Chapter 9

63 15 0
                                    

  "TUMIGIL ka nga sa kakalakad diyan, nakakahilo," reklamo ni Cas. Paanong hindi ako paikot-ikot e wala pa kaming naiisip na paraan para magising na kami? Nag-aalala na ako, lalo na at nadamay pa 'tong mokong na 'to. 'Tsaka malay ko ba na kabilang na ang araw kahapon. Nagsayang kami.

"Cas, anong gagawin natin? Bukas ng alas otso ng gabi, wala na."

"Ang sabi ni tito, tatabi lang ako sa'yo. Sticking together is the only way na makakabalik tayo. Siguro, let's have fun na lang," anito. Tumango na lang ako bilang sagot. Wala namang mali kung susubukan, 'di ba? At kung totoo man 'yon, edi madali lang pala.

"Punta tayong EZ!" Suhestiyon ko.

"EZ?"

"Hindi mo alam ang EZ? Maganda roon."

Hindi ko na hinintay na sumagot siya at agad na sumakay sa sasakyan. Baka kasi tumanggi pa, e. Mahirap na.

"'Iyon, Cas, oh! Sakay tayo roon!" aniko habang turo-turo ang EZ Tower, 'yong tataas tapos biglang bababa. Kanina pa kasi kami naglilibot dahil halos wala naman siyang gustong sakyan. Masyadong KJ!

"Ayaw ko riyan," sagot ni Cas. Anong ayaw?

Takot ka, ano? Tanong ko gamit ang isipan ko. You know, the mind-reading thingy.

"Hey! Hindi ako takot! Sige, tara punta tayo," sagot niya. Kaya napangisi na lamang ako.

Sa sobrang haba ng pila, inabot na kami ng alas dose ng tanghali bago nakasakay. Akala ko lalaki talaga si Lucas kaya hindi siya sumisigaw, pero ang loko'y nakapikit at naginginig na pala sa sobrang takot.

"HAHAHAHAHAHAHA!" Imbes na matakot, natawa lang ako nang natawa dahil sa reaksyon niya. Hindi naman niya siguro ako naririnig dahil maingay, 'di ba?

Natapos ang journey, at sa wakas ay dumilat na rin ang dakilang Lucas Alvarez. "HAHAHAHAHAHA." Hindi ko napigilan ang tawa ko lalo na tuwing naaalala ko ang mukha niya kanina.

"Stop laughing, will you?" pagsusungit nanaman niya. 'Sus nahihiya lang 'yan dahil sa kahihiyan na ginawa niya. Akal mo kung sinong tigasin na lalaki, may pagkabakla naman pala.

"Nakakatawa kasi."

"Hindi nakakatawa, Sey. 'Tsaka sinong bakla? I'm not gay!" Napakasungit!

"Lucas, doon, oh!"

"Gusto ko 'yong life-size unicorn, please?" Siyempre para pumayag, papikit-pikit pa ako ng mata, and, luckily, pumayag ang loko!

Maya-maya naman ay labis ang inis ko sakanya.

"Ano ba 'yan? Hindi ka naman marunong maglaro niyan e!" Pano ba naman kasi? Hindi niya pa matamaan ng dart 'yong lobo. Wala pa siyang napuputok ni isa.

"Para namang makakaputok ka riyan," angal niya.

Nagbayad na lang ako, at kumuha pa ng isang dosenang darts. "Watch and learn, stupid."

Pinikit ko ang kanang mata ko. Kaliwang mata ko kasi ang ginagamit ko dahil diretsa ang tingin doon. Dahan-dahan akong bumwelo and, of course, I hit one.

"Ako naman! Tignan mo ring maigi," aniya kaya hinayaan ko nalang. Napansin kong ipinikit niya din ang kanang mata niya kaya tumawa ulit ako. Hindi niya natamaan!

KitowaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon