Chapter 28

20 7 0
                                    

              Liwanag. 'Yon ang nakikita ko ngayon. Nasaan na nga ba ako? Nasa langit na ba ako? Hindi ko na ba nakayanan? Naglakad pa ako padiretso at nakuha ng isang bata ang atensyon ko. Isa na naman ba itong bangungot? Siya kasi 'yong batang hinahabol ng witch noon. Pero anong kinalaman ko sakanya? Kapatid ko ba siya? Anak ko ba siya? Pinsan ko ba? Ano?

"Siya ay ikaw."

Nagulat ako sa narinig ko. Lumingon ako sa paligid pero wala namang tao maliban sakin at doon sa bata na naglalaro ng manika.

"Sino ka? Asan ka?" tanong ko.

"Ang batang iyon ay ikaw."

Agad namang sumakit ang ulo ko. Paanong naging ako 'yong bata?

"Timty!" Napalingon ako doon sa babaeng nagsalita. Sa tingin ko, siya 'yong nanay ng bata. Maamo man ang mukha nito pero nakakatakot ang aura niya. Naka bistida ito at may koronang punong puno ng diyamante.

Akala ko ako 'yong tinawag niya pero hindi pala. Lumingon kasi 'yong bata at tumakbo papunta doon sa babae. Niyakap niya ito at binuhat naman siya ng mama niya.

"Si Ama?" tanong niya.

"Kasama ko siya," tugon ng babae. Bigla namang lumitaw ang isang lalaki. Namumutla siya at nakakapa. Nakasuot din ito ng itim na korona. Nanginig ang tuhod ko sa aura niya.

"Ama!" sigaw ng bata.

Lumingon ako sa paligid at hinanap ang boses na nagsabing ako daw ang bata. "Asan ka?!" sigaw ko.

Walang sumagot sa tanong ko kaya napapikit ako saglit.

"Kataasan." Napatingin ako sa tatlong lalaking nagsalita. Sa tingin ko ay mga kawal ang mga ito. Binaling nila ang atensyon nila kay Hiro— Ama pala.

"Haring Hiro," sabi nila at yumuko din. Tumingin naman sila doon sa bata at yumuko din. "Mahal na prinsesa."

Prinsesa? Isa akong prinsesa?

"Anong meron?" tanong ng Hari. The way he speaks, his voice, his presence, matatakot ka talaga. Full of authority.

"Ang mga taga South ay nasa labas. Inaatake nila tayo."

"Hindi na talaga matanggap ni Kumana ang katotohanan!" sigaw ng sinasabi nilang hari. Agad niyang kinuha ang cloak niya at naglakad pero biglang hinawakan ng Kataasan ang kamay niya.

"Mahal ko, sasama ako," tugon ng Kataa—ng Reyna— ni mom— ni Ina. Hindi ko na alam talaga kung anong nangyayari pero parang unti-unti nang nabubuo ang misteryo ng nakaraan ko.

"Hindi. Bantayan mo si Timty. Hindi naman pwedeng hayaan ko lang silang lumaban. Isa pa, mas maganda kung mababantayan si Timty."

"Mag-iingat ka."

"Oo. Babalik ako, mahal ko." Hinalikan nito sa noo si Ina maski ang bata— ako.

Pero hindi na siya nakabalik? Asan na nga ba si Haring Hiro? Namatay na ba siya?

Naguluhan na naman ako ng umikot ang paligid. Naririto pa rin ang bata at may kasama siyang babaeng maganda naman ngunit nakakatakot ang hitsura. Maitim ang kaniyang labi at may mga puting hibla ang buhok nito. Siya si Kumana! Teka, anong gagawin niya sakin?

Pinainom niya ang bata ng isang likido. Bago tuluyang pumukit ang mga mata ng bata ay nagsalita si Kumana.

"Sweet dreams, little angel. Ang iyong kalakasan ay isang malaking hadlang sa amin. Matulog ka na panghabang buhay. Enjoy."

"COWARD!" sigaw ko, kahit na alam kong hindi niya naman ito maririnig pero laking gulat ko nang humarap ito sakin.

"Pagbati. Ako'y nagagalak sa ating muling pagkikita pero pasensya ka na at hindi ko hahayaang tumagal ka pa. Papatayin na kita bago mo pa makita ang iyong Ama. Bago pa niya maipasa ang kaniyang angking lakas. WAHAHAHA." Nakagigimbal ang kaniyang pagtawa. Pero, tama ba ang narinig ko? Buhay pa ang aking Ama?

Kung oo, I will fight. I have to wake up para marinig ko ang side nila at para makaalala na ko. I closed my eyes para hilinging gumising na. Nakarinig na naman ako ng pagtawa.

"What are you doing, little angel? Trying to wake up? Hindi ganon kadaling gumising, you have to fight me first."

Fight her?

Gumawa ako ng pana using fire. Itinutok ko muna ito sa kanang braso niya at agad na binitawan pero nagtaka ako ng nakita ko ang expression niya. Parang hindi niya alintana ang mabilis na apoy na tatama na sa braso niya. Nang dumampi ito sa kaniyang balat ay sumakit ang aking kanang braso.

What the hell?

Kinuha ko ang dagger na nakatago sa likod ko at agad na hinagis ito sa kaliwang braso niya. Kung tama ang nasa isip ko, masasaktan ang kaliwang braso ko.

Tama nga ako. Nang dumaplis iyon sa kaliwang braso niya, dumugo din ang kaliwang braso ko.

"Pano ba 'yan? Kapag namatay ka kaya dito, anong mangyayari sayo? Kung ako kasi namatay dito, gigising din ako. Pero ang tanong, mapapatay mo nga ba ako? WAHAHAHA."

Kung siguro ay hinang hina na ako, tiyak matatakot na ako sa sitwasyong ito pero hindi. Ngumisi ako na ikinakunot ng noo niya.

"Oo, mapapatay kita rito. Mapapatay at mapapatay kita. Maski sa totoong buhay, kung may balak kang saktan ang isa sa mga mahal ko, papatayin kita."

Agad akong tumakbo papalapit sakaniya. Akala niya siguro ay aatakihin ko siya pero nagulat siya ng kinuha ko ang dagger kanina at agad kong itinutok iyon sa puso ko.

"Scared?" I asked her.

"Magising ka lang. Wala akong pake. Basta ang alam ko, hindi ako mamamatay. I have more reasons to live so I won't die. Bago 'yon, mapapatay muna kita." I closed my eyes at agad na itinarak ito sa puso ko.

Hmmm.

KitowaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon