Chapter 20

28 7 0
                                    

The Week of Death: Day 3
17/01/17

"Kailangan nating hanapin ang ibang grupo," Lucas said. I gave him a nod.

"Yes, I think that's the best thing to do," pagsang-ayon rin ni Matt.

"Sama-sama ba tayo?"

"Oo, pero bago iyon, mas maganda kung kumain na muna tayo ng tanghalian."

"Katulad ba kahapon? Grupo grupo?" tanong ni Drake.

"Yes! Para mapabilis ang paghahanap, same groups katulad kahapon." Agad naman akong lumapit kay Cas. Nagpaalam na kami sa kanila at nauna nang maghanap ng pagkain.

"Saan tayo maghahanap?" I asked him.

"Ewan ko."

"Bakit hindi ka gumawa ulit ng dragon tapos magpatulong sa paghahanap?"

"Sige, sandali—" Naputol ang sasabihin niya nang dumating si Eunice, isa siyang Rook ng mga White.

"Bakit ka narito, Eunice?" Nanlaki ang mga mata ni Eunice pero agad rin siyang nakabawi at tumingin sa akin.

"Papunta na ako sa mga White. May mga pagkain pala doon banda." Ngumiti ito nang bahagya at tinuro ang nasa kaliwa namin.

"Sige, maraming salamat." Gumanti rin ako ng ngiti sa kaniya. Tuluyan na nga siyang umalis. Hinarap ko si Cas pero naroon pala siya sa medyo malayo. Agad akong lumapit sa kaniya at humarap siya.

"Natanong mo ba kung saan naroroon ang mga White?" Ay! Oo nga pala!

"A-ah. Nakalimutan ko, hehe." Napakamot na rin ako ng ulo.

"Sige, hayaan mo na. Mamaya na lang natin simulan ang paghahanap."

"Oo nga pala, sabi ni Eunice, may mga pagkain doon," aniko at tinuro ang tinuro kanina ni Eunice.

"Sige, halika na." Hinila niya naman ang kamay ko at naglakad na.

"Lu-Lucas?" Napatingin siya sa akin at binigyan ako ng nagtatakang tingin.

"Why?"

"My h-hand." His eyes widened at agad na binitawan ang kamay ko.

"Sorry," he mumbled. I looked at him and replied, "It's okay."

Nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad ngunit tumagal na nang kalahating oras ay wala pa rin kami sa paroroonan namin.

"Wala ka bang napapansin?" wika ni Cas.

"Wala naman, ikaw?"

"Tignan mong maigi, dinaanan na natin ito kanina."

Tumingin ako sa paligid. Tama nga siya. May malaking puno sa kaliwa ko, at tatlong maliit sa kanan ko. Sabayan mo pa ng limang magkakadikit na bato sa baba ng puno.

"Tama ka. Hindi kaya, may nanliligaw sa atin?" tanong ko.

"Maaari," said he.

KitowaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon