness swallowed me... completely.

KitowaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon