16 ♠ Espiya

2K 107 30
                                    

(Unedited)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Unedited)

APAT NA ARAW na ang lumipas mula nang isa-isang kilalanin ni Prinsesa Kristine ang apat na prinsipe ng Brussos. Pinalabas niyang likas lamang siyang pala-kaibigan. At bilang isa ang Brussos sa mga imperyo kung saan siya pipili ng mapapangasawa ay marapat na makilala rin niya--hindi lamang ang prinsipeng kinatawan--kundi maging ang pamilya nito.

Isa na itong hakbang upang maisagawa ang mga plano niya. Kung isa man nga sa mga prinsipe ng Brussos ang nawawala niyang kapatid ay mas kailangan niyang buksan ang lahat ng posibilidad at ang lahat ng paraan upang tuklasin ang katotohanan. Ngunit alam niyang limitado ang kanyang pamamalagi rito sa imperyo ng Brussos. Ang pagtuklas ng katotohanan ay hindi ganoon kadali kaya kailangan na niyang kumilos.

MABILIS ang ginagawang paglalakad ni Prinsipe Darius at halos takbuhin na niya ang mahabang pasilyo patungo sa pribadong silid ng prinsesa ng Kris. Ayon kasi sa tagapag-silbi nito ay may karamdaman daw ang prinsesa.

Nauna nang dumalaw dito ang kanilang ama kaya oras naman niya ngayon upang kumustahin ang kalagayan nito.

"Kamahalan, narito ho ang mahal na Prinsipe Darius!" pagbibigay impormasyon ng kawal na nagbabantay sa labas ng silid ng prinsesa nang dumating si Prinsipe Darius.

"Papasukin siya!" malakas namang utos ni Lilla nang pahintulutan ito ng prinsesa. Matapos iyon ay agad na pinagbuksan ang prinsipe ng pinto. 

"Prinsesa Kristine!" bulalas ni Prinsipe Darius nang makita niyang nakaratay sa higaan ang prinsesa. Agad niya itong nilapitan at ginagap ang isang kamay. "Kumusta ang pakiramdam mo?"

"Ayos lamang ako, Mahal na Prinsipe. Huwag kang mag-alala." Isang pilit na ngiti ang nakita niya sa namumutlang mga labi ng prinsesa. Kaya lalong hindi siya naniwala rito.

"Labis akong nag-aalala sa kalagayan mo, Prinsesa," puno ng sinsiridad niyang turan. Hindi pa rin niya pinapakawalan ang kamay nito na hawak niya.

"Wala kang dapat na ipag-alala. Simpleng lagnat lamang ito. Ngunit, ipagpaumanhin mo at ilang araw pa ang pananatili ko rito sa inyong imperyo dahil sa kalagayan ko," paliwanag nito.

Agad siyang umiling-iling upang ipaalam na ayos lamang ang lahat. "Wala kang dapat na ihingi ng paumanhin, Prinsesa. Hindi ko rin mapahihintulutan na maglakbay ka ng ganyan ang iyong kalagayan. Manatili ka muna rito hanggang sa lubusan ka nang gumaling."

Ngayong araw na sana ang pag-alis nito sa Brussos matapos ang mahigit isang linggong pananatili. Ngunit pansamantala itong ipinagpaliban dahil sa kalagayan ng prinsesa. Hindi nito kakayanin ang mahabang paglalakbay patungo sa imperyo ng Halleña dahil sa kalayuan nito. Ang paglalakbay patungo roon ay aabutin ng mahigit isang linggo gamit ang kabayo at kalesa.

Bahagya lamang tumango ang prinsesa bilang tugon at binigyan ang prinsipe ng matamis na ngiti't marahang pagpisil sa kamay niya. 

KRISIAN EMPIRE

Krisian Princess "The Battle of Four Empires"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon