Chapter 15

29 11 1
                                    

              Kasalukuyan kaming nasa canteen para maglunch. Medyo pagod na din ako dahil sa mga nangyari kanina.

"Ayos ka lang?" tanong ni Annie.

"Oo naman. Kumain ka na lang," sagot ko naman. Tinignan niya ako na nakataas pa ang kilay para bang sinasabi niya na nagsisinungaling ako.

"Kanina pa ako tapos. Ikaw, 'di mo pa nakakalahati ang pagkain mo."

"Ganoon? Tapos na rin ako, tara na." Nang tumayo kami, napansin kong pinagtitinginan nila ako–kami pala.

"Siya ba 'yon?"

"Siya 'yon."

"Sayang ang ganda niya."

"Ganda? Saan banda?"

"Sabi ko na nga ba, e."

Napalunok na lang ako. Ano kayang ibig sabihin ng mga 'to. Tumingin naman ako kay Annie at ngumiti na parang sinasabi na okay lang ako.

Nang nasa hallway na kami, nakita ko ang sandamakmak na litrato na nakadikit sa mga dingding, at ano? Kahalikan ko raw si Annie?

"What the f-uck?" sambit ko. Ayos lang sana kung ako ang ginaganito! Ayos lang sana kung ako 'yong nabubully, pero dinamay pa si Annie? Ang kaisa-isang kaibigan ko rito? Plus, kahit hindi ako part ng rainbow community, what's wrong with being a lesbian? Sayang? Anong sayang don?

"Sinong gago ang nagdikit nito rito?!" sigaw ko sa mga taong nanonood habang dinuduro-duro sila. Hinihila naman ni Annie 'yong kamay ko at sinasabing itigil ko na raw pero sorry siya, I'm a bad-tempered woman.

"Calm down."

"Calm down? Ilang beses ko nang ginawa yan pero sumusobra na sila!" Kung pwe-pwede lang, baka kanina pa umuusok ang ilong ko. Bigla namang dumaan sa harap ko ang tatlong aso. Huminga muna ako ng malalim at matalim na tumingin sa kanila.

"You," sabi ko kay Cess. Habang tinuturo siya.

"You," duro ko kay Sam, iyong isang aso.

"And you," kneel ko rin kay Faye.

"Kneel down, now!" Ngumiti naman si Faye. Ngiting aso kaya bagay na bagay sa kaniya.

"Kneel down? Dream on, bitch," she said and mockingly looked at me.

"Darling, did you just call yourself a bitch?" I answered and displayed my evil smirk.

"I wasn't—"

"Tumigil ka na muna, Faye. Ako na ang bahala," ani Cess habang nakacross arms na pumaharap ng pakembot-kembot. Marami na rin palang taong nakikinig at nanonood sa amin.

"You want us to kneel down?"

"Cess! Anong sinasabi mo?" reklamo ni Sam.

"Then make us," she said with a devilish smile plastered on her face. Devilish huh? Oh darling, natatakot ako. Note the sarcasm.

"Paano ba iyan? I just washed my hands. I'm too lazy to wash my hands again after this." I answered, smirking.

"Aba't sumasagot ka!" sigaw niya. Agad niyang hinila ang buhok ko, kaya hinila ko rin ang sa kaniya. Maya-maya sumali na rin si Annie at ang natitirang dalawang aso kaya medyo magulo na rin dito.

F-uck! Ang mga kamay ko! Mamaya may kuto 'to, yuck!

"I despise you!" ani Cess.

"Thank you," I answered back.

"Ouch! My hair!" Narinig kong reklamo ng iba. Hanggang sa makita ko na lang si Annie na naihagis sa malayo. No, not again.

"SINO ANG MAY GAWA NOON?" sigaw ko. Tumigil naman sila. Bakas sa mukha nila ngayon ang pagkagulat, sino ba naman ang mag-aakala na ang sinasabi nilang mangmang na tulad ko ay mapupuno nang husto?

Nakita ko na lang ang sarili ko na nagpapakawala ng tubig na kasing init ng apoy. Ang mga buhok ko ay nililipad ng hangin. Ang mga anino ko ay parang may sariling buhay, na gumagalaw mag-isa. Nahagip naman ng mata ko si Elder Jessica na naka'cross-arms at ginagalaw ang ulo. 'Yong mukhang dismiyado.

