Chapter 10

46 12 0
                                    

      "ANG tagal naman niyang gumising!" boses babae ang nambulabog sa'kin, ngunit nanatili lamang akong nakapikit. Hindi ko alam ngunit sobrang sakit ng ulo ko.

"Annie, learn to wait." Annie? Ibig sabihin ba nito gising na ako? Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko, pero tinakpan kong muli ang mga ito. Kung kanina binalot ako ng kadiliman. Ngayon, ang masakit na liwanag ang sumalubong sa mga magagandang mata ko.

"Timty! Thank God you're awake," she squeaked at agad akong niyakap.

"Hey, I can't breathe," reklamo ko. Agad niya rin naman akong binitiwan at naupo sa tabing kama. Oo nga pala! Asan na si Lucas?

"Nakauwi na siya. 'Tsaka, anong oras na rin. Pwede ka naman na raw lumabas, kaya tara na. Uwi na rin tayo."  Sumunod naman ako sa sinabi niya at agad na tumayo. Nang makalabas kami sa pintuan, naabutan namin si Elder Jessica na magkasalubong ang kila, kaya pinauna ko na si Annie.

"Saan kayo pupunta?"

"Hmm?" And again, for the nth time! Tumatawa na naman siya. I really hate the way she laughs. Not the hate hate, but the I don't like it hate. Nakakakilabot kasi.

"Sorry," she said as she fixed herself. Bago pa siya magsalita, nagbow na ako at tinalikuran siya. Nadatnan ko naman sa hindi kalayuan si Annie na nakatayo habang ipinapadyak-padyak ang mga paa. Mukhang hinintay pa niya ako.

"Papasok ka na ba bukas?" she asked.

"Oo." Bigla siyang ngumiti. "Mabuti naman. 'Tsaka, bukas na pala malalaman ang result ng evaluation noong Third-Day Party," she said, almost a whisper.

"Bakit ka bumubulong?" I asked. Bakit nga naman kasi siya bumubulong? May kalaban ba? Wala naman akong maramdaman na presence, ah!

"I just want to. Mahirap na kung magiging paos ang boses ako, sayang ang ganda ng boses," she said whilst playing her hair using hair fingertips.

"Whatever," I mumbled and then rolled my eyes heavenward. Nauna akong maglakad ngunit hindi nakaligtas sa pandinig ko ang tawa niya.

Pagdating na pagdating, agad akong humilata at natulog.

        "TIM-TIM, Rank A ka rin!" Tili ni Annie.

Sabay kaming pumasok ni Annie kanina. Kanina pa din siya tili ng tili sa kadahilanang isa raw akong Rank A. Siyempre, masaya rin ako, pero hindi naman gaano para dumating sa punto na titili-tili ako kagaya ni Annie. Tinuruan niya rin ako kung paano isarado ang isipan para may privacy naman daw ako.

"Magandang umaga sainyong lahat. Nasaan si Sey Timty Andres?" Itinaas ko naman ang kamay ko nang marinig kong banggitin ni Mrs. Song ang pangalan ko.

"Ms. Andres, kilala mo naman siguro ako, hindi ba? Ako si Mrs. Song, ang tagahasa ng mga ability ninyo."

"Yeah. Okay," I replied with a nod.

"Class, tomorrow will be your first training." She then exited the room and slammed the door. Napanganga na lamang ako sa isipan ko. Bakit ganoon ang ugali ng gurong ito?

          NATAPOS na nga ang buong araw at heto ako ngayon nakahiga at hinihintay na bumisita ang antok ko. Wala kaming ginawa maghapon, tanging kain at chismisan lamang, ngunit nagtataka ako kung bakit hindi man lang ako kinausap ni Lucas ngayong araw. Kahit ngiti lang ay wala akong natanggap.

KitowaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon