HALLEÑAN EMPIRE
MABILIS ang ginagawang paglalakad ni Prinsipe Cyrus papunta sa bulwagan kung saan siya ipinatatawag ng Emperador ng Halleña—ang kanyang amang si Alexander Fox. Ang sabi ng kawal ng palasyo na tumawag sa kanya ay may mahalaga raw silang pag-uusapan at kailangan na niyang magmadali.
Kaya heto siya ngayon, halos takbuhin na ang pasilyo ng palasyo papunta sa bulwagan kung saan ang butihing emperador, at ang iba pang mga opisyal at may matataas na katungkulan sa palasyo ay naghihintay na.
Pagtapat niya sa malaking pintuan ng bulwagan ay kaagad iyong binuksan ng mga naka-unipormeng kawal na nagbabantay.
Nadatnan niya sa loob ang lahat na mga naka-upo na sa tatlong helera ng mahahabang lamesa na nalalatagan ng napakaraming pagkain at alak. Halos lahat ay naroroon na. Tila siya na lamang ang kulang upang simulan na ang pagpupulong.
Pinagmasdan niya ang lahat. Naroon na ang kanyang tiyuhin na si Arnold Fox. Kapatid ito ng kanyang ama at ito ang kasalukuyang punong ministro ng imperyo ng Halleña. Napakabait nito at malapit sila rito ng kanyang nakatatandang kapatid na si Marcus.
Naroon na rin ang Gobernador Heneral na namumuno sa pangkat ng mga sundalo. Maging ang mga Nobles, ilang Feudal Lords, Vassals, at piling mga kabalyero na nagsisilbi ring lupong taga-hatol sa hukuman ng palasyo ay mataman ng naghihintay.
Hindi rin nakaligtas sa kanyang paningin ang ilang mga embahador ng dalawang kahariang nasa ilalim ng kanilang pamumuno. Bibihira lamang magkaroon ng isang pagpupulong na dinadaluhan ng ganito karaming representante ng iba't ibang lalawigan at kahariang bumubuo sa imperyo ng Halleña. Kung kaya, natitiyak niyang isa itong napakahalagang talakayin.
Naroon din ang paring si Elisar na palaging nakabuntot sa kanyang ama. Ang pari ay malaya ring nakakapasok sa hukuman ng mga nakatataas at maging sa pribadong tanggapan ng emperador ng Halleña. Siya ay nagsisilbing Father Confessor sa monarkiya ng mga nakatataas(Lords), Kabalyero(Knights), Eskudero(Squire), at mga magsasaka. At mahigpit nitong sinasanay ang bawat eskudero na naghahangad maging isang magiting na kabalyero—hindi lamang sa mga kasabihan ng simbahan. Kundi maging sa mga panlipunang giliw upang sanayin silang maging maginoo. Nagsisilbi rin itong taga-payo at tagapag-patibay ng kanilang pananampalataya sa Diyos.
MATAMAN niyang pinagmasdan ang ama na noo'y umiinom ng alak sa kupeta habang naka-upo sa trono nito—na siyang sentro ng bulwagang iyon. Matanda na ito ngunit mababakas pa rin ang kakisigan sa hulma ng katawan. Suot nito ang gawa sa gintong korona na bumagay sa mahaba nitong kulay gintong buhok na ngayon ay marami-rami na rin ang mga hindi maitagong puting buhok sanhi ng katandaan.
Nilapitan niya ang ama at humalik sa mga kamay nito bilang tanda ng paggalang at pagmamahal.
"Kumusta ka, Mahal kong Ama? Ipagpaumanhin niyo po kung nahuli ako," aniya.
BINABASA MO ANG
Krisian Princess "The Battle of Four Empires"
Ficción histórica•GENRES: Historical, Fantasy, War, Romance, Tragedy •ACHIEVEMENT: Wattys 2016 Awardee •HIGHEST RANKING: #1 in Historical Fiction Ang alitan ng apat na imperyo ng Atlanta, na nanahimik at natulog sa napakahabang panahon ay muling nagising...