Itinaas ko ang kamay ko at nakita ko na lang ang tubig na kulay itim na bumalot at kumulong sa tatlo. Agad akong napatingin kay Annie na may mukhang parang nanalo sa lotto.

"Aaaahh!"

"F-uck!"

"Serves you right, bitches!" rinig kong sigaw ni Annie. Agad na niya akong hinila at tumatawang umalis sa lugar ng gulo. Natawa na lang ako. Kanina may pa'calm down calm down pa siyang nalalaman tapos ginusto niya rin pala. Maya-maya pa ay huminto na rin si Annie at medyo nakangiwing tumingin sa'kin.

"Panigurado mamaya kakausapin tayo ng council." Ano daw? "Council?"

"Oo. Mas mababa nang kaunti sa faculty." Napatango na lang ako sa mga paniwalag niya. Agad akong napaisip, kabago-bago ko pa lang ta's ganito na? Panigurado hindi ako titigilan ng mga 'yon, pero kung hindi ako gaganti, walang mangyayari.

"Nga pala, intindihin mo na lang sila. Ganon naman sila e, magsasawa rin 'yon." Tumango na lang ulit ako bilang sagot.

"Uwi na tayo? O papasok ka pa sa klase ni Sir Hunhan?" tanong niya.

"Papasok ako siyempre. Tsaka, wala naman na sila doon hindi ba? Pasok ka na! Anong oras na e, ingat ka na lang dahil andon 'yong tatlong aso." paalala ko.

"Tatlong aso?" Natatawang tanong niya. Nakitawa na rin ako. Hanggang sa nagpaalam na kami sa isa't-isa at dumiretso sa klase. 'Pag pasok na 'pag pasok ko nakaramdam na agad ako ng mga masasamang tingin na ipinukol sa'kin. Kasalanan ko bang nainis lang ako nang sobra? Ginantihan ko din naman sila ng ngiti. Ngiting nakakainis at nakakapikon.

"May gana pa siyang ngumiti?"

"Ang kapal naman ng mukha niya."

"Akala mo kung sino."

"Kahit dalawa ability niyan, mahina pa rin 'yan."

"Nadaan sa kapit 'yan e."

"Oo nga."

Ayan lang ang iba sa mga naririnig ko, pero anong ginawa ko? Ngiti. Oo sinuklian ko sila ulit ng ngiti.

"Enough. Makinig na muna kayo saakin?" utos ni Sir Hunhan. Thank you, Sir. Kung nakakamatay lang ang mga tingin, double-dead na siguro ako ngayon.

"Nakalimutan kong sabihin kanina. Magprepare na sana kayo, dahil after three days magsisimula na ang Week of Death. Wala munang klase ngayon. Magpahinga na muna kayo sa mga bahay niyo. Dahil bukas magsisimula na ang trainings." Tumango naman kaming lahat bilang sagot. Teka, ano daw? Week of Death? Papatayin ba nila kami or something like that? Bahala na!

Agad kong kinuha ang bag ko at kumaripas ng takbo papuntang kwarto namin ni Annie. Naabutan ko naman siyang nakasalampak sa sahig at magulo ang buhok.

"Why?" I asked her.

"Week of Death na." sagot niya. Kumunot nanaman agad ang noo ko. Ano ba ang mayroon sa Week of Death na 'yan at ganiyan ang itsura niya ngayon?

Napansin naman siguro niya na hindi ko maintindihan ang mga sinabi niya kaya pinangunahan na niya ako bago pa ako magtanong.

"The title, itself, says it all."

"Are you serious? Mamatay ba talaga tayo? Paano na ang Kitowa? Paano na ang mundong ito? Paano na ang kagandahan ko? Edi dapat gawa muna ako ng bata para hindi sayang ang genes ko!" I exclaimed. She stared at me na para bang sinasabi niyang, "Seriously?"

"Paano ang Kitowa? As if they care naman kung mawala tayo. And to answer your question, yes, may posibilidad na mamatay ka–tayo."

Fudge!

KitowaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon